Chapter 27: News

230 16 1
                                    


Nag-resume ang klase namin na ramdam ko talaga ang tingin ng mga kaklase ko at lahat ng nakakakilala sa akin bilang Heyrosa.

Hindi naman buong school kilala ako, pero siyempre, mabilis kumalat ang balita lalo na kung pumasok akong may tahi sa ulo at sling sa braso.

Nakakaligo naman na ako, pero makikita pa rin kung saan sa katawan ko ang hindi pa magaling.

Pero maliban sa itsura kong halatang napuruhan, mas kapansin-pansin ang pagsama ni Rion sa 'kin. Mula sa kotse ni Tito Luan hanggang sa campus, lalo sa biglaang paglipat ni Rion sa tabi ko na ikinagulantang talaga ni Shantey.

"Bhie, hindi ko alam kung saan ako maiiyak, pramis," pekeng pagdadrama ni Shantey, takip- takip pa ng kamay ang ilong at bibig. "Kung dahil sa nangyari sa 'yo o dahil inagaw mo ang boyfriend ko."

"Gagu."

"Pinagkatiwalaan kita . . ."

"Love din naman kita, Sean," sabi ni Rion na nasa kanang tabi ko. Pagtapik niya sa balikat ni Shantey, nagulat na lang ako nang bigla 'tong tumayo at nagtatalon na parang palaka sa gilid ng table namin.

"Huweyt! Shuta, willing akong maging kabit, Rion! Anuna! Kahit panghapon lang sched ko! Ilaban ko na yung 3 to 5!"

Natatawa na lang ako sa reaksiyon ni Shantey, pero alam ko namang pinagagaan lang din niya ang mood sa paligid.

Announced na sa buong school ang nangyari at nagkaroon ng sandaling prayer sa bawat room para sa mga nawalang kamag-anak ko.

Kung alam lang nilang pumapasok na lang ako ngayon para hindi masayang ang lahat ng pagsisikap ko.

Hindi ako puwedeng huminto ngayon. Hindi ko afford mag-stop ngayon sa pag-aaral lalo't malinaw nang wala na akong magiging suporta financially mula sa pamilya ko.

May valid excuse naman ako para um-absent. Even nga sa quiz, para lang hindi unfair sa akin na hindi makakapagsulat, wala munang nag-quiz na mga prof namin. Ipinagpasalamat pa ng iba kong kaklase ang pa-VIP treatment sa 'kin kasi damay sila.

"So, legit palang kayo talaga ni Gelle?" usisa ni Shantey kay Rion.

Nag-lunch kami sa labas ng school. Siya naman ang kasama ko talaga sa araw-araw na lunch. Kung tutuusin, si Rion nga ang third wheel dito.

"Yeah. Last month lang naman," pag-amin ni Rion saka ako sinubuan.

"Nakakabuwisit kayong panoorin."

Natawa na lang ako kay Shantey at pinilit na huwag ibuga ang pagkaing nasa bibig ko.

"Sorry na, Sean. Subuan na lang din kita."

Ang Rion, seryoso nga! Sinubuan din si Shantey ng kwek-kwek!

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon