Nagkakagulo sa room nang pumasok ako. Akala ko, may nagsasapakan na, makikisapak din sana ako. Halloween night daw. Sa kabilang gym ang celebration. Entrance fee, 750 pesos.
PASS.
Ang mahal naman! May alak ba do'n?
Ang dami agad nagpa-sign na pupunta sila. Halloween night, ibig sabihin, costume party.
PASS.
Wala nang sling ang braso ni Rion. Wala na ring casting, pero nakasuot na siya ng compression sleeves sa kaliwang braso. 'Yon lang, wala rin siya sa klase may ilang araw na. Pero wala naman kasing problema 'yon. Sunod-sunod ang lesson namin sa computer laboratory para sa soft launching ng digital learning sa school.
May nauna na kaming digital learning program, pero exclusive lang kasi 'yon sa mga computer-related course at education. Hindi pa siya nakakarating sa College of Hospitality kasi hindi naman kami makakapag-ayos ng kama at table virtually. May digital course lang kami pagdating ng third year para pag-aralan ang tungkol sa hotel and flight reservation. Tuturuan kami kung paano gagamit ng Saber o kaya Amadeus. Hanggang doon lang.
Nag-prepare ang mga professor namin ng mga lesson na puwedeng i-tackle online para hindi na kami papasok sa school kung sakaling may class suspension man at tuloy pa rin ang klase.
Sa madaling sabi, guinea pig muna kaming batch ngayon sa upgrades nila next year sa hospitality students.
Wednesday, wala kaming choice kundi mag-kitchen lab. Naurong ang ibang subject namin kaya may mga prof na nag-switch ng schedule. Ang supposedly Saturday namin, nalipat ng Wednesday. Grab agad si Ma'am Badilla kasi ibig sabihin din, wala siyang pasok ng Sabado, malinaw na day-off siya buong weekend.
Akala namin, simpleng laboratory lang sa kitchen. Bigla-bigla ba namang mag-announce na dadaan daw ang university chairman para mag-observe since nag-a-upgrade nga ng facilities ang buong school.
"Gurl, ang dami nila kanina," mahinang kuwento ni Shantey. Magkatabi kaming nakatayo sa isang gilid, sa may hilera ng ref at mga cabinet. Nandoon kami nakahilera sa gilid ng buong kitchen at naghihintay na makarating ang chairman.
Walang kaklase ko ngayon ang mukhang dugyutin. Pina-complete ang uniform naming lahat.
Ultimo ang mga naka-skinny jeans pinagbihis ng proper uniform. Naka-chef's uniform kami, may hairnet kahit mga lalaki, naka-cap, naka-clog shoes, malinis kung malinis.
Hindi mapakali si Ma'am Badilla sa may glass door ng kitchen lab. Pasilip-silip sa labas.
"Okay, guys! Paparating na ang chairman! Walang mag-iingay! Walang magdadaldalan! Sanchez and the rest! Walang magse-cellphone, ibabagsak ko talaga kayo sa subject ko!" warning sa amin ni ma'am.
Nang makita namin ang grupo ng chairman mula sa glass wall na naglalakad papunta sa kitchen lab, napaayos kaming lahat ng pagkakatayo.
Mga nasa sampu silang magkakasama. Ang ilang professor namin, kasama rin niya at mukhang may ine-explain habang naglalakad sila.
"Ang expensive ng chairman, bhie," bulong ni Shantey. "Tito ni Rion 'yan, di ba?"
Hindi ako sumagot kay Shantey. Nang makapasok sila sa kitchen, doon ko masasabing anak nga ito ng pumunta sa police station. Kamukhang-kamukha pati ng tangkad. Siguro mas expensive-looking lang ang chairman namin. Nasa lahi talaga nila maging poste ng koryente.
Nakasuot pa naman siya ng white button-down shirt at nakatupi ang sleeves hanggang siko kaya kitang-kita ang black leather watch niya. Naka-tuck in ang damit niya sa medyo fit na formal pants na kulay gray. Itinaas ko bigla ang tingin ko kasi fit nga ang pants, may pabakat na kundol ang chairman. Diyos ko, my eyes!
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...