9

59 3 0
                                    

Fifteen

Pagmulat ko sa aking mga mata ay agad na bumungad sa akin ang lalaking natutulog habang nakasandal sa head board ng kama. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Wild na mahimbing na natutulog habang nakahalulipkip.

I didn't know he stayed here until I fell asleep. And I didn't expect to sleep peacefully last night because of his presence.

Dahil sa mga panaginip ko ay nahihirapan ako matulog tuwing gabi. Nagsimula ito nang banggitin ni Wild ang tungkol sa lalaking iyon. Nais ko siyang iwaksi sa isipan ko ngunit may epekto pa rin talaga siya sa akin kahit na pangalan lang niya ang narinig ko.

It seems his presence still affects me and I don't know how to fix it. Natatakot pa rin ako.

Muli kong inangat ang paningin ko kay Wild at pinagmasdan ang mukha niya. Sa nakikita ko payapa siyang natutulog na tila ba ay walang iniindang problema. Sa kabila ng pagiging seryoso ng lalaki na ito ay hindi ko maaakila na napabait niya dahil pumayag siya sa kapatid niya na patuluyin ako rito pansamantala.

Isang taong hindi naman niya kilala ngunit pinatuloy niya sa kanilang mansion. Mabait siya. Iyon ang nakikita ko sa kanya.

Dahan dahan dumilat ang mata niya na pinagmasdan ko lamang hanggang ibaling niya ang paningin niya paibaba sa akin.

Nagtagpo ang tinginan namin, inaantok siyang umupo ng maayos at bahagyang ininda ang sakit sa likuran niya. Hindi rin naman siya nagreklamo kaya naupo rin ako.

"Dapat humiga ka para hindi manakit 'yang likod mo." Saad ko sa kanya na nilingon ako.

"Mahirap matulog ng nakaupo," sunod ko. Wala siyang reaction pero umangat ng bahagya ang labi niya sa gilid.

"Then next time I'll sleep laying." Sabi niya at bumangon na nagpatuloy siya sa paglabas at hindi na lumingon sa akin. Naiwan ako sa loob ng kuwarto na nakatulala at inalala ang mga nangyari kagabi.

Pagbaba ko sa kusina ay naabutan ko sila Wild, Ram at Chalevere na ngayon ay kumakain ng umagahan.

"Good morning Fifteen! Sabay ka na kumain sa amin," aya ni Chalevere.

Ayoko sana sumabay sa kanila dahil nahihiya ako pero tumayo si Chalevere at siya mismo ang humatak sa akin palapit sa mesa. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya, inayos ko muna ang salamin ko at naupo sa upuan na katabi ni Ram. He smiled at me and greeted me good morning too na sinagot ko rin naman.

"Uh.. bakit wala 'yong dalawa?" Takang tanong ko sa kanila. Lagi kasi silang magkakasama madalas. Umangat lang ang tingin ni Wild sa akin pero hindi siya sumagot. Isnabero din talaga ang lalaki na ito.

"Ah 'yong dalawa? May pasok pa mga 'yon e," si Ram ang sumagot sa akin kaya nabaling ang mukha kong nagulat sa sinabi niya, natawa siya sa akin.

"Ay hindi mo ba alam students 'yong dalawa na iyon mas bata sayo," natatawang sabi ni Chalevere.

I don't have any idea na mas matanda ako sa dalawa ilang taon na ba sila? Bente dos na kasi ako baka twenty or nineteen. Hindi kasi sila mukhang bata ang mamatured kasi nila.

"Ganon ba," mahinang usal ko at kumain na ng umagahan na si Ram ang nagbigay sa akin. Ngumiti ako na nagpapasalamat sa kanya ngumiti din naman siya pabalik sa akin.

Habang mag aalmusal ay walang tigil ang dalawa sa kakakwento sa akin. Mukhang nawiwili sila sa kakasalita na hinayaan ko nalang. Sinabi ni Ram sa akin na tweny five years old palang siya mas bata ng isang taon kay Wild samantalang si Chalevere naman ay tweny four at magtwetwenty five na sa susunod na buwan.

Mas bata pala talaga sa akin sila Thunder at Gabrielle dahil bente uno at bente palang sila. Kung ganon mas bata sila noong sumali sila sa grupo na ito? Nais ko sana silang tanungin ngunit tumahimik na ako dahil masyado naman ata akong nangingielam sa buhay nila.

Matapos ang umagahan namin na hindi ko inaasahan na makakasabay ko ang tatlo ay nagpaalam na rin silang papasok sa trabaho.

Nginitian ko sila at nagpaalam na rin. I saw Wild watching me kaya nagtaka akong tumingin sa kanya. Wala siyang sinabi at umalis na rin.

Nagtataka rin talaga ako sa lalaking iyon. Hindi siya madalas magsalita feeling ko nga kapag kinausap ko siya makikipagtitigan lang siya sayo kesa sagutin ka. Ang nice talking niya.

Buong araw ay wala akong ginawa kundi ay humiga sa kama ko dahil wala naman akong gagawin. Nakakaboring sa malaking bahay na ito at wala pang magawa.

Pinalobo ko ang pisnge ko bago napabuntong hininga at naupo sa kama ko.

Ayoko naman matulog kaya inabala ko nalang sa kung ano ang magawa ko sa bahay na ito. Buong araw bagot lang ang naramdaman ko hanggang sumapit ang gabi at kailangan ng matulog.

Ibinalot ko sa akin ang kumot at pinikit ang mata ko. Kagaya ng mga nakalipas na araw ay binabagabag ako ng mga masasamang panaginip ko dahilan kung bakit ako umiiyak tuwing gabi. Hindi ako makatulog at ilang ulit nagpabaling baling sa higaan ko hanggang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.

Ang basa kong mata ay napunta kay Wild na nakatingin sa akin bago isara ang pintuan.

"You're crying again." Ang simpleng sabi niya lang pero napasinghot ako at umiwas ng tingin sa kanya.

I shouldn't let him see how vulnerable I am. I shouldn't have let him sit on my bed and shouldn't let myself felt comfortable with him. Hindi dapat ganto.

"Sorry," hingi ko ng tawad dahil sa pag iyak ko. Wala siyang sinabi at umupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla na lamang akong gumalaw at pinatong ang ulo ko sa hita niya. Mukha siyang nagulat ngunit hindi naman nagreklamo.

Tumigil ako sa pag iyak dahil na rin pakiramdam ko ay hindi ako nag iisa. Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ang bahagyang hamplos sa buhok ko.

Gantong sinaryo ang laging nangyayari sa tuwing uuwi si Wild. Siguro ay ayaw na talaga niyang nakakarinig ng iyak sa gabi kaya naman dito siya nakakatulog para mabantayan ako, sino ba naman taong gustong makarinig ng umiiyak tuwing gabi?

A lot of times he stayed here in my room until I fell asleep and woke up with him. Mukha siyang nahihirapan sa pwesto niya kaya pinilit ko siyang mahiga na lang katabi ko. May distansiya naman sa pagitan namin kaya ayos lang.

One night I purposely push my back against the wall to make more room from him. Nagtataka siyang nakatingin sa akin ngunit ngumiti lamang ako sa kanya.

Hindi naman ibig sabihin na may nangyari sa amin ay lalapit na ako kaagad sa kanya ngayon pang nararamdaman kong paparating na naman ang buwanang init ko.

Naaalala ko pa noong gabi na nakita ko siya sa loob ng bar na iyon. Sa totoo niyan ay ang dahilan ko talaga noon ay para sa isang gaya nila— alphas na aayain ko upang makatalik. Sinabi kasi sa akin noon na kailangan ang first time ko ay sa isang alpha upang maging regular ang buwanan ko, medyo nalate din kasi ako kaya ginagawa ko iyon.

At sa tingin ko ay mag reregular naman na ako ngayong nararamdaman ko na ang buwanang init ko. At mag iisang buwan naman na akong nanatili rito.

Kaharap ko ngayon ang kalendaryo at tinitignan ang eksaktong petsa kung kelan tatama ang buwanang init ko.

Dalawang araw nalang iyon at inalala ko ang sinabi ni Aling Rose sa akin.

"Mas mabuting ilaan mo ang mga araw na iyon kasama ang isang lalaki," sabi niya, wala akong masyadong alam sa mga ganito dahil kung tutuusin ay pangalawang beses pa lamang ito, ang una ay nilaan ko k-kay Wild.

"Kung ayaw mo naman ay may ibibigay ako sayong suppressant inumin mo pero magkukulong ka pa rin naman sa kuwarto mo dahil karamihan sa mansion ay puro alpha," ang sabi pa niya sa akin.

Nangamba naman ako dahil doon. Tama siya maraming alpha sa mansion na ito ano kayang gagawin ko?

Hindi ko muna aalalahanin iyon dahil may araw pa naman akong palugit.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon