catorce
My gaze on him turned into a hawk eye when he decided to ignore my presence. Nakita ko ang pasimpleng pagsulyap nito sa pwesto ko bago ipinagpatuloy ang paglalagay ng documents sa xerox machine.
Humalukipkip ako. Wala pa rin. Wala kaming ibang naririnig kundi ang pagtunog ng machine.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ko na kinaya. "Juan! Pansinin mo ako!" naiinis kong reklamo.
Doon niya lang ako tuluyang binigyan ng konti niyang atensyon, nilingon niya lang ako bago kinuha ang mga copies sa gilid ng machine. "What is it?" patay malisya niya.
Imposibleng hindi niya alam. Simula nakita ko siya sa corridor kanina sinundan ko na siya hanggang umabot na kami sa printing department ng building. Gumagawa na naman siguro siya ng errands na hindi sa kanya at inutos lang. Wala pa rin pagbabago ang lalaking 'to.
Huminga ako ng malalim. "'Yong account mo. Ayusin mo."
Bumaling siyang nakakunot ang noo. "What do you mean?"
Pinagdikit ko ang dalawang labi. Aba't ayaw talagang umamin. "Ang personal account mo. Bakit ako lang ang fina-follow?" pangdidiretsa ko dahil kanina pa ako nagsasayang ng oras dito.
Umiwas ito ng tingin at nagkibit-balikat lang. Kinuha niya lahat ng na-print niya at nilampasan na ako. Lumabas na siya ng kwarto at pumasok sa archive room. Humugot muli ako ng malalim na hininga at sumunod sa kanya, sinarado ko ang pinto.
"Juan naman, ayusin mo 'yon. Magfollow ka pa ng iba o tanggalin mo na lang ako sa following mo. Kagabi pa ako nakaka-receive ng mga chats galing ata sa mga fangirls mo."
Huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin, salubong ang kilay. "Fangirls?" tanong niya parang mali siya ng narinig.
"Oo nga, meron ka na no'n. Di mo nakikita? Ikaw ang hot topic buong weekend. Marami nang nagkaka-crush sa'yo, kaya please... ayusin mo 'yong following mo."
He just scoffed and pulled some labeled box on the big shelf. Medyo madilim dito sa archive room, for privacy ata. "Last time I checked, there's nothing wrong with it." katwiran niya pa.
"Meron! Ako nga lang ang fina-follow mo!" nagmartsa ako papunta sa kanya at tinulungan siya sa mga dala niyang patong-patong na papel.
His forehead creased. "At mali 'yon?" he probed.
Napakurap-kurap ako dahil mariin ang titig niya sa akin. "H-Hindi naman sa mali... ang pangit lang tignan." bawi ko.
Nagsimula na siyang maglagay ng files sa mga box. "Why?" parang hindi niya talaga nababasa ang nangyayari.
Kanina nga lang pagpasok ko ramdam ko nang pinagtitinginan ako lalo na ng mga ibang freshmen! Parang may krimen akong ginawa o may inagaw ako sa kanila.
Problemado akong tumingin sa kanya. "Baka isipin nila, may something tayo o girlfriend mo ako." pag-amin ko.
Para siyang nakidlatan at hindi nakagalaw. Ilang segundo pa bago niya tuluyang nalagay ang ibang files sa kahon, bago siya naglakad ulit kaya sinundan ko rin ulit.
"Kaya please, Juan. Dagdagan mo ang mga fina-follow mo, o tanggalin mo na lang ako sa following mo."
His head snapped at me. Brows drew together, bago niya binawi ang mga nasa kamay ko at tinalikuran ako. "You said I'll use the account to talk to the person I want to," bulong niya.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko masyadong narinig. Lumipat ako sa gilid niya. "Huh?"
"Wala. Go to your class. Make sure hindi ka late sa session mamaya." may pagbabanta niyang tugon at iniwan na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/372768689-288-k654486.jpg)
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
عاطفيةVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...