Wild
Walang emosyon ang mata niya na tumitig sa akin. Mga ilang segundo rin iyon bago siya nagsalita.
"Nasan ako?"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya ng nakapamulsa pa.
"Hospital," maikli kong sagot. Hindi muna siya sumagot at naupo. Hinayaan ko lang siya mukha namang kaya na niya ang sarili niya.
"Bakit ako nandito?" Tanong niya.
"You don't remember?"
Iniling niya ang ulo niya. I rolled my eyes and supposed to call my sister instead, mukhang magkakilala sila kaya siya nalang sana ipag-eexplain ko sa nangyari ng bumukas ang pintuan at niluwa n'on ang kapatid kong humahangos. May benda na rin ang pisnge nito na may sugat kanina.
"Fifteen!" Paglapit nito sa nakaupong Fifteen na hindi inaasahan na makita si Aire.
"Ate Aire," bigkas niya.
"Pinag alala mo akong bata ka akala ko lahat kayo nakalabas na sa loob bakit naiwan ka? Paano kung sumabog uli? Anong gagawin ko?" Naiiyak na sabi ni Aire at hinawakan ang kamay ni Fifteen na mukhang iiyak na rin at halatang nanginginig. Seryoso ang mukha niya ngunit may luha sa gilid ng mata niya.
"Ayos lang po ako. Okay na ako." Saad ni Fifteen na mukhang nagpanatag naman kay Aire.
"Employee siya sa Lilienne?" Ang singit ko sa usapan nila. Dalawa silang napatingin sa akin. Did they forgot about me being here?
"Yes," sagot ni Aire.
I look at Fifteen again. Kung hindi ko lang alam na bente dos na ito ay iisipin kong menor de edad pa siya. Napaka bata ng mukha niya para lang siyang high school student.
"Sino siya?" I pierced my eyes on him. Makapagtanong 'to parang hindi niya namumukhaan ang mukha ko noong gabi na iyon.
"Huh.. you don't know him? He's our boss. Wild Agusthine Laurier my brother." Pakilala ni Aire sa akin. Tinignan niya lang ako na medyo lumaki ang mata bago nagbago 'yon at iniwas sa akin.
May binulong pa siya na hindi ko naman naintindihan pati si Aire. Tutal naririto naman na ang kapatid ko mabuting umalis na ako dahil may mas importante akong dapat asikasuhin kaysa magbantay sa taong hindi ko naman kilala.
"Wait 'wag ka munang umalis," pagpigil ni Aire sa akin kaya naman natigil ako at kunot noong humarap sa kanya. Ano na naman ba ang gusto niya?
"May ipapakiusap sana ako sayo, Wild." Ang biglaang pagseryoso ng mukha nito. Sa tono ng boses niya mukhang importante ang sasabihin niya kaya pinagbigyan ko siya.
We went outside the boy room para doon mag-usap ng hindi niya naririnig. When Aire closed the door I immediately asked her what she's going to tell me.
Bumuntong hininga siya.
"Pasensiya na talaga Wild wala na kasi akong ibang maisip na makakatulong sa kanya." Panimula nito.
"Ano ba ang hihingin mong pabor sa akin?" Tanong ko na medyo nababagot. Kung material na bagay lang ito kaya kong ibigay. If she wanted me not to blame her from what happened to Lilienne, then I won't blame her.
"It's about Fifteen," ang sabi niya na kinataas ng kilay ko.
"What about that boy?"
"Can he stay with you for a while?"
Natigil ako sa sinabi niya. Is she serious asking me that? I look at her seriously asking if she's serious, she nodded her head and started explaining her reason.
"Nakaraan lumapit sa akin si Fifteen sinabi niya ang pangalan ni Antonio Bellevue kilala mo naman siya hindi ba? Minamanmanan niya si Fifteen. Malapit si Fifteen sa akin Wild sa lahat ng empleyado natin siya ang pinakamalapit sa akin kaya kung mapapahamak siya na kaya ko naman tulungan siya gagawin ko, kaya nakikiusap ako sayo kung pwedeng sa iyo muna tumuloy." Mahabang pakiusap nito sa akin.
Nagtatangis ang bagang ko sa pangalang sinabi niya. Bakit ba hindi nalang mamatay ang mga tao na 'yan? Dagdag sa problema namin. At ano naman ang kinalaman ng Antonio na iyon kay Fifteen?
"Why he's after that boy?" Kuryuso kong tanong. Aire shake his head na kinainis ko naman.
"How could I help that boy if I didn't know the reason why Antonio's been following him?" Medyo naiinis na sabi ko.
"It's not my story to tell," ang tanging rason niya lang.
I clicked my tongue inside my mouth. Thinking. When I decided to tell her my decision, I agreed on her. Wala naman akong magagawa dahil nakiusap siya sa akin at isa pa mukhang nag aalala talaga siya sa batang iyon.
Hindi naman siguro siya magtatagal sa mansion.
BINABASA MO ANG
SAB Series #1 : Behind the Dark Shadow
Aksi#BL Wild Agusthine Laurier x Adalric Fifteen Chanler