diecinueve
"Huh? Saan tayo pupunta?" hindi matapos kong tanong.
"Date." sagot niya bago pinaandar ang sasakyan.
Medyo nawindang pa ako sa narinig. Hindi ako nakasagot agad at kung hindi pa ako tinanong ni Juan kung saan susunduin si Moris ay hindi pa ako magsasalita ulit.
Date?! Date daw?
P-Pero kasama naman si Moris 'di ba? Ibig sabihin friendly date... tama friendly date.
Doble-doble ang kabog ng dibdib ko hanggang masundo namin si Moris kela Auntie. Nagpakilala pa nga si Juan pero sandali lang rin kami at umalis na. Masyadong mabilis lahat ng pangyayari sa akin at hindi ako makahabol-habol. Wala atang nag-sy-sync in.
"Ang Auntie mo ang nagpalaki sa inyo?" tanong ni Juan habang papunta na kami ng mall.
Napalingon ako sa kanya. "H-Ha? A-Ah... oo. Simula noong mamatay ang magulang namin."
Pinagdikit nito ang dalawang labi at natahimik saglit. "Sorry about that. I'm sorry for asking."
Bahagyan akong natawa. "Walang problema ano ka ba! Hindi naman na kami naaapektuhan ng gan'on ni Moris. Normal na rin sa amin pag-usapan."
Tumango siya at sumulyap sa akin sa passenger's seat. "Why are you not living with her anymore?"
Doon ako natigilan. Humugot ako ng malalim na hininga. "Ayoko na maging pabigat pa kami ni Moris sa kanila. Kahit naman nagkukusa silang tumulong, nakakahiya pa rin. Kaya pinursigi kong makahanap kami ng apartment ni Moris."
"But you held responsibility for everything? Even though you're still studying?" patuloy niyang tanong kahit nasa daan ang mata niya.
"Mga necessities, oo. Pero nagbibigay rin naman si Auntie kahit papaano. Ayoko lang iasa sa kanya lahat."
Tumango ito ulit. "She seems nice..."
Natawa ako ulit. "Oo. Gano'n talaga 'yon, palabiro rin." sagot ko.
Nakarating na rin kami ng mall at una niyang tinanong kung saan namin gusto kumain ni Moris. Medyo pinagpapawisan na nga ang kamay ko dahil baka ilibre niya na naman kami.
Pero siya naman naka-isip nito? Nananahimik na sana kami ni Moris sa apartment namin ngayon kung hindi niya kami niyaya. Pero kahit na! Nakakahiya pa rin ipabayad sa kanya lahat palagi.
"Ate... chinese food." bulong ni Moris sa akin.
Hindi pa ako nakakapagsalita nauna nang sumagot si Juan. Narinig niya pala si Moris.
"Alright. Chinese food it is." lumapit na sa kanya si Moris at sa braso na ni Juan kumapit. Iniwan na nila akong dalawa na nakatayo mag-isa.
Napabuntong hininga na lang ako. Medyo mahal pa naman ang chinese food! Pero hayaan na nga, mas healthy naman 'yon kesa mag fast food na naman kami. Minsan lang naman humiling si Moris.
Sinundan ko na lang sila hanggang makapili sila ng kakainan. Mukhang ang saya-saya nila habang namimili ng pagkain. Tahimik lang ako nanonood sa kanila. Gusto ba ni Moris ng Kuya? Parang tuwang-tuwa siya kapag kasama namin palagi si Juan. Hindi naman siya ganyan kaligalig kapag kami lang dalawa ang gumagala.
"Stir fried noodles..." bulungan nila.
Umiling-iling na lang ako. Magkatabi sila at nakaupo naman ako sa harap nila. Nagbabasa sila sa menu kaya gano'n na lang rin ang ginawa ko. Pero napakagat na lang ako sa ibabang labi nang mabasa ang mga presyo. Bakit dito pa kasi napili ni Juan?
"Vera? What do you want?" tanong sa akin.
"Sweet and sour! Favorite niya 'yon, Kuya!" singit ni Moris.
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...