All Soul's Day, sumabog agad ang balita makalipas lang ang ilang oras. Tinambangan ang buong pamilya ni Severino Heyrosa. Labingwalo ang patay, sampu ang inosenteng sugatan, dalawa ang nag-aagaw-buhay sa ospital.
November 3, nasa custody na si Allen Heyrosa para sa initial investigation tungkol sa nangyaring pananambang. May press release na rin sa TV para i-surrender si Eloisa Orlando na isa rin sa mga pinaghihinalaang mastermind sa nangyari.
Nasa sala kami. Katabi ko si Rion at sinusuklayan ako ng buhok. Naka-sling na ang kanang braso ko habang balot ng benda ang dalawang daliri ko sa kaliwa.
Busy sa kusina si Tita Ikay. Nakatayo lang si Tito Luan sa may sala dahil gustong manood ng balita pero tinatawag din kasi paminsan-minsan ng asawa niya.
May live press con ngayon sa news para i- surrender si Eloisa. Nasa mahabang table sila, may
royal blue na kurtina bilang backdrop, katabi niya ang vice president ng Afitek at ilan pang mga admin yata ng kompanya.
Ang daming press na nahahagip ng camera. Sabay-sabay ang live sa iba't ibang channel mula nang ilipat-lipat 'yon ni Tito Luan.
Nag-announce na ng simula ng press con sa isang channel kaya doon muna hininto ni Tito Luan ang paglilipat ng panonooran.
Nagpa-flash sa ibaba ng screen ang pangalan ng speaker nila.
Carlisle Arjeantine Mendoza
Senior Vice President of Afitek Group of Companies.
Pamilyar siya sa 'kin. Parang nakita ko na siya sa isang event dati.
"Yes?" sabi ng SVP ng Afitek nang may reporter na nagtanong.
"Hi, I'm Christina Rualdo from ABC News. Mr. Mendoza, sir, this is my question. We've been seeing Miss Orlando with the Heyrosa for the past few years. My question is, why does Afitek have to be involved in this situation when, according to our sources, Miss Orlando has an affair with the son of the late Severino Heyrosa?"
Sunod-sunod na nag-flash ang camera.
Pinatatahimik ang ilang reporter sa background.
"Thank you for the question, Miss Rualdo," sagot ng SVP. "To begin with, Miss Orlando is one of our respected security supervisors. She's been under Afitek for the past eleven years and is one of the closest friends of the late Attorney Evana Ayutthaya."
Nakikinig lang ako pero kinikilabutan ako na naririnig ko na naman ang pangalan ni Mommy sa TV.
"Our involvement with this recent case is vital with the ongoing investigation related to the Heyrosa Massacre," dugtong ng SVP. "Attorney Ayutthaya signed a protection program for her daughter, effective for ten years, and the contract is still operative until now—the fourth year within that ten-year clause. Miss Orlando is assigned to protect Attorney Ayutthaya and Mr. Allen Heyrosa's daughter, as per the signed Afitek agreement."
Nakatutok na ang camera kay Eloisa. Seryoso lang ang tingin niya sa camera. Walang nagbago, matapang pa rin siyang tumingin sa lahat kahit pa kinukuwestiyon na ngayon ang pagkatao niya at kung ano ang kaugnayan niya sa pamilya ko.
Supervisor ng Afitek.
Hindi mukhang supervisor si Eloisa. Wala ngang makakapagsabing supervisor pala siya sa kahit na anong tingin.
"Mr. Mendoza, I hope you don't mind me asking this . . ." sabi ng isa pang babaeng reporter na taga- kabilang channel. "Itong pag-surrender ba kay Eloisa Orlando ay subtle confirmation ng involvement ng Afitek sa nangyaring massacre?"

BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...