Sa tagal ng pag-andar ng kaso ng pamilya ko, ngayon lang kami nakadalaw uli ni Daddy sa sementeryo.
Hindi ko alam kung ite-take ko ba 'to bilang karma ng pamilya ko o ano. Kasi kung karma, aba'y napakabait naman ni Daddy?
January, three years after ng pananambang sa amin, saka ko lang nakita sa personal ang libingan ni Lolo Sev at ng ibang pinatay naming kamag- anak.
Hindi na 'yon kasing-engrande ng ibang mosoleo ng mga Heyrosa. Simpleng lote na lang sa sementeryo na nasa gitna ng iba pang ordinaryong tao na nakalibing dito.
Kung makakabangon lang siguro si Lolo Sev sa hukay, malamang na irereklamo niya ang paglagak sa kanya rito.
Sa dami ng naging tanong sa akin dati kung na- trauma ba ako sa nangyari sa 'min, hindi ko nasagot nang matino ni isa sa mga 'yon. Sinasabi ko lang na
ayokong pag-usapan kasi natatakot akong pag- usapan para lang manahimik na sila.
Kung alam lang nila ang mga nangyayari sa loob ng villa, baka magulat silang hindi na bago sa 'kin ang makakita ng inililibing nang buhay sa taniman ng talong o kaya ang pinakakain sa alagang buwaya ni Lolo Sev.
Basta ako, ang mahalaga, hindi ko na kailangang makisama sa pamilya ng daddy ko. Sa sobrang bilis nga ng kasal namin ni Rion, mas matagal pa ang pagligo ko kaysa sa seremonya sa munisipyo.
Ito si Daddy, alaga naman ni Eloisa kaya chill na lang 'to sa buhay niya.
Ang importante sa amin ngayon, hindi kami naghihikaos gaya ng naging buhay ko noon kasama si Mommy.
Sa gitna ng katahimikan namin sa sementeryo, biglang nagtanong si Daddy.
"Mag-aanak na ba kayo ng asawa mo?"
"YUCK!" hiyaw ko na nag-echo sa buong sementeryo.
"Maka-yuck ka, di ka pa ba nakakain n'on?"
"ANG KADIRI MO TALAGA, ALLEN! Baka
nakakalimutan mo, anak mo 'ko!"
"Hahahaha! Anak pa ba kita? Akala ko, tenant ka lang sa bahay ko."
"Kapag ako talaga nagkaanak, dadalhin ko 'yon sa Amerika para di mo makita. 'Ta mo lang talaga."
Tatawa-tawa lang si Daddy pero isa rin 'yon sa mga napag-uusapan namin bago ang kasal.
Katatapos lang ng civil wedding namin ni Rion at dumeretso na kami ni Daddy sa sementeryo para dalawin sina Lolo Sev.
Naging tahimik lang kami dalawa habang nagdarasal para sa mga kadugo namin na malamang hindi na welcome sa langit.
Sabi nga sa Aklat ni Mateo, "Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan."
Ang tindi ng condition. Kapag hindi ka nagpatawad, pasensiyahan na lang daw, sabi ni Lord.
Pero hindi ko naman magawang magalit kina Lolo Sev na sukdulang galit talaga. Naghirap kami dati ni Mommy dahil sa kanya. Masama ang loob ko n'on na talagang hiniling kong mawala na siya sa mundo.
Pero ngayong wala na siya, wala na ring dahilan para magalit pa. Kung ano man ang kasalanan niya, patawarin na lang siya ng may gustong patawarin siya.
Siguro, ako lang din. Ayokong magalit sa kawalan. Ayokong magalit sa patay na. Ayokong manisi kung parehong wala na sila ni Mommy. Mag-grand reunion na lang sila sa impiyerno kung magkita man silang dalawa.

BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...