29

42 3 0
                                    

Fifteen

A week ago...

Tahimik akong nakamasid sa kapatid ko. Tatlo kaming kasalukuyan na nasa office niya, ako, siya at si Brian na nag insist na samahan ako ngayon dahil noong nakaraang araw may naganap na masama.

"Ano nga gagawin natin?" Tanong ni Brian kaya naman binaling ko ang mga mata ko sa kanya at tinaasan ng kilay.

"Hindi ka ba nakikinig?" Tanong ko. Sinimangutan niya ako.

"Moody. Wish ko lang na hindi sana magmama anak mo sayo," sabi niya kaya naman mas sumama ang tingin ko sa kanya.

Itong ugok na ito idadamay pa anak ko sa akin? Magsasalita pa sana ako ng tumikhim ang kapatid ko dahilan para sabay kaming lingunin siya.

"As what I am saying mabilis na pagsugod ang gagawin natin." He said.

Pinagpaplanuhan namin ngayon ang gagawing pagsugod sa kuta nila Sebastian. Simula kasi noong na hospital si Wild naisip ko na tapusin na ang gulo na ito.

Sumangguni ako kay Fourth na sumang ayon naman sa akin. At first he was hesitant but at the end napapayag din naman.

Kung hindi pa kasi kami kikilos baka magising nalang si Wild problema pa rin haharapin niya. Nakakapagod na.

"Sure ba talaga kayo sa plano niyo?" Tanong sa amin ni Brian na ngayon ay prenteng-prente na sa kinauupuan niya, may hawak pa itong sigarilyo na sisindihan niya sana pero tinago nalang niya ng samaan ko siya ng tingin. Labag sa kalooban niyang itinago iyon. This days I hate the smell of cigarettes.

"We are sure since you're with us," sabi ni Fourth kay Brian na nagpangisi naman sa isa. Hindi ko talaga maintindihan sa mga lalaki na ito, tumataas ego nila kapag napupuri ng iba lalo na kagaya nila mga alpha's. Minsan mga hambog din sila.

"Tsk ako talaga asset niyo no? Don't worry kapag kasama niyo ko sure ako na matatalo natin ang kalaban sino ba ako? Brian Dirk Salvador na 'to!" Hambog na sabi niya.

Sa sinabi niyang iyon parang gusto ko nalang siya gapusan kaysa makasama siya sa mission na gagawin namin. Paminsan minsan pa naman napaka yabang ng lalaki na ito, well may ipagmamayabang naman kasi talaga. Bukod sa magaling siya sa mga baril magaling din siya sa physical combat.

Given naman iyon dahil Alpha siya pero ibang klase rin ang lakas na meron siya.

"That's good now nasa sayo kung kailan natin gagawin ang plano." Binaling ni Fourth ang tingin niya sa akin. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya bago ko bahagyang inayos ang salamin ko.

Agad agad kong tatapusin ang mission na ito. Hindi ko gagawin ito para kay Wild kundi sa magiging anak namin. Ayoko na kapag lumabas na siya ay madadatnan niya ang gulo sa mga magulang niya. Habang wala pang malay si Wild ako na muna maglilinis sa kalat na naiwan namin.

"Bukas ng gabi natin gagawin," ang sabi ko sa kanilang dalawa na sinang ayunan nila agad.

Fourth already prepared his men for our attack. Pinakalat niya ito sa buong lugar kung nasaan ang hideout nila Sebastian. Brian on the other side is full of energy to make this mission successful.

Laking gulat ko nga ng makita sila Ram at Chalevere na kasama ni Brian. Sinabi nila sa akin na sasama sila sa gagawin naming pagsugod. Aalma sana ako ngunit napigilan na ako ni Brian agad. He told me they will be useful lalo na raw si Ram dahil may utak daw. Hindi ko rin maintindihan bakit gano'n sila sa isa't isa, parang lagi silang nagtatalo.

It wasn't an easy task. Killing your former boss was a lot of to do than I expected. Alam ko naman na mahirap talaga pero hindi ko inaasahan na sobrang hirap pala.

SAB Series #1 : Behind the Dark ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon