7

64 5 0
                                    

Wild

Nakaupo ako sa swivel chair ko habang may hawak na baso ng alak. Matapos ang gabi sa bagay na hindi namin inaasahan ay hindi ako nakatulog. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Bien sa amin.

If there's a mole in our family who it will be? At bakit hindi agad namin nalaman?

Malalim akong napabuntong hininga dahil sa mga kakaharapin naming problema sa susunod na araw. Sumimsim ako sa baso ng alak ng bumukas ang pintuan, kilala ko agad ito base sa pinakawala niyang amoy.

"Wild can I talk to you?" It was Ram.

Tinaas ko ang mata ko sa kanya bago nilagay ang baso ng alak sa lamesa ko katabi ang mga papeles na kailangan ko pang asikasuhin.

I didn't think I'll be working in this kind of work when I joined this group. I thought being a gangster ay puro lang away at gulo ang gagawin namin. Hindi ko naman alam na mamahala rin pala ako ng mga business na hawak ng grupo namin.

"What?" Walang gana kong usal at sumandal sa upuan ko. Naglakad si Ram sa harapan ko at bahagyang huminto bago nagsalita. Base sa itsura niya ay may gumugulo sa isip niya.

"Bakit mo pinatuloy si Fifteen dito? Matagal ko ng gustong itanong sa iyo iyan." Sabi niya na may kunot pa sa noo.

"Bukod sa basic information niya alam mo naman kung ano siya 'di ba?" Pagpapatuloy pa nito.

Niyukod ko ang siko ko sa lamesa at pinakatitigan siya.

"Do I look stupid Ram? Of course I know who he is and what kind of person he is. Nakiusap si Aire sa akin kaya naman pinayagan ko siyang dito tumuloy may masama ba?" Tanong ko sa kanya. Nakakunot pa rin ang noo niya.

"Wild. He's an omega and he was staying here for a week now. You know Omega's undergo in a fucking heat."

"Alpha's too, Ram." Singit ko sa kanya.

Nagtitigan kaming dalawa.

"That's the point. He's an omega at ang nasa paligid niya ay tayo. A dominant alpha hindi ka ba nag aalala na baka matrigger natin siya?"

Akala ko ayaw ni Ram na nandito iyong bata na iyon. Mali pala ako. He was worried to him. Meron din namang kagaya ni Fifteen sa mansion na ito ngunit babae sila siya lang ang lalaki na omega na naririto sa mansion.

"Don't worry about him Ram hindi naman siya pababayaan ng mga kasambahay na kasama niya rito," turan ko sa kanya at inabot ang baso ng alak at muling uminom dito.

Nakita ko siyang umirap sa akin. Napangisi ako, Ram an alpha. A dominant one. Siguro nag aalala lang din siya dahil si Cass ay omega at alam niya ang hirap na nararanasan nila kapag nasa heat sila.

"By the way, nakita na sino iyong nagpasabog sa Lilienne," sabi niya na mukhang wala na namang interes sa pinagawa ko sa kanila.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinenyasan siyang aalis kami para magtungo kung saan nila nilagay ang lalaki na iyon.

Pagbaba ko sa baba ay bumungad si Fifteen sa akin na tumingin dahil naramdaman ata ang presensiya namin. Hindi ko siya pinansin o kinausap man lang si Ram ang bumati sa kanya na ngumiti lang ng maiksi.

Nararamdaman ko ang pagiging matamlay niya at ang medyo pamumutla ng labi niya. Nagtuloy ako sa kotse ko na naka handa na sa labas. Mamaya ko nalang siya poproblemahin.

Pagkarating sa building ng location na i-senend ni Thunder sa amin ay agad kong pinatay ang sigarilyo ko at nagtungo sa loob.

May ilang kuwarto pa kaming dinaanan bago napuntahan ang mismong kuwarto kung saan nila nilagay ang lalaki.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon