5

74 3 0
                                    

Wild

Binuksan ni Ram ang pintuan ng abandonadong building, apat kaming agad na pumasok at bumungad sa amin ang isang lalaking nakatali sa upuan, nakayuko ito ngunit halata ang mga natuyong dugo na bumabalot sa kanya.

I walk toward him and stop at a good distance from him. Inihilig ko ang ulo ko at nakapamulsang tumingin sa kanya.

Gising siya at nang maramdamang may mga bagong tao sa paligid niya ay inangat niya ang ulo niya.

I don't have any expression. I'm just watching him glared at me.

"Tagal natin hindi nagkita, Ranuel." I said.

He tsked, feeling the ache coming from his wounds on his lips.

"Anong kailangan niyo sa akin at pinadukot mo pa talaga ako sa mga aso mo?" Ramdam kong gusto na siyang sugurin ni Gabrielle dahil sa sinabi niya but I stop him. Gusto ko munang kausapin ang gagong 'to.

"First of all Ranuel..." Usal ko bago naupo sa upuang nasa harapan niya. I crossed my legs and stared at him. "They are not my underdogs. Second, bakit bumubobo ka ata ngayon? Did you already forgot what you did to me?" Sabi ko.

Hindi nagbago ang expression ng mukha niya mas lalo lang ata itong sumama na nakatingin sa akin.

"Don't try to deny it Ranuel. Sino nag utos sayo?" Ang tanong ko.

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at nagtatangis ang bagang.

"At bakit ko naman sasabihin kung wala naman talaga akong alam?" Saad niya.

I smirked. "Really? Do you take us for being stupid?"

Binalik niya ang tingin niya sa akin at ngayon ay sobrang nakangisi na. I don't like the way he smiled at me. Ang ayoko sa lahat ay titignan ako ng ganyan na para bang may nalalaman siya na hindi ko alam.

"Siguro nga hindi ka ganon kagaling, Laurier. Kahit pa sa linya ng trabaho natin ikaw ang pinaka kilala hindi ibig sabihin na alam mo na lahat. Tinraydor ka nga ng tinuring mong kapatid."

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kuwarto na iyon. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. Dahil sa sinabi niya naalala ko na naman ang pagtatraydor ng hayop na lalaki na iyon sa akin.

Ngumisi siya sa akin na akala mo'y nagwagi na. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin kay Thunder na binuksan ang isang bag na bitbit niya. Nilabas niya mula doon ang isang berreta m9 na agad kong kinuha at nagtungo kay Ranuel na bumakas ang kaba sa mukha.

Natigilan ang lahat nang iangat ko ang baril sa uluhan niya.

"Wild you don't have to do this." Ang rinig kong sabi Chalevere. Sa trabaho namin na gaya nito, Chalevere was the one who always doing the dirty things. Like killing.

Hindi ko siya pinansin at patuloy na nakatingin kay Ranuel na napapalunok na ng sariling laway niya.

"Sayang. Kung sinabi mo lang sana kung sino nag utos sa iyo. I'll spare your life but I guess it was too late." I said before firing the gun in his head. Tumama ang bala sa mismong gitna ng noo niya. Wala itong buhay na nakatingala at nakanganga habang dilat ang mga mata.

Tumalikod ako sa kanya at ibinigay kay Chave ang baril na agad niyang kinuha.

"Gab clean this mess." Utos ko sa kanya na tinanguan niya at tinawag ang mga tauhan niya para linisin ang ginawa kong kalat.

Hindi na namin kailangan pang mag aksaya ng oras dito sa kakatanong sa lalaki na iyon. At the end malalaman ko pa rin naman kung sino ang may pakana nito.

"Ram forward to me all the information you gathered from that man." Ang sabi ko bago naglakad patungo sa exit.

Madaling araw na kaya kailangan ko ng makauwi. May message na rin akong natanggap from Aire.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon