Hindi kami makauwi ni Daddy sa villa. Doon sa mga sumama sa sementeryo, kami lang na magkadugo ang natirang buhay.
Kinikilabutan ako kapag naiisip kong ang daming nawala sa pamilya ko ngayong umaga lang. Hiniling ko 'yon. Hindi ko itatanggi. Pero ang hirap kapag nangyayari na.
Ang sakit ng buong katawan ko. Nakahiga lang ako sa hospital bed at tinitiis ang lahat ng klase ng kirot mula ulo hanggang paa.
Tinadtad ako ng chat ni Rion. Ang ingay ng tunog ng nagba-vibrate na phone sa bedside table kung nasaan ako.
Hindi ko siya ma-reply-an. Hindi dahil ayoko kundi dahil inabot pa nang ilang oras at umabot pa sa point na sinabihan ako ng nurse na huwag munang gagamitin ang kaliwang kamay ko kasi dislocated ang dalawang daliri ko—ring finger at pinky. Hindi naman daw malala na kailangan ng surgery, pero namaga dahil sa abnormal na pag-
bend, kaya nagpa-schedule na sila ng immediate X- ray scan kapag puwede na akong dalhin sa ospital.
Hindi ko rin alam kung paano nabali. Kung nadaganan ko ba kakahatak sa akin ni Daddy paalis. Kung dahil ba sa pagtalon ko sa creek. Hindi ko matandaan kung kailan ba na-dislocate. Hindi ko 'to naramdaman. Sa sobrang sakit ng katawan ko, oras pa ang inabot bago ko malamang dislocated pala ang dalawang daliri ko kahit hawak ko naman kanina noong nanginginig ako.
Alas-tres ng madaling-araw, nagising ako sa ingay. Malayo naman sa tunog pero parang nagpa- flashback sa imagination ko ang nangyari sa sementeryo.
Kung paano ako natalsikan ng dugo sa mukha. Kung paano ako kaladkarin ni Daddy patakas. Kung paano nila pagbabarilin ang mga kamag-anak kong gusto lang makaligtas.
Ang bigat ng paghinga ko nang magbuka ng mga mata.
"Gelle . . ."
Gumilid ang tingin ko sa kanan. Bungad na bungad paggising ko ang mukha ni Rion na pulang- pula ang mata, ilong, at labi—umiiyak.
"Mukha mo naman, Rion. Hindi pa 'ko patay," biro ko.
Lalo pa siyang humagulhol dahil sa sinabi ko. Paglapit niya sa 'kin, lumuhod agad siya sa gilid ng kama at doon umiyak sa gilid ng braso ko. Hindi siguro ako balak hawakan sa damit ng benda ko sa katawan.
Alas-tres ng madaling-araw, nasa Carmona pa kami. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Rion na nandito ako since hindi naman ako nagbigay ng location sa kanya. Pero napabilib ako sa bilis niyang mahanap ako. Kung siya ang nasa kalagayan ko, kahit ako, mahihirapang hanapin siya. First time ko nga lang makapunta sa eksaktong lugar na 'to kung tutuusin.
Gusto kong bumangon pero alanganin kasi ang puwesto ko. Kailangan kong iasa sa braso ko ang bigat kung gusto kong makaupo man lang sa hospital bed. E, puno nga ng sugat.
Umiiyak pa rin si Rion nang saglit na umalis. Akala ko, magpapahupa ng iyak. Pagbalik, umiiyak pa rin siya pero may dala nang pagkain at inumin.
Ako ang napuruhan dito pero mas naaawa ako kay Rion. Alas-tres ng madaling-araw? Duda akong natulog 'to bago pumunta rito.
Inalalayan niya akong makaupo sa kama. Anong hinga ko nang, sa wakas, makabangon din. Naupo siya sa tabi ko at inalis ang mga buhok na dumikit sa pisngi ko.
"Your family's all over the news . . ." pasinghot- singhot na sabi niya. "I thought you were dead . . ." Sabay hagulhol na naman. Marahan pa niyang ipinatong ang noo niya sa balikat ko.
Ayokong sukatin ngayon ang pagmamahal ni Rion sa 'kin. Wala kasi sa timing na ngayon ko hahanapan ng value ang lahat ng panlalandi niya sa school. Pinakahuli ko na sigurong hihilingin ang atensiyon niya sa ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...