vientequatro
"Vera, do you know how to do this?" tanong ni Selena isa sa mga kaklase ko sa Economics.
Lumapit ako sa kanya kahit magkatabi lang naman kami. "Let me check." saad ko.
Second year na ako at kumpara sa last year, medyo alam ko na lahat ng mga gagawin. Hindi na rin ako nangangapa. Nakuha ko na rin kung paano mag-aral dito. Bumabalik na ang dati kong pagpupursigi sa pag-aaral. Unti-unti na akong bumabalik sa dati.
"You just have to compare the statistics of last year to this year. The sales from the consumer." paliwanag ko.
Tumango-tango ito. "Okay, thank you. You're such a big help."
Ngumiti na lang ako sa kanya.
Nang natapos ang klase ay bumalik ako agad sa dorm. Birthday ni Moris ngayon at mag-vi-videocall kami. Excited na rin akong maka-usap at makita siya ulit. Kaya nang makarating ako ay nagbihis lang ako at humiga na sa kama. Madaling araw doon pero mapilit siya, gusto niya raw ako ang unang babati sa birthday niya.
Binalot ko ang sarili ng comforter. Ito ang pinaka-paborito kong parte ng araw ko. Iyong makakahiga na ako sa kama at makakapagpahinga, matapos ang nakakapagod na pag-aaral at part-time. Oo, nagpart-time ako. Kasi hindi ko naman pwedeng iasa kay Auntie ang mga pang gamot ni Moris, regular check-ups niya, at tuition sa school. Sinagot na nga ni Auntie ang pangbaon nito araw-araw at pagkain. Nahihiya na akong ipagastos sa kanya lahat.
Utang na loob ko rin sa kanya na nakahanap ako agad ng matitirihan dito. Hindi kasama ang dorm sa scholarship ng school. Sa third year pa raw iyon, depende sa grades. Kaya dalawang taon akong maninitili dito sa dorm na pagmamay-ari ng kaibigan ni Auntie. Kaya pumayag agad na dito ako at may discount pa. Isang taon na rin ako rito, at sa awa ng Diyos nagagawa kong bayaran dahil sa part-time.
"Hello!" masigla kong bati nang magstart na ang videocall.
"Goodmorning, Ate..." inaantok pa nitong sagot.
"Inaantok ka pa. Sabi ko kasi sa'yo, mamaya na lang kapag umaga na diyan."
Ngumuso ito at bumangon sa kama. Katabi pa nito sa kama ang mga pinsan namin. "Okay lang, Ate. Kanina pa nga kita hinihintay. Nakatulog lang ako."
Ngumuso ako. "Sorry... pinatapos ko pa ang klase ko. Gusto mo pa ba ituloy ngayon? O tulog ka muna?"
Umiling-iling ito. "Ngayon na, Ate! Hindi mo pa ako binabati."
Natawa ako sa kanya. "Happy birthday Moris!" masaya kong bati.
Ngumiti ito at kinusot ang mata. "Thank you, Ate..."
"Natanggap mo ba ang pinadala ko sa'yo?"
"Opo. Bukas daw—-ay mamaya na pala, punta daw kaming mall para makabili na ng tablet." hindi niya man ipahalata, alam kong excited na siya. Kaya pala hindi makatulog ng maaga.
"Mabuti naman. Magpasama ka kela Auntie ha? Wag kang bibili ng mag-isa." paalala ko. Baka kasi maligaw siya at delikado walang kasama.
"Opo. Mag-aaral akong mabuti, Ate. Gagamitin ko ng maayos 'yong tablet... tapos no'n... uuwi ka na ba?"
Hindi ko napigilan ang matawa ulit. Umiling-iling ako sa kanya at bumuntong hininga. "Hindi pa. Magbibilang ka pa hanggang makatapos ka ng college." sagot ko.
Sumimangot ito agad. "Matagal pa 'yon!" reklamo niya na muntik nang magising ang katabi niya. Kaya sinenyasan ko siyang 'wag maingay.
"Shhh. Sige ganito na lang. Kapag magaling ka na? Papagamot ka pa ni Ate. Basta mabait ka at nakikinig. Para gumaling ka agad."
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...