Chapter 4: Lunch

133 8 21
                                    


 "Caaaarbs . . ." malakas na bulong ni Rion pagpasok namin sa sinasabi niyang resto.

Hindi ko masabing mamahaling resto kasi estetik tapsilugan lang siya na ang mga tinda, karamihan puro mga nasa sizzling plate. Ang interior, parang rancho ang dating. May mga plank ng kahoy sa dingding tapos may mga lubid-lubid pang naka-design. Parang cowboy themed. At dahil tanghali, maraming customer.

"I'm already drooling," sabi ni Rion paglapit namin sa counter para maka-order.

Sa counter pa lang, nakakagutom na talaga ang amoy sa loob. Iba ang amoy ng usok, nakakagutom ang barbecue na amoy.

Humarap ako sa counter para tumingin sa menu sa itaas. Saglit na nanlaki ang mga mata ko nang ikulong ako ni Rion sa puwesto ko.

Nasa likod ko siya! Ang mga kamay niya, nakapatong sa counter na kaharap namin!

At talagang ganito talaga ang puwestuhan niya, ha? Kapag natapakan ko talaga siya paatras, hindi ako magso-sorry.

"Do you like red meat? Chicken? Bangus? Do you eat bangus? I'll have bangus, parang masarap."

Nabubuwisit talaga ako sa boses ni Rion. Ang lambing ng boses niya, hindi pa naman malalim. Boses red flag.

"Gusto ko n'ong sisig." Tiningala ko siya. "Kumakain ka ba niyan?"

"Shi-shig . . ." pagbasa niya sa menu sabay tawa nang mahina. "I eat sisig, but not often. Do you eat a lot of rice? I eat a lot of rice."

"Dalawang rice lang ako," sabi ko na lang. Hindi pa nga ako sure kung masarap ang pagkain dito.

"Alrighty then." Narinig ko na lang na kinausap na niya ang lalaki sa may counter. "Kuya, isang order po ng sisig, two rice. And dalawang bangus po, four rice."

Grabe sa four?!

Sa bagay, sa laki niyang niyan, baka isang kaldero ang dapat isaing para sa kanya.

"Pineapple juice po sa drinks saka two orders po ng dulce de leche mousse," dagdag niya.

Sinusundan ko ng tingin ang kamay niya. Pagkuha niya sa wallet, sinilip ko pa ang laman.

Ang dami, shet! Mangutang kaya ako? Maniniwala ba siyang wala akong pera?

May pera ako pero alam kong hindi sa mabuting kamay galing 'yon.

"Ang dami mong pera, 'no?" sabi ko at saka tiningala si Rion.

Natawa naman siya nang mahina saka nagbayad.

"Puwede akong manghingi?" biro ko, pero half-meant.

"You're rich naman, a."

"Huy, hindi, a."

"I doubt that. Invited ka nga sa birthday ng best friend ko."

"Sinong best friend?"

"Si Charley. Nakita nga kita sa birthday niya."

"Ah . . . e, hindi ko naman kilala 'yon. Kilala lang nila yung daddy ko."

"Exactly the point." Lumingon-lingon siya sa paligid at itinuro ang mga blangkong upuan sa may bandang dingding. "Walang table. Doon na lang tayo."

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. No'ng August kasi, na-invite kami sa malaking birthday party ng kakilala ni Daddy. Endorser 'yon ng kung ano-anong product sa billboard. May billboard nga siya kahit diyan sa grocery store na binilhan namin.

Mayaman daw 'yon at isa sa owners ng Notre Dame ang pamilya. Tito ni Rion ang chairman ng school kaya tingin ko, magkakilala talaga yung celebrant saka si Rion.

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon