6

280 10 1
                                    

House

Fifteen

Sa araw na dumating ako sa Mansion nila ate Aire ay hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nakikita ko. Ang laki ng mansion, may roong malawak na hardin sa harapan may statue ng dalawang anghel kung saan ang fountain na nasa gitna.

Malapalasyo pala ang Mansion na tinatawag lang ni ate Aire na bahay.

"Ayos lang ba talaga?" Tanong ko noong inalalayan ako ni ate Aire.

"Oo naman mabait naman si Wild." Sabi pa nito pagtutukoy sa kapatid niyang si Wild. Matanda si Ate Aire sa akin ng dalawang taon sa kapatid naman niya ay apat na taon.

Napansin kong lumingon siya sa akim. Walang emosyon bago nagpatuloy sa loob ng mansion na may dalawang pintuan.

Pagpasok namin doon ay bumungad sa amin ang napaka eleganteng itsura ng mansion sa loob. May chandelier pa ito sa gitnang kisame.

Sumunod ako kay Wild sa living room kung saan may mga lalaking nakaupo na mukhang nagulat sa amin mostly sa akin at ang isa sa kanila nagtanong sino ako.

Pinakilala ako ni Wild sa kanila bago walang lingon na umakyat sa taas. Iniwan kami? Ang rude naman ata ng lalaki na iyon ni hindi marunong mag welcome ng bisita. Sabagay hindi naman ako bisita rito.

Pansamantala kasi akong tutuloy muna sa kanila hangga't hindi pa nasasabi ni ate Aire na ligtas na ako. Hindi ko naman alam sino iyong Antonio Bellevue na iyon na nagmamasid sa akin. Wala naman akong atraso sa kahit sino.

Hinatid lang ako ng kasambahay sa magiging kuwarto ko kasama ang isang katulong na nag ayos sa kuwarto. Nagpasalamat ako sa kanya bago siya umalis. Nagmessage din si Ate Aire dahil aasikasuhin pa niya ang nangyari sa Lilienne.

Matagal na akong nagtatrabaho sa brothel na iyon bilang isang waiter. I know I have a more chance to work in much suitable job than being a waiter pero dahil nga sa pagkamatay ng mga magulang ko ay hindi ko na naipagpatuloy pa ang paghahanap ng trabaho as an architect. Hindi ko na rin maalala ano ba talaga ang rason ko noon basta nagwork lang ako sa Lilienne ng magkakilala kami ni Ate Aire.

She was the one who assigned me as a waiter dahil hindi ko naman kayang gawin ang ginagawa ng ibang empleyado roon, hindi rin naman ako babae para magbigay aliw at never ko gagawin iyon.

Maraming bagay ang hindi ko naiintindihan higit sa lahat ay kung bakit ako pinapasundan ni Antonio. Nalaman iyon ni Ate Aire nang sabihin ko sa kanya na may sumusunod sa akin, nalaman niya kung sino iyon at natanong sino ang amo niya.

Nang maayos ko ang mga gamit ko na pansamantala kong inilagay dito ay tinawag naman ako ng kasamabahay na hindi ko pala nagtanong ang pangalan, mamaya itatanong ko at sinabing kumain muna ako.

Naghanda sila ng makakain. Inalok ko na rin sila pero tinanggihan nila. Nang matapos kumain ay nadaanan ko ang mga kaibigan ni Wild na nasa sala at inalok akong manood kasama nila na sinunod ko naman.

Isa isa ko silang pinagmasdan dahil kinikilala ko. Kagaya ni Wild na may itsura ay gwapo rin sila. Si Ram ang unang nagpakilala sa akin. Gwapo siya iyong tipo ng lalaki na hahabulin ng babae, kasunod n'on ay si Chalevere na tanong ng tanong sa pangalan ko.

Si Thunder naman ay may pagkamagalang sa akin. Pangiti ngiti lang pero grabe ang pang aasar kay Chalevere.

At ang seryoso ay si Gabrielle. Kung ihahalintulad ko siya kay Wild ay mas seryoso ang lalaki na ito bihira rin siya magsalita at ang tingin niya akala mo'y ililibing ka ng buhay.

Napansin ko na may dumaan at si Wild iyon. Nagkatinginan kami may sinabi si Thunder kaya napangisi ako. Siguro sa tingin niya ay nginingisihan ko siya.

SAB Series #1 : Behind the Dark Shadow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon