Kalat na kalat na sa campus na taken na nga raw si Rion. At sino ang girlfriend niya?
Walang may alam.
Ang sus nga raw ng DP niya. Nakatalikod ang babae na nakatali pa ang buhok. Mahirap pang makilala agad kasi maliban sa malayo, nakahambalang pa ang daliri ni Rion na naka-finger heart sa photo.
Alam kong girlfriend niya 'ko sa mata ng pamilya naming dalawa. And obviously, walang pakialam si Daddy o si Lolo Sev sa kanya. Dito sa daddy, sa tito, at sa angkan nila ang focus ng pamilya ko.
Walang matinong announcement. Walang intro-intro. Hulaan na lang kung sino ang jowa ni Rion.
At dahil nga nag-warning akong walang PDA sa campus, wala talagang PDA sa pagitan naming dalawa.
Kakausapin niya ako nang normal, tatratuhin niya ako nang normal, may akbayan pa rin (na ginagawa rin niya sa iba kapag trip niya), pero maliban doon, wala nang senyales na jowa namin ang isa't isa.
Sabi nga rin ni Rion, if gusto naming seryosohin, liligawan pa rin niya 'ko, as if walang official statement sa pamilya naming dalawa.
Katapusan ng October nang mag-announce na ng short break sa paparating na holidays at resume namin ay next month na.
Seryoso si Rion sa pa-Halloween Party na libre niya ako. Nagbayad pa talaga siya ng 750 pesos para lang sa entrance fee. Kung pinang-entrance na lang namin 'yon sa EK, baka nag-enjoy pa kaming dalawa sa gala.
"Seryoso ka bang ito ang costume mo?" tanong ko pa pagkakita sa isusuot niya.
"Yep!"
Proud na proud pa siyang pumunta sa dorm ko para lang ipakita ang isusuot niya sa Sabado.
Hindi ko alam kung mabubuwisit ako o ano, e.
Ang costume niya—kung costume ba talaga 'yon—black pants at black shiny shoes na formal na formal. White collar na may black necktie tapos white cuffs sa magkabilang wrist. 'Yong pinakadamit, WALA! Tapos may headband siyang tenga ng kuneho! POTA!
"Pupunta ka sa Halloween party na wala kang damit?" naiiritang tanong ko.
"I have my pants naman!"
"Pants lang? Gusto mong isakal ko sa 'yo 'yang pants mo?"
"I have a necktie naman, e."
'Tang inang katwiran 'yan. Isakal ko kaya sa kanya ang necktie niya?
"So, magta-topless ka papuntang Halloween party," nabubuwisit na sabi ko sabay krus ng mga braso.
Tinakpan niya agad ng magkapatong na mga brasong naka-X ang dibdib niya. "Yeah." Tapos gumiling-gumiling pa sabay flying kiss sa 'kin.
"O, sige, pumunta kang topless tapos pupunta akong naka-bra't panty lang."
"No! That's for my eyes only."
"Anong for you eyes only? Gusto mong bulagin kita? Magpalit ka ng costume. Ayoko niyang costume mo." Sabay bato sa collar na may naka-Velcro na necktie.
"But I'm a bunny boy!"
"Kung gusto mong mag-bunny, magsuot ka ng mascot ni Bugs Bunny! May alam akong rerentahan!"
Kalandian ng Rion na 'to. Pupunta ng Halloween party, walang damit?
Wala pa akong costume. Ang balak ko sana, tindera ng gulay. Daster lang 'yon at bilao, talo-talo na. Ewan ko ba rito kay Rion. Gusto yata nitong maging dancer sa Adonis.
Pinagtatalunan talaga namin ang isusuot niya. Gusto niya talaga 'yong napili niya. E, ayoko nga.
"Can I put a tank top na lang? Like, yung parang fishnet or something?"

BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...