'Tang ina talaga ni Rion, gusto kong sakalin ng garter sa leeg.
Nangako siyang uuwi na at hindi na tutuloy sa Halloween party. Alas-diyes siya nakauwi sa bahay, halfway na ng event sa gym. Yung half part ng event, nagsariling event kaming dalawa.
Matagal nang sira ang image ni Rion sa utak ko. Sa itsura niya naman kasi, ang hirap maniwalang single siya. Sa dami ba naman ng babaeng nagpapantasya sa kanya, kayang-kaya niyang pagsabay-sabayin 'yon sa iisang araw lang.
Ngayon, sirang-sira na talaga ang image niya sa 'kin.
Hindi lang image niya ang sirang-sira. Pati yata matris ko, wasak na rin, punyeta lang.
Alas-dose ng gabi, nagbanyo ako kasi naiihi ako. Wrong move talagang nagpabili ako ng juice. Ang hirap na ngang maglakad, kapag iihi pa, sobrang hapdi! POTANGINA!
Para akong pinasukan ng super duper ultra mega extra large size ng tampon sa pukayla ko at hindi pa rin 'yon naaalis until now.
Iika-ika akong maglakad paharap sa salamin sa sink. Lalo akong napangiwi nang makita ang patse-patseng pula sa leeg ko hanggang boobakels. May lahi sigurong pozo negro 'yong si Rion. Grabe sumipsip!
May kagat pa 'ko sa balikat! 'Tang ina, e di sana, nag-vampire costume na lang siya kagabi, nagkasundo pa kaming dalawa!
Buwisit talagang lalaki na 'yan. Kapag talagang inulit pa niya 'to . . . e, di when?
Ang isa talaga sa mga pinaka-ayokong parte ng manok ay 'yong bigla ko na naman siyang mami-miss.
Sisirain talaga ni Rion ang ulo ko!
Sinubukan kong magdabog sa paglakad. Ayun! Balik sa pag-ika kasi wasak ang bahay-bata.
Tiningnan ko ang phone ko para malaman kung nakakalimot na naman ba 'tong lalaking 'to.
Hindi pa nga ako nagagalit, chat notification agad niya ang lumabas sa lock screen.
Your Bestest Partner
EVANGEELLEEE
Mag-sleep na iz me
Sleep na ba you?
Hihihi (っ˘з(˘⌣˘ )
Miss na agad kita ಥ_ಥ
Pwede ako dalaw tomorrow ulit?Tingnan mo 'tong tangang 'to. Dadalaw?
Wala na siyang dadalawin dito! Magkakalimutan na kami!
Partner Kong Mahal
Ge punta ka 9 am
Dala ka foodPaghiga ko sa puwesto ko sa double deck, napatulala na lang ako sa kisame.
Ang sarap talaga ni Rion, 'tang ina.
Nababaliw na 'ko. Nababaliw na 'ko. Nababaliw na 'ko. Nababaliw na 'ko. Nababaliw na 'ko.
I get the hype. Charot.
Pumikit ako nang mariin at inisip na lang na magkikita uli kami bukas. Nami-miss ko na agad, punyeta! Sino ba'ng nag-imbento ng pagka-miss na 'yan at hahagisan ko lang ng granada!
Alas-dose, wala na 'kong ine-expect na kahit na ano. Nakahiga na ako. Nakakumot na ako. Prenteng-prente sa pagkakahiga.
Biglang bumukas ang pinto.
Madilim sa loob pero bumukas ang ilaw.
Nakarinig ako ng ungol! Putang ina lang!
Pumikit na naman ako.

BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...