2

115 4 0
                                    

Wild

Napataas ang tingin ko sa kalabog ng pintuan ng bumukas ito. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Chalevere na mukhang galit na naman.

"Tangina naman Chalevere pwede ba kung may balak kang magsira ng pintuan 'wag sa mansion na 'to!" Medyo inis na sambit ni Thunder na hindi naman pinansin ni Chalevere dahil seryosong nakatingin sa akin.

"Shut up Thunder may importante akong sasabihin," hangos nito at nagtungo sa pwesto ko. Nilapag ko ang mga papeles na binabasa ko kanina. Kanina pa si Thunder dito dahil may inabot siya sa aking papel kanina.

"What is it?" I asked him.

"May sumira ng warehouse." Sagot niya na kinatigil naming dalawa. Dalawa kaming nakatitig lang kay Chalevere na mukhang hindi nagsisinungaling sa amin.

"Warehouse?" Tumango siya.

"Sa Tarlac."

Napapikit ako sa sinagot niya sa akin. Sa lahat ng hawak kong warehouse around Manila. Ang nasa Tarlac ang pinakamalaki. Iyon din ang supplier sa lahat ng lalawigan sa bansang ito.

"What the fuck happened?" Si Thunder na mukhang nagulat sa masamang balita. "Alam na ba nila Ram?"

"Oo. Nagtungo na sila doon ikaw ang inaantay nila Wild." Sabi ni Chavelere.

Hindi naman na ako nag patumpik tumpik pa at agaran na kaming nagtungo sa Tarlac para tignan ang warehouse na sinabi nilang sinira.

Kahit sa loob pa ng kotse ay kita ko na kaagad kung ano ang kalagayan ng warehouse namin. Umaapoy ito at kitang kitang wasak. Napakatindi naman ng gumawa nito.

"I can't fucking believe this. Sa laki ng damage na nagawa paano hindi natin nalaman agad?" Ang tanong ni Gabrielle na hindi makapaniwalang nakatingin sa ngayong inaapulang warehouse.

Ram make sure no medias will be allowed to cover any of this ruckus. Once na may lumabas na balita tungkol dito ay paniguradong madami na namang makikisawsaw, lalong lalo na ang mga kaaway namin. At mas lalong dadami ang gawain namin na dapat hindi naman namin gawin.

"Madedelay ang deal kay Mr. Lee nito," usal ni Thunder na nasa gilid ko. Tumingin din siya sa akin pero hindi ako nagsalita.

Kinuha ko ang pakete ng sigarilyo sa bulsa ko at kinuha ang lighter kasama nito at nag sindi ng isa.

I inhale the smoke until it reaches my lungs before I blew it out.

"Make sure maayos kaagad ang problema na ito. Ram alamin mo agad kung sino ang may pakana nito. Chavelere siguruhin mo na walang susunod na warehouse natin ang magiging abo after nito. Thunder and Gab, i-check niyo lahat ng deals natin na maapektuhan ng nangyari I'll contact Shin from La Union to take matters with the lost deals." Ang turan ko sa kanila na isa isa nilang kinatango.

Hindi naman maiiwasan ang ganitong pangyayari sa linya ng trabaho namin. But it never happened before, someone with a big gut to set fire on our fucking big warehouse.

Gusto kong mahuli kaagad ang may pakana nito at ako mismo ang susunog sa kanya habang buhay pa siya.

Itinapon ko ang upos ng sigarilyo at sumaktong tumunog ang cellphone ko na kaagad kong sinagot.

"Wild?" I can hear a lot of voices on the other line na kinunutan ko ng noo but I can clearly hear my sister voice.

"Aire what happened?" Nakakunot kong tanong sa kanya.

"Fuck! Wild! I don't know what happened. It just... It just the Lilienne blew out!" Nagpapanic na sabi nito. Isang marahas na hininga ang naibuga ko sa sinabi niya sa akin. She sounds she's going to cry too.

"Stay there Aire I'll go there and you will tell me anything that happened got it?" Ang seryoso kong sabi sa kanya. Hindi na ako nag-antay pa na sumagot siya at pinatay na ang tawag. Agad akong sumenyas sa apat na may pupuntahan kami na agad nilang sinunod.

Hindi ko maiwasan na higpitan ang pagkakahawak sa manibela. Whoever did this sisiguruhin kong hindi na siya hihinga sa susunod na araw.

Pagkarating ko kung nasan ang kapatid ko ay madami akong nakitang mga tao, karamihan ay mga nagtatrabaho sa brothel namin na halatang nagulat sa nangyari. Ako lang ang nagtungo mag isa rito dahil may problema pa sa Tarlac na kamuntikan kong makalimutan kaya naman iniutos ko sa apat na asikasuhin na iyon.

"Wild," rinig kong tawag sa akin ng kapatid kong may galos sa kanyang mukha. Hinawakan ko ang pisnge niya at tyaka naman nangilid ang luha sa mga mata niya.

"Anong nangyari?" Walang emosyon kong tanong. Ibinaling ko ang tingin ko sa gusaling umuusok at halatang pinasabog. Hindi naman ito nasunog ngunit sira rin. Ngunit gumuho ito.

"Maayos ang lahat ng takbo ng negosyo, Wild. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Lahat kami walang alam sa mangyayari, maayos ang securities at walang kahina hinala sa lahat ng guest at sa empleyado," paliwanag niya sa akin.

Muli akong tumingin sa kanya na pinupunasan ang luhang kumawala sa mata niya. Halatang guilty siya sa nangyari. Siya kasi ang inatasan ko sa negosyo naming ito, I did own a lot of brothels around this country pero ang Lilienne ang pinakamalaki sa kanila. Sikat ito at dinadayo ng puro mayayaman na tao sa bansa.

"It's not your fault." Pang aalo ko sa kanya ngunit bakas pa rin ang guilt sa mukha niya.

Maya maya pa ay may inilabas ang isang empleyado na isang lalaking umuubo pa dahil sa nalanghap na usok. Si Aire ay agad namang kumilos at pinuntahan ang lalaki na bakas ang pag aalala sa mukha.

"Are you okay Fifteen?" Bigkas nito na kinuha ang atensyon ko kaya naman napatitig ako sa lalaking ngayon ay tinulungan ni Aire upang matayo ng maayos.

Nanghihina ito at halata namang walang kalaban laban. Agad kong nasilayan ang mukha niya nang mahina niya itong iangat at tignan ang kapatid ko.

"Namumutla ka! Joseph dalhin niyo siya agad sa hospital!" Utos ni Aire, mukha siyang natataranta na bumaling sa akin.

"Wild please help us!" Hingi nito ng tulong kaya naman lumapit ako para tulungan siyang buhatin ang lalaki.

Mukhang hindi ako nakilala ng lalaki na ito dahil humawak siya sa akin na halatang nanghihina at tila ba ay mahihimatay ano mang oras.

"Please dalhin mo siya sa hospital, Wild." Sabi ni Aire sa akin. Tinignan ko siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya but she didn't change her reaction.

"Please wala siyang ibang pamilya rito. Ako na bahala rito." Sabi niya sa akin.

"Fine. Pero ipapadala ko rito si Emmanuel para tumulong sa nangyari." Pinal kong sabi na kinatanguan niya. Wala akong choice kung hindi gawin ang sinabi ng kapatid ko. Dinala ko ang lalaki sa hospital na pagmamay ari namin. Agad siyang nilagyan ng oxygen dahil nahihirapan siyang huminga at agad tinungo sa emergency room upanh gamutin.

Ayoko sana magtagal sa hospital dahil hindi naman dapat nandito ako. Sa daming nangyari sa araw na ito uunahin ko pang bantayan ang hindi ko naman kaano-ano?

But I can't escape when the doctor told me he needed someone by his side dahil wala itong kamag anak.

Dagdag sa gawain ko ngunit sinunod ko naman ang doctor at nanatili sa hospital. Matapos siyang gamutin ay nilipat na rin siya sa private room na ako mismo ang nagrequest. Habang nandirito ako ay kumakalap ako ng balita galing sa iba kung ano na ang balita sa pinag uutos ko sa kanila.

Mabuti nalang at kahit papaano maasahan sila sa mga pagkakataong hindi ko personal na tinatrabaho ang dapat kong gawin.

Mukhang ngayon ko nararamdaman ang pagod dahil sa nangyari, hinimas ko ang batok ko at napansin ang pag galaw ng kamay ng lalaking kanina pa natutulog.

Dahan dahan siyang dumilat at tila ba ay wala pa sa sarili ng mapatingin sa akin. Mukhang hindi niya ako nakilala dahil kumunot ang noo niya sa akin.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon