27

52 3 0
                                    

Wild

The first time I felt the grief within me was when my mother died. She died when my father didn't let her leave that night. Bata pa ako noon nang makita ko si mommy na paalis na at tatakas sa bahay ni daddy.

Umiiyak ako ng mga oras na iyon dahil alam kong iiwan ako ni mommy sa daddy ko, gusto kong sumama sa kanya pero hindi raw pwede. Mas safe raw kasi ako sa bahay na ito kaysa sa lugar na pupuntahan niya. Iyak ako ng iyak that time at alam kong ako rin ang reason kaya nagising si daddy at nalaman ang balak ni mommy.

Nag away sila. Ayaw ni daddy na umalis si mommy pero dahil mapilit si mommy ay nag away silang dalawa. My father didn't hit her but he was yelling that made me felt scared from him.

I know mommy didn't love my father. She just married him because of her family. Pero bakit ba ayaw ni mommy kay daddy?

Sa kabila ng iyak na ginagawa ko kasabay n'on ang sunod sunod na ulan ng bala na nagmumula sa labas ng bahay namin. Dad immediately pulled me to a safer place, lalong lumakas ang iyak ko dahil sa ingay na nagaganap, sa sunod sunod na paulan ng bala sa amin.

"Mommy!" Sigaw ko. I heard dad cursed and left me where I was hiding under the table. I don't know what's going on. Mas dumami ang putukan ng baril. My small frame is shaking and I can hear the cries of my little sister across the room.

Kahit takot at nanginginig sa nangyayari ay nagawa kong puntahan sa kuwarto ang kapatid kong baby pa at iyak ng iyak.

I brought Millinaire and we both hide inside her big closet. Nawala iyong putukan pinatahan ko na rin siya gamit ang pacifier niya.

I was too young that time ngunit namulat na ako sa ganoong bagay. Nalaman ko kung ano talaga ang trabaho ni daddy kaya nagagalit si mommy sa kanya. My mother died that night and I didn't even protected her from the rain of bullets.

My father already told me about his works underground. Nasa funeral kami n'on ng mother ko. Wala akong emosyon na nakatingin lang sa larawan niya habang ang iba naming kasama ay nagluluksa sa pagkamatay niya na alam ko namang pakitang tao lang nila.

Wala na ang mommy ko. Iniwan na niya kami.

Aire didn't even know how our mother parented us. Dahil kasi sa linya ng trabaho noon ni daddy kaya maaga siyang nawala. Months pa lang noon si Aire wala na siyang mommy.

I honestly misses her pero hindi ko mapakita dahil simula malaman ko ang tunay na pagkatao ng papa ko doon na rin nagsimula na ituro niya sa akin lahat. At the age of eight I already knew how to kill a man. Ang father ko ang nagmulat sa akin sa realidad ng buhay namin. Wala akong nagawa kung hindi sundin siya, makapangyarihan siya. Ayoko sana but he threatened me he'll take Aire away from me.

Sinunod ko lahat ng gusto niya. Lahat ng utos niya kahit labag sa loob ko hanggang sa mamatay siya at naiwan kaming magkapatid. The family under him passed in me. Ako ang pumalit sa father ko at nagpatuloy sa organisasyon, ang Bullets.

I met my underlings when I was barely seventeen.

Sa kabila ng maskarang ginagawa ng father ko sa akin hindi ko maikukubli na galit ako sa kanya. Na ninais ko noon na mawala na siya dahil siya ang sinisi ko sa pagkawala ni mama, sa pagkawala ng kainosentehan ko.

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. At lalong nasasaktan sa kasalukuyan.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang puting kisame ng kuwarto kung nasaan ako. Masyado ring maliwanag kaya naman napapapikit ako ng mata ko. Dumaing ako ng binalak kong gumalaw. Hindi ko magalaw ang kanang braso ko at dahil doon bumalik lahat ng alaala na nangyari sa akin.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon