Love?
Wild
Muli akong napamulat mula sa pagkakatulog. Madilim pa sa labas ngunit alam ko na agad na madaling araw na. Marahan akong huminga at binaling ang ulo ko sa katabi kong bulto na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Adalric was so fine last night. Bahagya akong napangiti ng maalala ang namagitan sa amin kagabi.
Dahan dahan akong bumangon dahil ayoko siyang magambala sa kanyang tulog, ako pa rin naman ang dahilan bakit siya pagod ngayon.
Lumabas ako sa kuwarto ko at bumaba sa baba dahil nauuhaw ako. Kukuha na sana ako ng tubig ng maramdaman ang presensiya sa likod ko.
I didn't notice him at first dahil nakapokus ako sa gagawin ko. Kumuha ako ng tubig at humarap kay Ram na sumisimsim sa kanyang baso ng alak. Sa itsura niya mukhang kanina pa ito umiinom.
"Madaling araw pero umiinom ka?" Puna ko sa kanya, bahagyang umangat ang labi niya sa gilid at nangibit balikat. Naupo ako sa upuan na kaharap niya.
"Kelan ka umuwi?" Tanong ko sa kanya. He was busy running his finger at the rim of his glass before he clear his throat. Base sa pinapakita niya sa akin alam ko na may dinadamdam siya.
"Spit it," I says and drink my water. He look up at me.
"She broke up with me." Sabi niya na nakapagpatigil sa akin sa pag inom. Pagak siyang natawa at inisang lagok ang alak bago nagbuhos ulit sa baso niya at ininom uli ito.
"Balak mo ba sirain atay mo?" Naiirita kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin matapos ibaba ang baso.
"Yeah. Ano naman?" Nakataas na kilay na sagot niya.
"Para sa isang tao ganyan ka?"
Dahil sa sinabi ko natawa siya doon but I know it is not a real laugh out of happiness.
"Nasasabi mo 'yan kasi never ka naman nagmahal boss," sabi niya na nakangiti nga ngunit kita sa mga mata niya ang lungkot.
I sighed.
Kahit wala pa akong almusal ay kumuha rin ako ng baso at nagsalin ng alak para samahan siya uminom. Hindi ko alam anong eksaktong oras na ngunit uminom na ako.
"Tell me what happened," saad ko at nagsindi ng sigarilyo.
"Simple lang naman. I went to her apartment, we talked. She said she wanted to end what's between us that's all." Pagkukwento niya.
"Tinanong mo ba kung bakit?" Kahit wala akong experience sa ganito ay nagtanong ako.
Umiling siya. "Pagod na raw siya sa paulit ulit kong rason e," simpleng sagot niya.
Ano naman kayang reason nito lagi? Trabaho? Alam naman ng babae na iyon ang trabaho namin masyadong binibigdeal tsk.
We spend our early hour drinking alcohol until I notice the sun coming up from the horizon, si Ram ay bagsak na at nakasubsob na sa counter, hinayaan ko lang siya at nagpatuloy sa pagsisigarilyo hanggang sa makarinig ako ng yabag pababa.
I turn my head to look at who it was and saw a sleepy Adalric walking toward us. Upon seeing us nanlaki pa ang mata niya sa nadatnan.
I gesture him to come near me na ginawa naman niya. I slowly wrapped my arms around his waist at base sa reaction niya naamoy niya ang alak galing sa akin.
"Ang aga niyo uminom," inaantok na banggit nito. Ngumiti ako.
"He got prob I am just here to accompany him," sabi ko
Hindi siya sumagot at tumingin nalang kay Ram na tila ba nahahabag sa nangyari sa kanya."Tatawag ako ng makakatulong sa kanya saglit lang." Sabi niya kaya naman binitawan ko siya. Agad siyang nagtungo sa maids counter para tumawag ng pwedeng makatulong kay Ram na magdadala sa kanya sa kuwarto niya.
Matapos madala ng lasing na Ram sa kuwarto niya ay bumalik si Adalric sa kusina para magluto ng maalmusal. Masyado pa rin naman maaga para sa maids para magluto kaya nagprisenta siya.
I stayed there watching him do whatever he wants to do. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat galaw niya. Nakatalikod siya sa akin kaya naman likod lang niya ang nakikita ko.
A thought suddenly pop up in my mind. I suddenly remembered what Ram told me earlier.
"Nasasabi mo 'yan kasi never ka naman magmahal boss,"
Ano nga ba talaga ang depinasyon ng pagmamahal? I never did love anyone eversince. Kahit sa mga magulang ko never ko silang nakita kung paano sila magmahalan, nagmahalan ba sila? Sa naaalala ko bata palang ako hindi ko na sila nakitang masyadong magkasama. Sa tingin ko nga hindi nila mahal ang isa't isa noong nagpakasal sila.
They had two children pero hanggang doon nalang ata iyon. Out of duty kaya siguro nandito kami. Hindi ko rin talaga alam, bata palang ako agad na akong namulat sa pamumuhay na ganito.
Nabalik ako sa realidad nang tawagin ni Adalric ang pangalan ko, nakaharap na siya sa akin at mariin na nakatingin sa akin.
"Kain na," sabi niya at tinuro ang mga niluto niya. "Uminom ka kaagad kahit walang kain? Hindi ba masakit tiyan niyo?" Sabi pa nito at naupo sa gilid ko. A small smile appears at the corner of my lips.
Habang patagal na dito siya nanatili ay tila ba lalo kaming nagiging malapit. Mabait siya ang masasabi ko, he sometimes listen whenever I want to tell him something about works. Nakikinig siya at ngingiti kapag titignan ko.
Our night sometimes end up being entangled in our bed. We both likes it kaya naman patuloy naming ginagawa.
Nakatanggap ako ng balita from Aire na tapos na ang renovation sa Lilienne kaya naman ay pupuntahan namin ito. Sinama ko si Adalric na mukhang naexcite dahil sa binalita ko.
Si Aire agad ang bumungad sa amin nang makarating kami sa Lilienne. She's wearing a shirt and skirt, hindi pa open ang business dahil obviously maaga pa.
"What do you think Wild?" Tanong ng kapatid ko ng ilibot ko ang paningin sa buong paligid. There's indeed a changes from the previous design. Tumango ako sa kapatid ko at binaling ang tingin kay Adalric na mukhang namamangha na naman. He was so energetic this morning kaya naman hanggang ngayon mataas ang level ng energy.
"Namiss ko magtrabaho rito," ang komento ni Thunder, tinignan siya ni Chave.
"Yeah pero sorry ka may school ka," that made Thunder pout. Dati kasi isa siya sa namamahala rito but since he's studying ay hindi ko na pinayagan pa. Kaya si Aire na ang namamahala rito.
"Can we stay here until night kuya?" Tanong ni Gabrielle kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya, tinaasan ng kilay.
"Then what would you do? Drink then you have a School tomorrow? Yeah its not gonna happen," sabi ko kaya naman sumimangot siya tinawanan pa ni Ram.
Sometimes it's funny pulling out an expression from Gabrielle. Minsan lang 'yan ganyan kapag magkakasama kami madalas kasi napaka seryoso.
"How about Fifteen are you going back?" Tanong ni Aire kay Adalric na kababalik lang matapos kausapin ng ilang kasamahan niya rito. Ang iba kasi ay maagang nagtutungo dito kahit hindi pa naman time ng duty nila. Tumingin ako kay Adalric na nagaantay sa sasagutin niya, kumislap ang mga mata niya.
"Pwede ba ate Aire namiss ko na ang pagtatrabaho rito." Sagot niya kaya naman nginitian ng kapatid ko.
"Oo naman.." binaling nito ang tingin sa akin. "He's working again here Wild pwede naman 'di ba? Pero sa mansion pa rin siya uuwi don't worry."
Hindi ko alam kung anong pinahihiwatig niya sa akin sa mga tinginan niyang pilya, hindi ko nalang siya pinansin at tumingin muli kay Adalric na nakatingin na pala sa akin.
"If you want then you are free to go back working here," alanganing sabi ko na kinangiti niya. Hindi nakalagpas ang nangyari sa mapanghusgang tingin ni Ram sa akin. Hindi ko siya pinansin at uminom nalang ng alak ng bigla nalang may sumigaw kasunod ng sabay sabay na putukan.
![](https://img.wattpad.com/cover/373785512-288-k117934.jpg)
BINABASA MO ANG
SAB Series #1 : Behind the Dark Shadow
Action#BL Wild Agusthine Laurier x Adalric Fifteen Chanler ᯓ When Wild let a stranger into his mansion, he didn't anticipate that he would fall for him, but what made it difficult was when the man he loved hid a secret from him.