Sa totoo lang, kapag kasama ko ang pamilya ko, hindi ako puwedeng lumabas na mukha akong anak ng maralitang Pilipino, which is mas gusto ko sana para may poverty porn effect sa mata ng society. Pero hindi ako hahayaan ng pamilya kong magmukhang kahiya-hiya sa harap ng madlang people.
Naka-convoy kami sa EDSA pauwi. Galing pa kasi kaming Tarlac na pauwi ng Cavite, so from North to South ang road trip ng mga Heyrosa.
Kung ako lang, kaya kong magbus any time pauwi. Kahit pa mag-Baguio ako, bus lang lagi.
Sina Lolo Sev, naka-Mercedes-Benz pa talaga. Tumawag pa sa highway patrol group para i-escort kami sa traffic. Ang lakas ng wangwang, akala mo, may nag-aagaw-buhay para magmadali! Akala mo, presidente ang dumadaan sa highway.
Ang lakas din ng pormahan ni Eloisa. Naka-Chanel pa at Gucci mula ulo hanggang paa. Kung makapag-cat eye sunglasses, akala mo, a-attend ng fashion show sa Paris. Parang never naging dumimalist ang peg sa buhay noong di pa niya hinaharot ang daddy ko.
Nagbihis ako ng white tee at denim jeans doon sa tinuluyan namin sa Tarlac. Naka-red kasi ako pagpunta roon, e bawal nga. Diyos ko, katakot-takot na sermon ang inabot ko sa mga tiyahin ko kay Lolo Sev. Bakit daw naka-T-shirt lang ako tapos naka-tsinelas lang habang si Eloisa, kung makapag-dress, laban na laban.
E, ano ba dapat ang isuot ko? Wedding gown? Magpa-red carpet ako sa papunta sa hukay ng lolo kong never kong nasilayan in whole damn life at doon ako magbato ng bouquet?
Pinagbihis naman ako ng black button-down shirt na long-sleeve saka white pants. Hindi ko alam kung saang impiyerno nila nakuha ang damit, pero kasya naman sa 'kin. Nakakahiya nga raw kasi sa mga kamag-anak namin, mukha akong muchacha, kulang na lang, paghawakin ako ng payong saka bags ng mga amo ko.
Bumiyahe kami nang madaling-araw. Saktong Biyernes pa, mabigat-bigat ang traffic. Nagtagal lang talaga sa may NLEX dahil nga may road blocking.
Kaya nga habang nasa biyahe, tinadtad ko ng chat si Shantey kung ano ba ang mga gagawin sa project namin na sinasabi ni Rion.
Buwisit na buwisit pa naman si Shantey kasi ang pairing, kami raw ang magde-decide. Since absent ako, wala siyang choice kundi mamili ng present sa klase. Ang napili niya, si Irish kasi mahilig gumala.
Kahit din naman siguro ako, pipiliin ko si Irish, hindi lang dahil bet na bet niyang gumala kundi dahil may experience siya sa vlogging. Kumbaga, wala nang hassle sa video editing and all that shit. Nasa kanya na lahat. Pinag-agawan pa nga raw siya, pero si Shantey ang nagwagi.
Tapos malaman-laman niyang ako ang pinili ni Rion kahit absent ako. Iyak si bakla.
Nakabalik na kami sa Cavite nang ala-una ng hapon. Sumaglit pa si Lolo Sev sa municipal hall.
Mga naka-shades pa naman kaming lahat. Mukha talaga kaming namatayan.
Simple lang naman ang ayos ko. Maluwag na black long-sleeve shirt na bukas ang dalawang butones sa itaas. Naka-tuck in 'yon sa white skinny pants ko na may manipis na black and gold belt. Shades saka black and gold wristwatch lang ang suot kong abubot saka yung simpleng gold necklace ko na walang kahit na anong pendant.
Pasuklay-suklay lang ako ng buhok gamit ang daliri habang sinasalubong namin ang malakas na hangin. Sa kanang side, sobrang tirik ng araw. Sa kaliwang side, ang dilim ng ulap sa malayo. Hindi ko alam kung may bagyo ba o ano, pero siguradong kahit mainit ngayon, uulan na mamayang gabi.
"Congressman!" salubong nila kay Lolo Sev.
Pinalibutan agad kami ng mga guard na naka-asul na barong.
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Novela JuvenilNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...