30

69 3 0
                                    

Wild

"You didn't tell me he was pregnant!" I said a little frustrated. I still can't believe from what Adalric told me the other night. I was so shocked to the point not uttering a single word at ang akala niya wala akong pake kaya nagmadali siyang umalis sa kuwarto ko to give me some space first.

Hindi pa nakakatulong ang ngisi ni Ram sa akin. Kaunti nalang talaga at sasapakin ko na ang lalaking ito.

"We didn't tell you since Adalric told us not to," ang sagot nito sa akin. Pinukol ko siya ng masamang tingin.

Both of them, Chalevere and Ram knew about Adalric pregnancy but they didn't tell me dahil sabi raw ni Adalric ay huwag siyang pangunahan. Naiintindihan ko naman ang dahilan niya. It was his first pregnancy and sa akin pa. I know hindi maganda ang relasyon namin. Umamin ako sa nararamdaman ko kay Adalric but on the other side, Adalric still haven't said anything. He doesn't tell me if he feel the same way. What if naguguilty lang siya dahil sa nangyari kaya siya bumalik sa akin?

It added on my anxiety when he keeps quiet. I can't read him. Tapos ngayon nalaman ko he was pregnant with our baby?

"Wild may problema ba?" Ang tanong ni Ram sa akin. Napasandal ako sa swivel chair ko, napapikit at minasahe ang sentido ko gamit ang kaliwa kong kamay.

Honestly thoughts keeps coming in me since last night. Ang daming kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko.

"Nag usap na ba kayo ni Fifteen?"

Muli kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa direksyon ni Ram na nakatingin sa akin na nag aalala.

"A lot of thoughts keeps on coming to me." Pag amin ko. I watched Ram sit comfortably on the sofa while looking at me with his serious face, huminga pa siya ng malalim bago nagsalita.

"Alam mo Wild kung mag ooverthink ka lang sa relasyon niyo mas lalabo kung anong meron kayo. Adalric finally told you about his pregnancy hindi ba dapat matuwa ka dahil sinabi na niya sayo? You'll becoming a dad now." Ang sabi nito.

"But... I don't know if he feels the same way, Ram. Paano kung hindi? Sinabi nga niya na magkakaanak kami pero paano kung maisipan niya na mas mabuting malayo sila sa akin, paano kung nandito lang siya para sa bata para mabigyan namin ng kompletong pamilya but he didn't feel anything to me? anong gagawin ko?" I sound so helpless just thinking Adalric will leave me again. I can feel the lump on my throat just by thinking he'll leave me someday. I'm scared.

"Kasasabi lang na huwag mag overthink," si Ram na mukhang mauubos ang pasensiya ngayon. "Listen. Adalric didn't leave you. He stayed because he cares for you. Hindi pa siya umaamin pero alam ko na parehas kayo ng nararamdaman. Kung hindi man, don't give up dude. Ipaglaban mo pa rin siya. People can learn to love... May proseso kaya dapat masipag kang antayin siya. Love him while waiting for him." Mahabang sabi niya na parang may pinaghuhugutan pa.

Tinignan ko siya ng maigi. He is looking at me intently too, na parang sinasabi ng tingin niya na dapat maging mas matatag ako dahil pinili kong mahalin si Adalric.

I breath out and nods at him. Ram let a relieved breathe.

"Huwag mo kong gayahin na hindi matatag kaya naiiwan." Sabi pa niya na kinataas ko ng kilay. I know him and Cass broke up a long time ago. Dahil hindi ko alam ang nangyayari sa kanila madalas ay wala akong balita tungkol sa kanila. I don't even know what happened to them, if they talked or what.

"By the way what happened to you Ram hindi ka nagkukuwento ngayon tungkol sayo gago," sabi ko sa kanya kaya naman inirapan ako.

"My business is my business lover boy unahin mo muna ang problema mo kay Adalric bago ka maging chismoso."

Nginisihan ko ang gago dahil may nararamdaman akong kakaiba sa isang 'to. Nabanggit din ni Adalric sa akin nakaraang araw na may pinagkakaabalahan daw ito na hindi namin alam.

Matapos kong makausap si Ram ay nagtungo naman ako sa backyard namin kung nasaan si Adalric. Sinabi ni manang Rose na nandito raw siya at abalang nagdidilig ng mga halaman.

I smile when I saw him with the watery pot and busying himself with the flowers here.

"Adalric," I called him. Hindi naman ako nabigong makuha ang atensyon niya. Agad siyang lumingon sa akin.

Ibinababa muna nito ang watery pot bago nagtungo sa direksyon ko. Nasa may porch ako kung nasaan may upuan dito kung gusto mong tumambay.

"Bakit?" Tanong nito sa akin ng makalapit siya. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya nang hawakan niya ito. Hindi pa gaano kalaki ang tiyan niya dahil 5 weeks palang ang anak namin, ang sabi ni Ram. Suddenly I feel the urge to hold him and just feel his flat tummy on my palm.

"Let's talk," ang sabi ko sa kanya. Hindi siya nagreklamo at sinunod ako. Naupo kami sa upuan na narito, isang katahimikan ang bumalot sa amin habang nakamasid lang si Adalric sa mga bulaklak. Nakikita ko rin na kinakagat niya ang ibabang labi niya.

Inipon ko ang lakas ng loob ko ng ibuka ko ang bibig ko. "I'll take responsibility with our child and you."

Dahil doon ay bumaling ang tingin ni Adalric sa akin. Kinabahan naman ako bigla, hindi ko alam kung bakit.

"Ayos lang naman sa akin kahit ang bata lang ang alagaan mo basta huwag mo kong pagbabawalan na makita siya." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Adalric..." Magsasalita sana ako ng putulin niya ang sasabihin ko.

"Hindi ko magawang ipalaglag ang bata dahil alam kong kasalanan iyon. Hindi rin naman niya inakala na mabubuhay siya sa mundo, isa pa ano naman ang karapatan kong gawin sa anak mo 'yon? After all they're Laurier." Ang sabi pa nito at hinaplos ang tiyan niya. "Hiling ko lang huwag mo siyang ipagdamot sa akin."

Huminga ako ng malalim bago inabot ang kamay niya. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko ngunit hindi naman niya inalis ang kamay niya na hawak ko.

"A-Adalric hindi ko gagawin 'yon. You can take care of them, grow them with you beside them. Hindi kita ilalayo sa anak natin. You can be their papa if you want and be my husband." Ang nagmamadali kong sabi. Pakiramdaman ko kapag hindi ko sinabi sa kanya ang mga ito ay mawawala siya sa akin, hindi siya makikita na ikakalugmok ko. Hindi ko gusto iyon.

Nanlaki ang mata niya sa akin kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. I know its sudden but I can't lose him, I can't lose the person I love.

"Adalric will you let me be by your side for a long time? Papayagan mo ba akong kasama kang palakihin ang mga anak natin? Papayagan mo ba akong maging ama ng anak natin, ang maging asawa mo?" Ang direkta kong tanong sa kanya.

When I realized my feelings for him I know it was deep already. Those days we were together I already imagine how I'll ask him to be my official partner and I already imagine how I'll propose to him. Hindi ko akalain na biglaan ko lang siyang tatanungin. Walang kung ano, ni singsing ay wala.

I gulp when I feel his gaze burning me. Sobrang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko naririnig niya ang tibok ng puso ko. If he say yes to me hinding hindi ko siya bibitawan, kung humindi naman siya...

"Okay."

Napahinto ako sa pagiisip nang magsalita siya.

"What?" Lito kong usal dahil hindi rumihestro sa utak ko ang sinabi niya. Pinisil nito ang kamay ko at ngumiti.

"Okay. Papayag ako. Papayag ako sa lahat ng sinabi mo Wild."

Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya. I feel like I will burst my tears right now but I don't care if I'll cry now dahil siya naman ang iiyakan ko. He's worth my tears.

Hindi ko na napigil ang sarili ko at hinatak siya para mayakap. Nagulat pa siya ngunit kumalma rin naman at niyakap ako pabalik.

"Adalric..." Bulong ko sa kanya. I feel my chest will explode from all the emotions I am feeling right now.

"Hmm?" Malambing niyang tugon.

"I love you," ang pag amin ko. Humigpit ang yakap niya sa akin at siniksik din ang mukha sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya sa pagitan ng leeg ko.

Hindi siya sumagot sa akin but that's okay. I will wait for him, even forever just to hear him reciprocate my love for him.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon