Sumigaw sa Rion.
Sinigawan si Sydney.
Bad omen para sa 'kin.
Si Rion ang nagluto para sa grupo namin. Wala namang problema kung tutuusin kasi 'yon naman talaga ang dapat naming gawin sa laboratory namin sa cookery. Ang issue ay tungkol talaga sa pagsigaw niya kay Sydney.
Hindi lang kasi basta estudyante si Sydney. Private ang NDU. Maraming factor ang kailangang i-consider para makapasok dito at unang-una na roon ang pera tapos influence na ang kasunod.
Mayaman si Sydney. Maimpluwensiya ang pamilya niya. Artista ang kapatid niya. Hindi ko alam kung may koneksiyon ba sila sa school admin, pero tingin ko, may connection nga para payagan siyang maging siya kahit may school policy namang nag-e-exist.
Nagbubulungan na tuloy ang mga kasama ko sa kitchen lab dahil pamangkin ng chairman si Rion. Ayokong sabihing dala niya ang image ng school, pero parang gano'n na nga.
Nakatabi ako kay Rion habang sinusulat niya sa maliit na index card ang mga pangalan namin sa group gamit ang marker. Hindi ko rin alam kung bakit white board marker ang ipinangsusulat niya.
A, mali, alam ko pala. Wala siyang dalang bolpen.
Same.
'Tang inang sulat 'yan, 'apakapanget.
Pero in fairness naman kay Rion, isinama pa rin si Sydney. Kung ako lang, bahala na sa buhay niya 'tong igat na 'to. Inuuna pa ang kalandian bago ang grades.
Si Rion ang nagluto, kami nina Zymon ang nag-plate para sa tatlong panelist na magbibigay ng verdict sa luto namin.
Nakabantay kami kina Ma'am Badilla, Sir Ramos, saka Ma'am Antolin para malaman kung masarap ba ang mga luto namin. Isa-isa kaming magse-serve sa kanila sa isang metal table sa bandang unahan na malapit sa white board.
Nag-serve ang Group 1 at nakabantay lang kaming lahat.
Nakatayo lang ako sa isang sulok na malapit sa sink habang nakahalukipkip nang bigla akong tabihan ni Rion sa kanan ko. Hindi ko sana papansinin kaso bigla akong inakbayan!
Aba, ang tigas ng mukha ng poste na 'to, ha?
"Kinakabahan ako, Gelle," biglang sabi niya.
Lalong nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ang kanang kamay ko at inilapat sa dibdib niya.
"Feel mo ba heartbeat ko? Ang lakas, di ba?"
Anong malakas? Wala nga akong maramdaman!
Para pa naman akong tanga na mukhang nagpa-Panatang Makabayan pero nakaharap sa likod ang palad!
"'Pag sinapak kita, gusto mong malakas din?" mahinang singhal ko.
"Ang harsh mo talaga. Hay." Lalo akong napatingin sa kamay kong kinuyom pa niya at hinimas-himas sa dibdib niya.
"Akin na nga kamay ko!" pigil kong sigaw sa kanya nang bawiin ang kamay ko na nasa dibdib niya.
"Sungit naman ng bebi ko na 'yan."
"Ulul, mama mo bebi."
Tinawanan na naman niya ako nang mahina. Umurong ako pakaliwa para umiwas sa kanya. Umurong din siya patabi sa 'kin.
E, di umurong na naman ako.
Umurong din siya!
Umurong na naman ako nang dalawang beses.
Umurong din siya nang dalawang beses!
E, di para kaming tanga na lumilibot sa bandang likuran ng kitchen lab kakaurong lang naming dalawa. Mula sa may sink, nakalibot na kami sa tatlong mesa pa sa likuran kakaurong.
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...