diez
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Wala ako sa posisyon para magdesisyon para sa kanya. Siya lang dapat magdecide doon. Pero sinabi ko naman, na kung ano ang maging desisyon niya ay pwede ko naman siyang suportahan.
Nag-aalala rin kasi ako noong sinabi niyang hindi siya sanay sa tao. Alam naman ng lahat 'yon, kung hindi siya komportable ay ayos lang naman na humindi siya. Pero kung gusto niyang maka-alis sa comfort zone niya, magandang opportunity ito.
Pero sa katulad ko, hindi na mahalaga kung wala ako sa comfort zone ko. Hindi ako mapapa-aral at mapapakain no'n, hindi rin mapapagamot si Moris ng comfort zone ko.
"Vera," kumaway sa akin si Helen nang makapasok ako ng meeting room.
May meeting kasi ang mga student officials para sa nalalapit na anniversary event ng school. Ito rin siguro ang tinutukoy ni Juan. Sino kaya ang nag-invite sa kanya?
"Hello." ngumiti ako at umupo na sa bakanteng upuan. Ako na lang ata ang hinihintay.
Tumayo na ang student president namin, "Kumpleto na tayo. Let's start." aniya at naglakad na sa harap ng mahabang mesa. "Naibigay na ang program para sa nalalapit na anniversary event ng Monroane. Siguro naman narinig niyo na rin dahil nagpaskil na ng announcements sa bawat building."
"Pwede bang sumali kahit student officer?" tanong ni Rein.
"Okay lang, basta hindi maaapektuhan ang responsibilities bilang organizer." malakas niyang pinagdikit ang dalawang palad. "Oo nga pala, maliban sa faculty tayo ang organizer ng event. Kaya kailangan ang bawat presensya niyo."
Tumango ako.
Nagflash ang listahan ng program sa projector. "This is a two day celebration, hindi naman masyadong mabigat hindi katulad ng dati na umaabot ng tatlo o apat na araw. Ang first day ay naglalaman ng booth sellings sa open ground, 8:00 AM to 12:00 PM. Continuation ng 1:30 PM, introduction of the history of school, live concert with famous singers as guest, hanggang 4:00 PM 'yon." sunod niyang tinuro ang pageant night. "Lastly for the first day, 6:00 PM to 10:00 PM, pageantry."
Pinagkrus ko ang braso sa dibdib at nakinig ng mabuti.
"Next day, clean-up drive sa buong school." nagreact silang lahat, umismid si president. "Dahil malamang after ng party nagkalat na naman ang mga basura. Ang hindi aattend may minus sa class attendance. Kaya magsilbing role model kayo, kailangan kumpleto tayo kahit sa second day."
Pinatay na ni president ang projector bago muling humarap sa amin.
"Ngayon, kailangan ma-settle ito. Bawat department ang responsable sa bawat booth, pero tayo ang mag-aaprove ng ibebenta nila. Kailangan ko ng gagawin no'n, kaya sa willing mag-represent magtaas ng kamay."
Nagtaas ng kamay si Helen. "Ako na lang!"
"Okay good. May iha-hired naman sa technicals for the live event ng after lunch hanggang gabi, pero pagdating sa documentary ng school sagot na natin 'yon. Kailangan ko ng magaling sa camera, iba pa ang photographer and magsusulat for this year's anniversary article. Any communication students?"
Nagtaas ng kamay si Seven. "Ako na sa camera, si Mon na sa photography..." tinapik nito ang balikat ng katabi. Tumango naman si Mon.
"Me na sa article. Dalawa kami ni Vera," presenta ni Sierra. Bumaling siya sa akin. "Okay lang sa'yo? Magaling ka sa development and advisory, tulungan mo ako."
Tumango ako. "Oo, sure."
"Thank you," sagot ni president. Bumuntong hininga ito na para bang nasa pinaka-mahirap na part na siya. "Tayo rin pala ang responsible sa pag-gagather ng mga sasali sa pageant."
![](https://img.wattpad.com/cover/372768689-288-k654486.jpg)
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...