Wild
"You don't have to do this ate Aire. I can stay in my apartment naman," ang pagtutol ni Fifteen sa kapatid ko.
Inaasahan ko naman na tutol siya sa gusto ng kapatid ko. Hindi naman ganoon kakapal ang mukha niya na agad agad nalang papayag.
"But with him you can be safe." Aire argued.
I silently watch them talk while crossing my arms against my chest. Sinabi kasi ni Aire matapos namin mag usap ay sasabihin na niya ang desisyon ko sa lalaking ito. Ngunit nagmamatigas pa siya.
Tumingin ito sa akin na nakakunot pa ang noo bago tumingin muli kay Aire.
"Pwede naman sa iba. Baka may kilala ka pang iba?" Suhesyon pa nito na kaagad naman tinutulan ni Aire.
"No. You won't stay in someone else house lalo na hindi ko sila kilala. They might endanger you." Pagmamatigas din ng kapatid ko.
Natapos din naman ang pag uusap nila na napapayag si Fifteen na sa akin muna tumira. I really don't know how deep their bond is. Sa tingin ko malalim lalim din dahil hindi naman ganito mag alaga si Aire sa mga kaibigan niya. I think he treat this boy in a simple special way.
"Are you ready?" Tanong ni Aire sa kanya matapos masettled ang bill niya. Akala ko ay aangal pa siya sa ginawa ng kapatid ko ngunit tumahimik na lamang siya at hinayaan si Aire.
Si Aire na rin mismo ang umalalay sa kanya papunta sa kotseng gagamitin namin pauwing mansion dahil doon ko siya patitirahin muna. Nagbilin pa ito sa akin ng iilang bagay na akala mo naman kaya kong magawa agad, hindi ba niya naisip na masyadong hustle na itong pinapagawa niya sa akin?
I consumed a lot of time here.
Pumasok na ako sa kotse at tahimik na binuksan ang makina. I can see on my peripheral vision that Fifteen was wondering inside the car. Hinayaan ko siya at tahimik na nagmaneho.
Sa kalagitnaan ng byahe ay hindi ko maiwasan ang magtanong sa kanya. Kanina pa kasi ako na-cucurious sa kanya.
"Don't you really remember me?" I asks making him to look at me.
"Huh?" Usal niya.
"I said. Don't you remember me from that night?" Tanong ko uli.
Tumikhim siya at iniwas ang tingin sa akin. Kita ko rin ang bahagyang paghigpit niya sa paghawak niya sa pants niya.
"N-naalala kita," mahinang sagot niya na kinangisi ko. So he indeed remember me yet he's acting not. Ang galing din magtago ng lalaki na ito ng expression niya.
"Small world huh," nakangisi kong sabi na nilingon niya pero hindi siya sumagot.
Nakarating kami sa mansion dahil hindi naman ito kalayuan sa hospital namin. Wala naman siyang bitbit kaya hindi na ako nag abala pang tulungan siya. Mukhang kaya na niya ang sarili niya kaya hinayaan ko siyang sumunod sa akin.
Nagtungo kami kaagad sa loob ng mansion na kaagad pinagbuksan ng maids namin. Hindi ko na pinanood ang reaction niya at nagtuloy tuloy sa loob hanggang marating ko ang living room kung nasan ang apat ay naka upo at nakamasid sa amin.
Si Ram ang unang nagtaas ng kilay nang masilayan si Fifteen na kasunod ko, kasunod ng tatlo na agad nagtanong sino ang kasama ko.
"He's Fifteen and he'll stay here for a while." Sabi ko na kinagulat nila. Hindi na ako nag abala pang sabihin ang rason ko dahil malalaman naman na nila iyon. Knowing Ram with them, walang hindi malalaman ang tatlo.
Nagmando lang ako sa katulong na ihanda ang guest room at daluhan ang panauhin namin. May trabaho pa akong dapat kong gawin.
"Sure ka ba talagang name mo fifteen? Bakit fifteen? Ano trip ng magulang mo?" Pabirong tanong ni Chalevere, ang lakas ng boses niya at rinig hanggang dito sa second floor.
"Tatay ko nag pangalan sa akin," salita ni Fifteen.
Nasilip ko silang nasa sala, iniwan ko kasi sila kanina rito at pinatawag lang si Thunder para kausapin. At ngayon sama sama na naman sila.
"Oh ano naman naisip ng tatay mo at Fifteen pinangalan sayo?" Tanong ni Thunder na mukhang interesado talagang malaman ang rason ng tatay ni Fifteen.
Nakita kong seryosong nakatingin sa kanila si Fifteen, nakahalulipkip din ito na nakaupo sa couch.
"Pang fifteen ako sa magkakapatid kaya second name ko fifteen. Fifteen din tawag sa akin ng tatay ko noon para hindi siya malito sa mga pangalan namin." Sagot niya na kinatahimik ng tatlo.
I almost laugh at their reaction. It was priceless but I remember I don't laugh to something stupid so I stop.
"Tangina labing lima kayong magkakapatid?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chave na tinanguan ni Fifteen.
"Believe it or not. Ang kuya ko ang name ay first." Sabi pa nito na kinalaglag ng panga ni Chalevere.
Binibigdeal naman nila ang pangalan ng tao. Tsk. Eh sa trip ng tatay niya 'yan. He can name his child whatever he likes.
Nagtungo na ako sa kusina dahil ang dahilan ko talaga kaya lumabas ako sa office ay uminom ng tubig, hindi ko naman inaasahan na in-interview nila ang bisita.
Pagdaan ko uli narinig ko pa ang biro ni Chalevere kay Gabrielle.
"Gab paano kung may naka one night stand ka pala sa mga kapatid niya?" Ang gagong 'to muntik akong mabulunan sa sinabi niya.
Napalingon din ako at nagtama ang mata ko sa mata ni Fifteen na napansin pala ako. Wala siyang emosyon pero umusli ang ngisi sa gilid ng labi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Hanggang ngayon pa rin naman ay naiinis ako sa nangyari sa amin. It's not supposed to happen. I blame the alcohol because of that. Kung hindi lang sana ako nasobrahan hindi mangyayari iyon.
Tinalikuran ko siya at umakyat na sa taas. Ayoko makita ang mukha niya dahil naalala ko ang mukha niya ng gabi na iyon.
BINABASA MO ANG
SAB Series #1 : Behind the Dark Shadow
Acción#BL Wild Agusthine Laurier x Adalric Fifteen Chanler