Hate ko ba ang group work? Hindi.
Hate ko ba ang group work na work dapat ng group pero isa lang ang kumikilos at pabuhat na ang iba tapos magkakapareho kayo ng grades sa final output na wala naman silang inambag ni isa tapos sila pa galit kapag hindi sila isinama sa list ng nagpasa? Putang ina, malaking OO, hayup na 'yan.
Hindi ko alam kung pinarurusahan ba ako ng langit o hinahamon lang ng Panginoon ang tibay at tatag ng kalooban ko pagdating sa mga ganitong grupo-grupo.
Kung sukatan lang naman ng haba ng pasensiya sa paggawa ng group project, 'tang ina, ilabas na lahat ng ruler!
Isa pa sa mga pinaka-hate kong part ng manok ay 'yong ang dami n'yong course sa program kaya ibig sabihin din, hindi lang iikot ang buhay n'yo sa paggawa lang ng group project kundi sa ibang bagay pa.
'Yong research naman daw namin, basic research lang 'yon na hindi pa thesis leveling kasi wala naman daw kaming defense pa sa ngayon. Basically, group project lang na puwedeng ipa-Recto any time. Nagkaroon tuloy ng hunt ngayon sa mga secret group kung sino ang puwedeng
gumawa ng academic papers tapos sila na ang bahalang magpresyo.
Nakaka-tempt magbayad para sa academic papers kasi ibig sabihin, hindi ko na kailangang ma-stress kung pumapasok ba ang dalawa kong kagrupo o hindi. Kasi may gagawa na ng papers namin basta may bayad.
Pero kapag iniisip ko na . . . worth it bang magpagawa ako ng academic papers? May matututuhan ba ako sa pagbabayad sa ibang tao? Magbe-benefit ba ako n'on in the long run?
Nakaka-tempt na 5k to 20k lang, hindi ko na kailangang ma-stress sa research namin. Lalo pa , kinukuwenta ko pa lang ang expenses sa research namin, malamang na more than 5k din ang magagastos namin. Pagkain pa lang, transpo, printing whatever, tapos baka kailangan pang bayaran ang mga i-interview-hin para sa oras nila.
Hindi kasi iikot ang buong sem namin sa research paper lang na 'yon. Hindi pa tapos ang cookery namin. May paparating na naman kaming pagluluto by next week. Individual na 'yon.
Aside from that, sa NSTP 2 namin, may community service na kami. Wala akong problema sa community service as it is. Ang problema ko, oras na ilalaan ko sa bawat course na kailangan kong ipunan ng units.
Nag-announce na rin na by December, may food styling na kami. By February, introduction to events na. Possible na field din 'yon.
Kaya siyang gawin, kung tutuusin, basta ba one task at a time. Pero ang hirap niyang gawin nang sabay-sabay. Sa loob ng isang week, anim ang course na dapat pagtuunan ng pansin. Yung utak ko, feeling ko, umaagos na sa tenga ko sa sobrang pagkatunaw.
Hassle. Sobra. Tapos first year pa lang kami. What more kung immersion na?
'Yong utak ko, busy sa napakaraming bagay sa school tapos pinag-absent pa ako ni Daddy para lang um-attend ng libing ng kapatid ni Lolo Sev sa Tarlac na taga-film industry.
Kilala ko ba 'yon? HINDI!
Kung tutuusin, kayang mag-survive ng pamilya ko nang hindi ako isinasama sa mga gano'ng pagkakataon.
Pero "required" nga raw kasi ang daming mga personality na pupunta. May vice president ng TV network. May mga direktor. May mga producer. May mga advertising executive.
Ang memo sa akin nina Daddy, galingan kong umiyak. Para kapag na-discover ako, maipasok ako sa kahit anong network kapag nakitaan ako ng potential.
Wala pa mang cue, naiiyak na 'ko, putang ina talaga.
Nasa harap ako ng kabaong ng lolo na never kong nakita sa tanang buhay ko, may hawak akong bulaklak, katabi ko si Eloisa.
Ewan ko kung sapat na ba ang emosyon na mayroon sa mukha ko nang mga oras na 'yon, pero mukhang hindi.
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...