Chapter 17: Dinner

319 18 3
                                    


Ang lala ng traffic, nakakapunyeta magtagal sa kalsada. Alas-singko na kami nakarating sa Tagaytay.

Huminto kami sa may Concordia kasi doon nga raw ang meeting place. Ibinaba kami ng sasakyan sa harap ng bulaluhan.

E, di para kaming mga nawawalang tupang ina sa gilid ng kalsada, nahihiwagaan kung doon ba talaga ang meeting place.

Ang daming tao. At hindi lang basta tao. Mga taong nakapambahay o naka-casual lang. T-shirt, shorts, denim jeans, sando. May iba ngang topless pa at naka-boxers lang habang may dalang plastic bag galing sa loob! Tapos kung maka-gown kami ni Eloisa, para kaming a-attend ng JS Prom?

Si Lolo Sev saka si Daddy, okay lang. Mga pulpolitiko kasi. E, kami ni Eloisa? Ano kami?

"Mr. Heyrosa!" biglang sigaw sa kung saan.

Kanya-kanya kaming lingon nina Daddy.

Biglang lumabas sa gilid ng driveway ang chairman namin sa school.

Pagtingin ko sa reaction ni Lolo Sev, na-shookedth din ang matanda!

Naka-T-shirt na white lang saka black na maong shorts si Chairman Scott. Ultimo ang tsinelas nga niya, parang pan-swimming lang ni Daddy sa beach.

"Hala! Uh, may session ba kayo ngayon sa Senate, Congressman?" naguguluhan ding tanong ni Chairman Scott nang lumapit sa amin. Tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. "Sorry, nakaabala ho yata ang pamilya ko."

"No! It's okay," sagot ni Lolo Sev.

Akala ko, dudugtungan pa niya ng "It's okay. Absent din kasi ako ngayon sa Senado."

"It's too early, 'no?" awkward na sabi ni Chairman Scott. "Ang daddy ko rin, na-stuck daw sa traffic." Sinilip agad niya ang relo. "Nasa Dasma pa nga lang daw sila. Um . . . gusto n'yong magmeryenda? Riri!"

"Yes po!" sigaw ni Rion mula sa kung saan. Ako naman ang napalingon-lingon para hanapin siya.

So, nandito nga siya?!

"AY! PUKE MO!" sigaw ni Eloisa nang may tumalon sa parte niya at nag-landing sa harapan namin.

"Yes po, Tito!"

Bigla kong naitulak si Eloisa sa gilid at ang lakas ng halakhak ko pagtalikod sa kanila.

"Ano ba naman 'to, nanggugulat?!" tili ni Eloisa.

"Sorry po, sorry po."

"Yung—yung—HAHAHAHA!" Namimilipit na ako sa pagtawa at napaupo na sa mga binti dahil sa reaction ni Eloisa at sa ginawa ni Rion.

Hindi ko alam kung saan galing 'tong poste na 'to. Parang bumagsak na lang bigla mula sa kalawakan.

Puzzled talaga ako ngayon kung paano nagagawa nina Daddy na hindi tumawa dahil sa nangyari.

Sinipon na ako sa pagtawa at nakailang beses na nagpunas ng mata dahil naluha-luha na ako.

Pagtayo ko, nag-aalisan na sila papasok sa bulaluhan. Nakatalikod si Rion sa akin nang mapaharap ako sa kanya.

"Huy, gagu! Ang papansin mo rin."

Pagharap niya sa 'kin, biglang bumagsak ang panga niya sabay takip sa bibig gamit ang magkabilang palad.

"Sabi mo, magtsa-chat ka! Paasa ka, ha!" Hinabol ko siya ng sipa at tinakpan niya agad ang hita ko nang makita niyang malaki ang slit n'on.

"Evangelle, you're so ganda today!" sabi niya at nag-jogging in place sa harapan ko, excited na excited. Ang puti ng leeg niya pero buong mukha niya, pulang-pula na. "Hala, saan kayo galing? Have you been on a date before here?"

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon