dose
Magkasama nga kami nila Juan at Moris na nagsimba. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil tama naman siya. Sadyang hindi ko inasahan na marinig sa kanya 'yon. Hindi ko rin alam ang ibig sabihin niya sa together, pero gumaan ang loob ko.
Tamang desisyon ata na hinayaan kong makapasok si Juan sa buhay ko. Kailangan ko ng mga taong katulad niya. Magpapaalala sa akin kung ano ang pinaka-mahalaga. Ngumiti siya sa akin habang kumakanta kami ng worship song. For the first time in my life, I felt my heart in genuine happiness.
Nanatili na sa isip ko ang ngiti na iyon ni Juan. Ilang araw ko na siyang hindi masyadong nakikita at nakaka-usap dahil busy na siya sa preparation ng pageant. At dumating na nga ang pinakahihintay na pagkakataon.
Anniversary Event day na.
Ngumiti ako sa mga nakasalubong ko na nagbabantay ng kanya-kanyang stall nila. Umaga palang at naatasan akong tingnan kung kamusta ang mga stalls. Sakto rin dahil magsusulat kami ng Article, magandang makita ko ng personal kung ano ang mga nangyayari at ilalagay namin.
"Vera? Ate Vera!" napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.
Hinanap ko kung saan iyon at nakitang si Sheela lang pala ng Business Ad, nagbabantay siya isang waffle stall. Ngumiti ako sa kanya at naglakad papalapit.
"Sheela? Kamusta?" tugon ko.
Pinatong nito ang kamay sa mini counter, "Ayos lang po. May benta na nga e, kahit maaga pa." masaya niyang saad, "Nagbreakfast ka na, ate? Gutom ka na ba?"
Kumunot ang noo ko, "Hindi pa. Nagmamadali kasi akong umalis kanina. Bakit?"
Ngumisi lang ito at inabutan ako ng waffle. Nagtataka ko iyong tinanggap, magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako.
"Bayad na 'yan, pati ito." nilapit niya sa akin ang isang hot chocolate.
Parang kanina pa naka-prepare, hinintay niya lang ako na dumaan. Naguguluhan ko siyang tinignan at hindi alam kung kakainin ko ba ang bigay niya.
"Bayad? Sinong nagbayad? Tsaka bakit sa 'kin mo binigay?"
"Binayaran na ni Kuya Juan, ibigay ko raw sa'yo pag nakita kita." lalong lumawak ang ngisi niya. "Parang alam na alam niyang hindi ka makakakain ng breakfast dahil busy ka?"
Uminit ang pisngi ko at ramdam ko ang pagbaliktad ng sikmura.
Pinilit kong umakto ng normal, "A-Ah... galing siya dito kanina? Ang aga pa ah," iwas ko sa topic at kinagatan na ang waffle para i-distract ang sarili.
Ngumuso ito. "Opo. Ni-required ata silang pumunta ng maaga para sa preparation. Malamang busy rin iyon para sa pageant. Wala na siguro silang oras gumala para sa event ngayon." dismayado niyang saad.
Marahan akong tumango at tahimik na kumain na lang. At talagang naisip niya pa akong bilhan ng pagkain? Malapit ko nang isipin na charity case ako ni Juan. Ngunit natigilan ako sa pagkain nang mahuli si Sheela na nakatitig pa rin sa akin at may ngisi sa labi.
"Ano? Sheela?"
"Ayokong manghimasok pero... close kayo, ano? Ngayon ko lang nakita si Kuya Juan na may nilibre."
Nalunok ko ang pagkain. Hindi siya nanglilibre ng mga ka-department niya? So, ako lang ang nililibre niya palagi? Nakakahiya!
"C-Close? Paanong close?" pagmamaang-maangan ko.
Minsan hindi ko rin talaga naiintindihan si Juan. Bawal daw malaman ng tao ang agreement namin, pero panay ang pangyayari na nakikita ng tao na may koneksyon kami.
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomansaVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...