Auto-pass sa matangkad na chinito, na Tsinoy, na maputi, na maganda ang smile, na malinis sa katawan, na English speaking, na galante at friendly.
"Ang guwapo talaga ni Rion, 'tang ina, bhie! Kinikilig kiffy ko, shet ng inamers!"
You're not from NDU if you don't know Rion Scott.
Mukha siyang artista na akala mo, tumatakbong konsehal sa buong university.
Alam mo 'yon? One moment, naglalakad lang siya sa hallway. Makikita mo na lang, ang dami na niyang kinakawayan tapos magpapa-picture pa.
Ang daming may crush sa kanya. Naging big deal pa 'yon kasi hindi siya nagde-decline.
May sisigaw sa kanya na crush siya, tapos magpa-flying kiss pa siya!
Uh-huh? Landi mo, boy! Pogi yarn?
Black ang natural color ng buhok niya pero may kulay na ngayon na medyo milktea ash or something. Ang gupit pa naman niya, mahahaba ang dulo kahit maikli naman kung tutuusin. Mukha siyang K-pop member. May isa siyang gold earring sa kaliwang tenga at ang dami niyang cute bracelets na suot araw-araw. Lahat yata ng regalo sa kanya, sinusuot niya.
Katabi ko si Shantey—Sean Weston Ortega—habang sina-sightseeing na naman niya si Rion sa loob ng café. Shantey muna siya ngayon. Alangan namang tawagin ko siyang Sean Weston, e pareho naman kaming naka-skirt at mas mahaba pa ang buhok niya kaysa sa 'kin.
May pantry sa school, pero may café rin sa fifth floor ng College of Arts. Kung mahal na ang food sa pantry, doble ang mahal ng pagkain sa café. Hindi ka makakapasok sa café sa fifth floor kung hindi ka elite of the elite of the elite. OA. Hindi naman dapat anak ka ni Elon Musk para makapasok. Mahal lang talaga ang tinda.
Speaking of mahal na tinda, paisa-isang higop lang kami ni Shantey sa quad long shot large cup of salted caramel mocha latte with two pumps of vanilla substitute, two pumps of white chocolate mocha for mocha, and substitute two pumps of hazelnut for toffee nut, half whole milk and half breve with no whipped cream, extra hot, extra foam, extra caramel drizzle, extra salt, with a scoop of vanilla bean powder with light ice, well stirred. Saka isang Lemon's Square cupcake.
Ang mahal ng tinda rito pero ang dami pa ring estudyanteng bumibili. Masarap naman ang order namin ni Shantey. Mas kilig siya kasi si Rion mismo ang nagtimpla.
Working student daw ngayon dito sa café si Rion. Nagtataka nga ako kung bakit samantalang pamangkin siya ng chairman ng school. But I guess wala naman siyang pakialam kung paulit-ulit siyang magtimpla ng kape rito sa fifth floor. Nakangiti lang kasi siya sa maghapon.
Ka-batch namin siya sa morning class. Nire-recruit daw siya ni Coach Joaquin sa basketball pero ayaw raw niya. Nahihiya raw kasi.
'Tang inang nahihiya 'yan. Kung 'yan na ang nahihiya na akala mo, malalagay ang pangalan niya sa balota sa paparating na eleksyon, ewan ko na lang kung ano pa ang tawag sa amin ni Shantey. Ano na kami? Mga balasubas?
Hindi kami mayaman. Batang pusali lang din naman ako.
Joke lang sa pusali. Grabe naman.
But I came from a family of politicians. Gusto ko na ngang magpapalit ng surname. Lagi kasing tinatanong kung kaano-ano ko si Congressman Heyrosa yada-yada. Lolo ko siya, at sooobrang yaman at garapal niya.
I was in grade school nang ma-bully ako for being so maarte and feeling rich, and all that shit.
Well, no'ng elementary ako, siguro puwede kaming maging magka-vibe ni Rion na richy-rich kid na may yaya at sine-service ng LC na may sariling driver. But after junior high school, nabawasan 'yon dahil ang mommy ko ay isang greedy bitch na tumakbo rin sa pagkakongresista para kalabanin ang lolo ko kaso natalo ang mommy kong ilusyunada.
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...