Napaka-papansin talaga ni Rion.
Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niyang magpapansin palagi, as if namang kulang na kulang siya sa atensiyon.
Kumain kami sa sizzling whatever resto na maraming tao. Malayo sa university campus kaya understandable na kami lang ang estudyante sa loob.
Papansin na siya sa lunch pa lang at akala ko tumigil na pag-alis namin doon sa resto.
Binalikan namin ang pinamili namin sa grocery hanggang makasakay kami sa car service.
Pag-upong pag-upo ko pa lang sa back seat, paglabas ko ng phone, harudyusko! Sunod-sunod ang tunog ng phone ko pag-open ko ng mobile data na kinailangan ko pang mag-off ng notification sound at mag-silent mode na lang para hindi nakakabulahaw sa sinakyan namin ang tunog.
Ang daming nagme-mention sa 'kin kaya nga inalam ko kung bakit. Nagtaka pa ako sa naka-tag na reel sa akin galing kay Rion.
Puno ang bibig ko sa video, nagsasalita rin ako habang kumakain, pero walang sound.
WALA AKONG BOSES KASI IBA ANG SOUND!
"Habang-buhay na 'ko sa iyo
Kaya ipakilala mo na 'ko sa mama mo
Kasi ang tulad ko ay di pang lowkey
Handa naman 'pag in-alok ng shot ni Daddy . . .""Ano na namang kaululan 'to, Rion?!"
"HAHAHA!" Ang lutong ng tawa ng kupaloid na 'to pagharap ko sa kanya ng screen ng phone ko.
"At talagang nag-video ka, ha? Burahin mo 'to."
"Ayaw!" Nakangisi pa siyang umiling.
"Anong ayaw? Gusto mong punuin ko ng bukol 'yang mukha mo?"
"You're pretty kaya diyan!"
"Ulul! Pretty-hin mo mukha mo. Alisin mo 'to."
"My wall, my rules."
"Isa."
"A . . . yaw."
"Dalawa."
"Kiss mo muna ako."
Umamba agad ako ng sapok sa kanya na mabilis niyang inilagan. Hinawakan pa niya ang kamay ko at sapilitang ibinaba.
"Documentation 'yan na ginagawa natin ang project natin sa cookery!" natatawang depensa niya.
"Documentation?" Nag-amba na naman ako ng sapok. "Gusto mong i-document ko rin kung paano ka uuwing basag ang mukha?"
"Hahaha! You're so palaaway talaga."
"You're so gago talaga! Burahin mo 'to o ikaw buburahin ko sa mundo."
"Ayaw. Bigyan mo na lang ako ng black eye." Inalok pa talaga niya ang mukha niya sa harap ko. Nag-beautiful eyes pa ang animal!
AARRRGGHHH! RIOOOON! Buwisit ka talaga.
"Ire-report ko 'yong post mo. Ang tigas mo, ha? Tingnan na lang natin," warning ko na lang sa kanya.
Nag-post si Rion ng reel na may mukha ko.
Wala dapat akong pakialam kung mag-post man siya ng mukha ko basta ba walang kahit na anong kasama. Kung documentation man 'yon na namili kami ng ingredients, bakit kailangang may background music, aber?!
Nagbasa ako ng mga comment kasi ang dami na agad nag-flood sa kanya!
| O pak si ante lamon pa more
| where yan Rion?
| Naol pino post ni Rion
| girl kami pa nyan
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Ficção AdolescenteNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...