25

51 1 0
                                    

Fifteen

"Sure ka ba talaga na hindi mo sasabihin sa kanya?"

Nilingon ko si Brian na nagdadrive ngayon patungo sa apartment na tutuluyan namin. Noong nakaraan lang kami lumipat doon. May mga bagay pa kasi kaming tinapos bago namin atupagin ang trabaho na inatang sa amin ni Fourth.

Hindi ko nga rin akalain na sa kabila ng mga ginawa ko ay mauuwi ako sa pagtulong kay Wild na kung tutuusin ay dapat matagal ng patay kung sinunod ko lang si Sebastian.

But despite what happened, from a lot of things that I have done to them heto pa rin ako at tutulungan pa rin siya.

Kanina damang dama ko ang galit na tinginan sa akin ng mga kasama niya. Si Ram nagtataka siguro kung ano ang nangyayari but I know Wild already told them about me and my true identity. Wala naman na sigurong maitatago si Wild sa kanila.

"I won't tell him," I says. Brian glance at me before bringing his gaze back on the road.

"Paano kung malaman niya?"

Napaisip ako sa sinabi ni Brian. Hindi ko nilinaw kung bakit ko gustong tulungan si Wild sa problema niya kay Sebastian at Antonio. Hindi ko rin naman inaasahan na gagawin ko ito.

Bumalik sa alaala ko iyong naging usapan namin ng kapatid ko. I can't believe na lumapit ako sa kanya matapos kong mawala sa radar nila. But when Fourth and my gazed lock together he already knew why I went to him and told him I wanted to help a Laurier.

Noong una akala ko hindi niya ako pagbibigyan kasi alam naman niya kung ano ang ginagawa ko e, malalayo ba ako sa iba ko pang kapatid kung hindi? Si Fourth lang naman ang gumagawa ng paraan para hindi ako malagot sa batas.

"He still need to know Fifteen. May karapatan pa rin naman siya." Ang sabi ni Brian na hindi ko pinansin pero paulit ulit na sumasagi sa isipan ko.

Alam ko at dama ko kung ano ang nararamdaman ni Wild noong mga oras na nag uusap kami. Alam ko na pinipigilan niya lang ang sarili niya dahil aminin ko man o hindi alam kong nahulog siya.

Ayon kasi ang naging problema ko. I can't handle things knowing someone might love me. Sa buong buhay ko inisip ko lang na maihiganti ang magulang ko sa pagkamatay nila dahil sa kanya, pero sa isang iglap nawala iyong galit ko na iyon ng makilala ko siya ng tuluyan.

Akala ko nga pakitang tao lang siya but I can see him getting worried whenever our men do things to his friends. Sobra nga siyang nag aalala noon kay Ram at Gabrielle ng malaman na nasugatan sila.

Hindi man niya ipahalata alam ko na sobra ang pag aalala niya sa mga malalapit sa kanya. Alam ko iyon kasi nararamdaman ko.

Ayon nga lang hindi ko magawang ibalik ang binibigay niyang pagmamahal. Paano? Sa buong buhay ko galit ako sa kanya. Can hatred turn to love? Hindi naman ganoon kadali iyon lalo na sa status ng buhay namin. He is a gangster and I was an informat before who tried to kill him.

But helping him now is the only solution for me. Ayoko naman na mamatay siya sa kamay nila Sebastian. Ayoko mangyari iyon kasi...

Kasi ano?

Kahit sa sarili ko hindi ko maamin paano ko pa sasabihin sa kanya na sa pinagsamahan namin ay may nabuo?

Bakit naman kasi ang tanga tanga ko sa parte na iyon? Alam ko naman na may chance e bakit ko pa ginawa? Ngayon ako ang namomroblema. Hindi ko naman magawang ipalaglag ang bata dahil galing ito sa akin, sa amin. Hindi ko magagawa ang bagay na iyon.

Kaya ngayon gagawin ko ay tulungan ang tatay ng magiging anak ko. Ayoko lang na mawalan siya ng tatay, kahit papaano may karapatan siyang makilala ang magiging daddy niya. 'Yun nga lang baka hindi siya makilala ni Wild.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon