Chapter 12: Road Trip

369 22 1
                                    

May isang deretsong sakayan ng UV mula sa highway na katapat lang mismo ng dorm ko papuntang Baclaran. Alas-singko pa lang, medyo matagal ang punuan kasi Linggo. Pero karamihan ng kasabayan namin sa UV, mga may pasok pa rin.

Adventure lang ang UV. Umupo kami ni Rion sa pinakalikuran para nga malawak ang leg room para sa kanya. Pero kahit pa malawak, yukong-yuko pa rin siya sa loob at halos mamaluktot siya sa upuan sa haba ng biyas niya.

"You're so early talaga. Sabi ko, 7 tayo, right?" mahinang reklamo niya.

"Sabi mo, 5."

"No, sabi ko nga, 7 tayo aalis. Yung 5, preparation lang like maliligo ganyan."

"Bobo, sabi mo, 5."

Tiningnan lang niya 'ko na parang maling-mali ang sinasabi ko sa kanya. "Whatever. We're already here. Anyway, here's your sandwich. Gusto ko

sanang gumawa ng mas okay pa diyan, but you're so early talaga."

"Puro ka reklamo, ikaw naman nagsabing 5."

"But it was 7 nga kasi. Kahit mag-backread ka pa."

"Ah! Ewan. Akin na 'yan, ginugutom na 'ko." Inagaw ko agad sa kanya ang isang sandwich na hawak niya. Nakalagay pa talaga 'yon sa Tupperware. Pa-triangle ang cut kaya sa isang buong square sandwich, may dalawang magkahiwalay na puwedeng kainin. Apat na triangle cut 'yon kaya sure na tigdalawa kami.

Kinuha rin niya ang isa para sa kanya at may natira pang dalawang triangle sa magkabilang side ng Tupperware.

"It's still dark. We can't take any nice video right now," mahinang sabi niya, iniiwasang marinig kami ng ibang pasaherong naghihintay ng biyahe gaya namin.

"Sabi na kasing alas-diyes na lang, e."

Yung sandwich niya, halatang hindi nilagyan ng effort. Bacon spread lang ang palaman na nilagyan ng scrambled egg.

Tingin ko, kung hindi 'to nagmadali, malamang ang sandwich nito, marami pang ek-ek.

Sa sobrang tagal mapuno ng UV, lalo lang akong inantok nang magpatugtog pa ang driver.

"It all came so easy

All the loving you gave me

The feelings we shared . . ."

Naubos ko na ang sandwich na pabaon ni Rion. Mas nauna pa nga ako sa kanya. Hindi ko alam kung gutom lang ba ako o mabagal lang talaga siyang kumain.

"May tubig ka?" tanong ko.

Inipit agad niya ang kinakain niyang sandwich sa bibig at madaling kinalkal ang tumbler sa backpack niya.

"If ever you're in my arms again, this time I'll love you much better . . ." pagsabay ko sa kanya sa UV.

Inabot niya agad sa akin ang isang royal blue flask na may sariling straw. Inalis niya muna ang takip ng straw saka ako hinayaang uminom doon.

Panguya-nguya lang si Rion habang busy sa phone niya. Umiinom ako pero ang mata ko, naninilip na sa screen ng phone.

Akala ko, may ka-chat. Ayun na naman siya sa kalat niya online.

Rion Scott
⁄⁠(⁠⁄⁠ ⁠⁄⁠•⁠⁄⁠-⁠⁄⁠•⁠⁄⁠ ⁠⁄⁠)⁠⁄ otw to the world's oldest Chinatown
#StillSleepy ⁠_
#BinondoFoodCrawl
#PhilGeo ☞⁠⁠ᴥ⁠☞

Naks, walang tag sa 'kin. Nabuwisit siguro 'to kasi ang agang lumayas sa kanya gawa ko.

Ibinalik ko sa kanya ang tubig niya at saka ako nagsandal ng likod ng ulo sa bintana ng van. Ang tahimik kaya ang sarap mag-emote. Tapos ang luma pa ng mga kanta kaya mas nakakaantok.

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon