Chapter 2: Cook

336 17 16
                                    


 I'm taking bachelor of science in hospitality management sa napakagarang unibersidad ng Notre Dame.

Ang mahal ng tuition dito, 'tang ina. Iniisip ko pa lang ang difference kung magkano isang unit dito at sa state university, parang gusto ko na lang lumipat ng school.

Ang isang sem ko pa lang dito, nasa 70k na at tuition pa lang 'yon. Wala pa ang ibang sangkatutak na fee na dapat bayaran.

Na-survive ko ang first year ko financially kasi pinilit talaga ni Daddy na dito ako mag-aral. Para nga raw malakas ang kapit sa mga negosyante. Tapos malaman-laman pa niyang classmate ko si Rion, e di mas lalong pumayag si Lolo Sev. Punyetang pamilya na gusto ko nang itakwil.

"Kumusta mga classmate mo, Bane!" padarag na sigaw ni Eloisa, promoted kabetchina ng daddy ko na bagong mommy kuno ko na ngayon.

Kapag nasa bahay, ang tawag sa akin, kung hindi Bané, Injel, o kaya I-ba (mariin na Eva). Wala pa akong naririnig dito na matinong pangalan ko.

Gumagawa ako ng assignment sa may bilyaran sa villa ng lolo ko tapos eepal na naman Eloisa. Pabagsak siyang naupo sa kaharap kong upuan sa garden table at ang ingay na naman ng chewing gum niya.

"Balita ko, may luto-luto na raw kayo ngayon. Sabihin mo kay Don Suave, marami kang gastos, para masayaran na tayo ng grasya ngayong buwan."

Mukha pa lang ni Eloisa, mukha nang pokpok na hindi mabubuhay nang hindi nanghuhuthot ng pera sa mga lalaki. Palaging blondina ang buhok na malalaki ang wave. Ang mga hikaw niya, puwede nang ring ng basketball sa sobrang laki. Ni hindi ko pa nga siya nakikitang walang sabog na pulang lipstick. Kung hindi pula, yung orange na masakit sa mata naman. At ang mga damit niya, puro ang iikli. Tube, spaghetti strap, crop top, sando na manipis—basta kita ang suso niyang silicon, Ipapares niya 'yong gano'ng pang-itaas sa lahat ng naimbentong uri ng pekpek shorts. Lagi pang nanguya ng chewing gum. Kung hindi chewing gum, yosi naman ang nasa bibig.

Sabi ni Daddy, 31 na raw si Eloisa, pero ang nakalagay naman sa resume niya, nasa 23 pa lang. Ewan ko kung ano na ang tama sa edad niya, pero wala namang silbi 'yon kung pumapayag naman siyang magpakarat sa mga lalaki rito sa bahay.

'Tang ina, second chance na ngang magkaroon ng nanay, lalo pang pinapangit ang option. Punyetang buhay 'to, oo. Wala nang nangyaring maganda.

Kaya sinabi ko talaga sa sarili ko na mag-aaral akong mabuti para hindi ako maging gaya ng mga babaeng ganito na maglilininta ako sa mga lalaki at gagawin ang lahat, makasipsip lang ng grasya ng iba.

Kurakot na nga ang lolo at daddy ko, hindi pa matino ang mga inaasawa. Ako na lang talaga ang mag-aahon sa sarili ko sa buwisit na buhay na 'to.

"Magpapagawa ako ng voucher kay Don Suave. Sabihin mo, para sa school, ha?" paalala ni Eloisa saka siya umalis sa inupuan niya.

Tinatawag niyang Don Suave ang lolo ko. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang Suave pero Severino ang pangalan n'on.

May dalawang taon pa sa termino ang lolo ko at sa totoo lang, somehow nagwi-wish akong sana may mag-assassinate sa kanya anumang oras.

Masama na kung masama. Ang pera nga niya, nakaw sa kaban ng bayan. Nakasuhan na nga siya dati ng plunder, nakapagpiyansa lang. Pero binoto pa rin kasi ang daming tangang botante sa bansa. Kung may babaril siguro sa kanya sa ulo, maraming matutuwang Pilipino.

Ako na ang nahihiya kapag binabanggit ko ang pangalang Heyrosa. Hindi naman ako ang nagnanakaw ng pera pero nakakaramdam ako ng guilt kasi alam kong nagnanakaw pa rin sila hanggang ngayon.

Malaki ang bayad sa tuition sa NDU, pero barya lang 'yon sa pamilya ng daddy ko.

Kapag nanghingi ng voucher si Eloisa, sigurado na akong nasa one million eksakto na naman ang ilalagay sa tseke. At malamang sa malamang din, ang makakarating lang sa akin doon, nasa 50k lang.

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon