Hindi ako nakatulog nang maayos.
'Tang ina, kada pipikit ako, naaalala ko ang ginawa namin ni Rion.
Hindi ko masabing masama. Hindi ko rin masabing maganda. Hawak ko lang ang phone ko tapos nakatitig ako sa chat thread namin. Nagta-type ako tapos bura.
Type. Bura.
Type. Bura.
Type. Bura.
Putang-inang utak 'yan, di makapagdesisyon nang tama.
Ala-una ng madaling-araw, mulat pa rin ako. Kada pipikit ako, parang nararamdaman ko pa rin si Rion na hawak ako sa leeg tapos kagat-kagat ang labi ko.
Pakingsheeeet!
Tapos mapapabangon ako. Mapapahawak sa labi ko. Susuntukin bigla ang unan. Saka ako biglang magtatalukbong ng kumot. Pero mag-aalisdin ng taklob kapag hindi na makahinga at naiinitan kasi ang hina ng fan.
'Tang ina, babaliwin yata ako ng hinayupak na 'yon.
Hindi ako nakapag-chat.
Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko! POTAAA!
Rion, nakabalik ka na ba sa Tagaytay?
Naka-harvest na kayo ng kape?
Kailan ka balik sa school?
Kailan tayo babalik sa Binondo?
TANGINAMO BAT GANUN KA HUMALIK?! POTANGINAAAA!
Pagpasok ko kinabukasan, sa computer lab na naman kami para sa online learning kahit nasa campus naman.
Ilang beses akong sumilip sa phone para i-check kung nag-chat ba siya. Siyempre, kahit hindi ako nagse-send ng kahit ano, siya naman ang nangungulit out of the blue.
Pero maliban sa "jgb in Tagaytay. Sleep well. Love you ( ˘ ³˘)♥" wala na siyang ibang chat mula pa kagabi.
"Anong facelalu 'yan, bhie? Puyat na puyat?"
Umangat ang tingin ko kay Shantey. Ano kaya'ng ire-react niya kung siya ang mahalikan nang gano'n ni Rion.
Ikaw ba naman ang i-choke me, daddy nang walang warning, tingnan ko lang kung makatulog ka pa rin nang maayos.
"Ano ganap sa inyo, bhie? 'Laki ng eyebags mo." Naupo siya sa tabi ko at lalo lang akong napasubsob sa concrete table. Mabuti na lang at hindi mainit dito dahil nasa ilalim ng puno ng makopa. Malilim saka mahangin.
Nakapatong ang ulo ko sa mesa, nakalatag ang kaliwang braso ko pataas, hawak ko sa kanang kamay ang phone ko habang tinititigan ang photo ni Rion na nasa gallery ko.
"Nakakabuwisit yung mukha ni Rion, 'no?"
"Uy, grabe ka naman sa babyloves ko."
'Tang-inang mukha 'yan, napakaguwapo ng putang ina.
"Sayang, absent pa rin until now. Lord! Miss ko na babyloves ko!" tili ni Shantey sabay bato ng kinakain niyang chips sa bibig. "Wala masyadong tambay ngayon sa café. Dumaan ako kanina. Iba kasi talaga kapag si Rion ang nagtitimpla."
Paulit-ulit kong nililipat ang photo ni Rion na tulog, medyo kunot ang noo, at namumutla. Ngayon ko lang din napansin na namumutla pala talaga siya, gaya ng sabi ng kakambal niya. Nasanay kasi akong lagi naman siyang mukhang anemic kaya hindi ko na ma-distinguish ang kaibahan.
"Tey . . ."
"Whykets?"
"What if bigla kang halikan ni Rion? Ano ire-react mo?"
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...