98: Kapalaran

11 0 0
                                    




Natalo..
Natalo at nabigo ngunit nakangiti
Sa dulo ng masakit na pagkukunwari
Mga karanasan na pangit o maganda ,
Lahat ng iyon ay may silbi.
Umiyak..
Umiyak at nagbago
Ang mundo ay patuloy na iikot
Humandusay ka man o magreklamo ,
Di yan maghihintay sayo.
Di patas..
Di patas ang buhay ngunit anong bago
Di ka pa pinanganak ganito na ito
Ang suwerte ay di para sa lahat ,
Kung minsan kailangan mo din tumakbo.
Mahirap..
Mahirap talaga ang mabuhay
Ang salitang " madali " ay sa salita lamang
Sa totoong mundo'y isang paglalakbay
Malayo sa loob ng iyong komportableng bahay
Dugo , pawis , at luha ang katumbas!
Matirik..
O ang daa'y matirik
Maraming nakabakod
Mag paa't kamay na nakagapos
Sa dami ng humihila pababa ,
Ang pag-akyat sa tugatog ay isang hamon.
Mabigat..
Mabigat na pasanin
Gumagaan pag may kasama
Pamilya at kaibigan man
Nasa likod mo palagi sila ,
Na pwedeng mong sandalan.
Kapalaran..
Kapalaran walang nakakaalam
Ang bukas  , kahapon , at ngayon
Ikaw ang may hawak ng iyong hakbang
Ang buhay ay hindi isang paligsahan ,
Hinay lang kaibigan..
Makakarating ka rin sa paroroonan!






~ nniiwwpoetry ~ 07/29/24

















thousand words (random poetries!)Where stories live. Discover now