97: Unti-Unti

13 0 0
                                    


Unti-unti mo ng naaabot ang tuktok
Ngunit wala na ang rason
Kung bakit ka nagsimula
Nakalimutan mo na ba ang lahat ,
O sadyang ikaw ang kusang nagbago?

Magbago man wag mong kalilimutan
Ang lugar kung san ka nagsimula
Mga taong nandoon nung ika'y walang-wala
Magbago man ang ihip ng hangin ,
Ngunit wag sanang lumaki ang iyong ulo.

Bilog ang mundo di laging nasa ibaba
Pagpatak ng oras baka sa taas na titingala
Matirik na daan ay di kasalanan ng tadhana
Ang mundo ay sadyang mapaglaro ,
Baka bukas ang iyong trono'y di na sayo.

Habaan ang pasensya wag laging mainit ang ulo
Madaming kalbaryo ngunit laging may dulo
Ang pawis , luha at dugong pinuhanan mo
Matagalan man ay wag mong isusuko ,
Di mag lalaon ay darating din ang para sayo.

Di ka nag-iisa lagi mong tatandaan
Di mo kailangan ng maraming nakapaligid
Sapat na ang mga totoong nagmamalasakit
Na sa panahon ng iyong pangangailangan ,
Ay silang mga hindi sayo nang-iwan.

Kaya wag masyadong parusahan ang sarili
Kung mabigo man ng paulit-ulit
Ang lahat ay may dahilan at sagot
Pukpok lang ng pukpok kaysa mag mukmok ,
Malay mo bukas lungkot mo ay magiging ngiti.

Kaya wag kang mabahala o sarili ko
Ang buhay ay di karera di kailangan na takbo ng takbo
Wala kang kalaban tanging ang sarili mo
Ang iyong hakbang ay ikaw ang may hawak ,
Habang buhay..
Laging may pag-asa kaibigan ko ;

— Unti-unti pero mayroong tungo!




~ nniiwwpoetry ~ 07/27/24

thousand words (random poetries!)Where stories live. Discover now