Chapter VI

74 4 0
                                    

sais

"Ikaw 'yon?" bulong ko na para bang may tinatago ako. Well, meron naman talaga. Pero hindi naman masama.

He stopped his hand from getting a book and glanced at me. "Ano'ng ako?" nagsalubong ang kilay niya.

Bumalik rin ito sa ginagawa. Kinuha niya ang isang makapal na libro at nagpatuloy sa paghahanap, sinundan ko siya.

Hindi lang sa paglalakad pero dito sa library. Hindi maalis sa isip ko na nakapag-taxi kami ng libre ni Moris kagabi. Pati dinner namin masarap at libre. Imposibleng hindi sa kanya lahat galing 'yon, siya lang ang nakakaalam ng nangyari kagabi.

Kaya ngayong araw ay sinadya ko talaga siyang hanapin at kausapin. Sakto namang napili niyang pumunta ng library, kung makita man kaming malapit dito, hindi kataka-taka dahil pwede kong sabihin na naghahanap lang rin ako ng libro.

"Ang nagbayad sa taxi kagabi,"

Huminto ito sa paglalakad, akala ko haharapin niya ako, may nahanap pala ulit siyang libro. Sa may bandang taas iyon kaya napaatras ako dahil nakatayo ako sa gilid niya. Ano ba 'yang mga kinukuha niya? About business? Ayokong basahin ang title, nahihilo ako.

"Juan!" pabulong kong sigaw dahil hindi niya ako pinapansin.

Bahagyang kumunot ang noo nito at kitang-kita ko ang pag galaw ng makakapal niyang kilay sa ilalim ng itim niyang salamin. Pakiramdam ko ang bigat-bigat no'n pero intact ang pwesto dahil matangos ang ilong niya kaya hindi nalalaglag.

Napa-isip tuloy ako. Kagabi hindi naman siya nakasalamin. Kahit noong sinundan niya ako sa ospital, nakakakita pa kaya siya no'n? Pero nagdrive rin siya papunta e, walang suot.

Malabo ba talaga ang mata niya?

I bit the tip of my index finger while staring at him. Halos sasandal na ako sa malaki at mataas na bookshelf para makita ang mukha niya. Busy siya sa paghahanap ng libro.

"Are you done staring?" mataray niyang sambit.

Nabawi ko tuloy ang daliri sa labi at napa-ayos ng tayo.

"Sagutin mo kasi ako. Hinihintay ko ang sagot mo." katwiran ko.

Tumaas ang kilay niya na parang hindi siya naniniwala. "What about the taxi?" patay malisya pa siya. Alam niya ang tungkol doon, siya talaga ang may pakana.

"Magkano ang binayad mo? Babayaran ko."

Lalong nasira ang mukha niya, hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Iniwan niya na ako at nagpatuloy sa paglalakad, malapit na kami sa dulo ng aisle. At nasa pinakadulong row talaga kami ng library. Medyo malamig na nga dito dahil walang tao.

"I didn't ask you to pay me back."

I hissed. "Pero gusto kong ibalik."

"No need."

"But I want to."

"I don't want to."

"Juan!"

"Veronika."

Napahinto ang paa ko. Unti-unti umangat ang tingin ko sa kanya at sinalubong ako ng walang emosyon niyang mukha, nakaharap na siya sa akin. Kumabog ang puso ko.

"B-Bakit alam mo pangalan ko?" gulat kong turan.

He licked his lower lip. "I heard it last night, when the nurse called you." nakaharap siya sa akin ngunit dumapo ang mata nito sa mga libro sa taas ko.

Napa-tango ako. Siya nga iyong lalaki kagabi. "Sa waiting area?" tanong ko.

"Yeah..."

Kinagat ko ang ibabang labi at napakamot sa ulo. "O-Okay pala..."

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now