Wild
Mabuti at inabutan ko siya na nasa sala pa at doon nakahiga sa couch. Hindi siya natutulog ngunit nakatulala lamang.
"Kid." Tawag ko sa kanya na agad niyang kinaangat ng ulo at kumunot ang noo. Bumangon siya sa pagkakahiga niya at masamang tumingin sa akin.
"Kid? Bente dos na ako tapos kid ang tatawag mo sa akin?" Mataray na sabi niya may pairap pa siyang ginawa.
Hindi ko pinansin ang pagmamaldita niya at naupo sa single sofa na nandito at seryosong tumingin sa kanya.
"Sabihin mo ano ba talaga ang balak sayo ni Antonio?" Ang walang paligoy ligoy na tanong ko. Agad siyang tumingin sa akin na medyo nanlalaki ang mata. Inayos niya ang salamin niya at sumeryoso ng mukha.
"Hindi ko kilala ang lalaki na iyan." Sagot niya.
Pinagmasdan ko siya ng maigi at kitang kita ko naman talaga na hindi siya nagsisinungaling sa akin.
"Si Sebastian Belleville kilala mo?" Pagkatanong ko sa kanya ng pangalan ng lalaki na iyon ay agad siyang napatigil at biglaan na lamang nanginig ang kanyang mga kamay.
Napansin ko agad na agad siyang nagbago ng pakiktungo nang marinig iyon. He's lips are trembling too at hindi mapakali ang mga kamay.
I frowned. "What's wrong?" I asked him.
He looks at me with a fear in his eyes at parang may nangingilid pang tubig sa mata niya.
Umalis sa pagkakaupo ako at hinawakan ang balikat niya. Parang anytime ay iiyak siya.
"Hey Fifteen look at me. What's wrong?" Ang tanong ko ulit sa kanya. Umiling siya at ilang ulit napalunok.
"He.. he.." hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla na lamang itong napaiyak sa hindi ko malamang dahilan.
Wala akong ibig alam kung paano ko siya patitigilin sa pag iyak. I never did comfort anyone so I don't know how to. Ginawa ko na lamang ang sinabi ng lola ko sa akin at nagpakawala ng pheromones ko upang pakalmahin siya.
At mukhang effective iyon dahil bigla siyang tumigil sa panginginig niya at tumingin sa akin.
I didn't stop releasing my pheromones since it calms him down. Hinawakan ko na rin ang balikat niya upang magkalapit kami at mayakap niya na kaagad niyang ginawa.
When I was a child I grew up with my families. All of them are dominant alphas kaya naman wala akong alam sa nature ng mga omega but my grandmother always tell me what I need to do for an omega to make them comfortable with me since I was an alpha.
Naalala ko iyon habang si Fifteen ay mahigpit na nakayakap sa akin. Mukhang tama si Lola nakakatulong nga ito. Hinayaan ko siya kahit ito ang unang beses kong gagawin ito.
I don't like physical touch pero kaya ko namang isantabi iyon para lang mapakalma siya. Beside, we already did fucked once. So wala ng kaso sa akin iyon.
I didn't know it will bring an reaction like that when I asked him about Sebastian. Mukhang kilala niya iyon ngunit bakit ganon na lang ang reaction niya?
Nang mapakalma si Fifteen ay sinabi ko na sa kanya na mabuti pang magtungo siya sa kuwarto niya para makapagpahinga na ng maayos na agad naman niyang sinang ayunan.
I was in my bed when I heard a muffled cry. Akala ko ay guni guni ko lamang. I thought it's coming from Ram's room but it didn't. Nang matiyak ko saan ito galing ay nalaman ko na galing ito sa kuwarto ni Fifteen. Hindi pa siya natutulog? I was about to exit my room para puntahan siya ng tumahimik naman ang paligid. Siguro ay nakatulog na siya.
Napahinto rin ako dahil narealized ko ang gagawin ko. Hindi ko maintindihan ngunit bigla ko na lang gusto siyang patahanin sa pag iyak. Nailing ako at muling bumalik sa kama.
Lumipas ang ilang araw na walang naging problema. Lahat ng deals namin ay naiayos na at walang palya. Ngayon ay inaantay nalang namin ang ilang palitan sa pagitan ng Japan At Bali.
Ilamg araw na rin ang lumipas at patuloy ang naririnig kong iyak tuwing gabi. Hindi ko alam ang nangyayari kay Fifteen dahil hindi naman ito mukhang matamlay nitong nagkikita kami sa umaga, sa gabi lang siya ganito.
Hindi kaya dahil ito sa tinanong ko sa kanya nitong nakaraan?
Hindi naman ako nagtanong sa kanya dahil mukhang hindi pa siya handa na sabihin sa amin. Ipinahanap ko nalang kay Ram ang importanteng bagay na mag uugnay kay Fifteen at Sebastian.
At sa tingin ko may malalim na dahilan ito.
Gabi na at nais ko na sanang makapagpahinga dahil pagod ako sa trabaho ng marinig ko na naman ang boses ni Fifteen na umiiyak. Hindi na ako makapagtiis at pinuntahan siya sa kuwarto niya. Walang paalam ko itong binuksan at sumalubong sa akin ang madilim niyang silid.
Inaninag ko siya sa dilim at nandoon siya sa kama niya at nakatalukbong.
Pumasok ako sa loob at tahimik na sinara ang pintuan. Mukhang hindi pa niya napansin ang presensiya ko noong naglalakad ako kaya patuloy siya sa paghikbi niya ngunit ng maupo ako sa gilid ng kama niya ay agad siyang napa balikwas at binuksan ang lampshade na nasa gilid niya.
Kitang kita ko ang landas ng luha sa kanyang pisnge. Namumula na rin ang mata niya kakaiyak.
"A-anong ginagawa mo rito?" Ang tanong niya at umiwas ng tingin sa akin.
"You're crying. I heard it and I can't sleep." Ang sinabi ko.
Muli siyang tumingin sa akin at pinunasan ang mga luha sa mata niya.
"Sorry," hingi niya ng tawad. Tinanong ko siya kung may problema ba siya pero umiling lang siya sa akin. Nanatili ako sa loob ng kuwarto niya, pareha kaming tahimik hanggang basagin niya ang katahimikan.
"I can't sleep," turan niya. Binaba ko ang tingin ko mula sa bintana at tumingin sa kanya na nakatingin sa buwan.
"Why?" Tanong ko.
"Nightmares," simpleng sagot niya.
"Dahil sa masamang panaginip kaya ka umiiyak?" Marahan kong tanong sa kanya na tinanguan niya.
I don't have any ideas he's having a nightmares. Kailan pa? Wala naman akong alam dahil umuuwi ako sa mansion na ito madalas ng madaling araw na at mahimbing ng natutulog ang lahat.
"I can't sleep if there's nobody beside me," sabi niya na mukhang wala sa sarili dahil hindi naman ito nakatingin sa akin.
Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang akong nagsalita ng bagay na hindi ko naman ginagawa sa kung sino.
"Then I'll stay here."
Nilingon niya ako at pinakatitigan ng matagal. Hindi naman ako gumalaw at sumandal lang sa head board ng kama niya. Hindi siya nagsalita pa o kung ano. Nakatitig lang din ako sa bintana hanggang magawi ang tingin ko sa natutulog na fifteen sa gilid ng tabi ko.
Pinagmasdan ko siyang matulog ng tahimik. Mukhang payapa naman amg tulog niya kaya hinayaan ko siya. I stayed in his room until the sun comes out.
BINABASA MO ANG
SAB Series #1 : Behind the Dark Shadow
Action#BL Wild Agusthine Laurier x Adalric Fifteen Chanler