Fifteen
Halos magkumahog ako para lang mailayo si Wild sa lugar na iyon. Kasalukuyang nakikipaglaban ang kanyang mga tauhan kaya naman nagkaroon kami ng tyansa na makaalis sa loob ng restaurant na iyon.
Sa pagtakbo namin alam kong may ilang taong sumunod sa amin. Tinawagan ko sila Brian para ipaalam ang nangyari at alam kong papunta na sila para maging back up namin. Kaya ko naman kung sino ang mga sumusunod sa amin.
Ang inaalala ko ay si Wild na sugatan. Malapit sa puso niya ang tama ng bala.
"Wild..." Usal ko ng muntik na naman siyang matumba kaya humigpit ang hawak ko sa kanya.
I saw those men following us already catching up. Malapit na sila sa amin.
"Wild come on we need to go," sabi ko sa kanya. Inangat niya ang ulo niya para tignan ako, may namumuo ng pawis sa noo niya at halata na rin ang pagod sa mukha niya.
"Mauna ka na Adalric ako na bahala sa kanila." Ang sabi niya na hindi ko sinang ayunan. Baliw ba siya? May tama siya tapos kakalabanin niya iyong sumusunod sa amin?
"Hibang ka ba? Sugatan ka baka isang tama lang sayo ng kalaban mamatay ka na!" Naiinis na sabi ko sa kanya pero nginisihan lang ako.
"I had worst more than this wound Adalric kaya ko," pagmamatigas niya.
Nagtangis ang bagang ko sa kabobohang sinasabi ng lalaki na ito. May tumamang bala sa pader kung nasan kami kaya dalawa kaming napaigtad dahil doon.
Nasundan na kami ng mga lalaki na sumusunod sa amin. I heard Wild cursed and push me aside but I didn't let him. Siya iyong nilagay ko sa likuran ko na alam kong hindi niya gusto sang ayunan.
Ako ang humarap sa mga lalaking iyon na may nakatutok na baril sa aming dalawa.
"Talaga ikaw ang haharang sa bala para sa lalaking 'yan Fifteen?" Tanong ng isa sa kanila. Kilala ko siya dahil tauhan siya ni Antonio.
"Hibang na ata siya," segunda pa ng isa. Hindi ko inisip ano ang mga pinagsasabi nila. Wala naman akong pake sa kung ano ang iisipin nila sa ginagawa ko.
"Kung gusto niyo pang mabuhay lubayan niyo kami." Pagbabanta ko. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Wild sa braso ko na hindi ko pinansin at pinukol lang ang tingin sa dalawang tinawanan ako.
"Ano? Baliw ka na ba talaga? Bumaliktad ka kay boss para sa lalaki na 'yan? Ano nahulog ka sa gago na 'yan?" Pangungutya pa ng isa.
Gagalaw pa sana si Wild para sugurin iyong mga lalaki pero pinigilan ko siya. Nagkatinginan kami at umiling ako. Galit na ang expression niya sa kabila ng sakit na iniinda niya sa dibdib niya.
Kailangan na namin makaalis dito kung hindi mauubusan siya ng dugo.
Mukhang may tumupad naman ng panalangin ko dahil bumagsak ang isang kasama ng lalaki na iyon at tinamaan ng sniper sa uluhan niya. I took that chance to throw my dagger na tumama sa dibdib ng isang gago bago siya tamaan ng bala sa leeg niya.
Tsk. Dapat pala sa puso ko pinatama.
"On point pa rin Fifteen!" Rinig kong salita ni Brian na bigla nalang sumulpot dala ang sniper gun niya. Hindi ko siya pinansin na nagtungo sa amin dahil ang atensyon ko ay napunta kay Wild nang ma-out of balance siya.
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Brian na kinasama ng tingin ko.
Bulag ba siya? Malamang may tama 'yong tao!
"Nabaril. Tulungan mo kong dalhin siya sa hospital ngayon na o ako mismo babaon ng dagger sa ulo mo."
Nakita kong napalunok si Brian sa sinabi ko. Hindi naman kasi ako nagsasabi ng kung ano lang na hindi ko kayang gawin. Kapag sinabi ko gagawin ko.
BINABASA MO ANG
SAB Series #1 : Behind the Dark Shadow
Action#BL Wild Agusthine Laurier x Adalric Fifteen Chanler