Chapter 28: Parted

220 14 0
                                    


Ang unang sabi sa balita, palalayain na raw sina Daddy kasi hindi naman pala sila ang mastermind. Same din naman ng sinabi ni Rion sa 'kin. Pero inabot pa ng December bago sila nabigyan ng release papers kasi ang bagal mag-process ng kung sino mang animal ang nagpa-process nito.

Naka-hold ang assets ng mga Heyrosa. Sarado muna ang villa at hawak 'yon ngayon ng mga naglalakad ng kaso na involved ang pamilya ko.

Ito na rin ang sinasabi ko kay Daddy noon pa. Kapag 'yang mga luho na 'yan ang nawala, iyak talaga silang lahat.

Ang masakit dito, hindi ito basta problema sa mana-mana lang. May krimen na involved. May mga private company na involved. Involved din pati ang government. Patay na ang kongresista sa distrito namin. Kada balita, may lalabas na RA 6645 na magkakaroon nga raw ng special election para sa papalit kay Lolo Sev sa House of Representatives. Ang pinagbobotohan nila, wala sa pamilya namin. Wala ring interes si Daddy na

tumakbo sa kahit na anong posisyon sa gobyerno kahit pa kasama siya madalas ni Lolo Sev dati.

Mahigit isang buwan pa ang inabot bago ko uli siya nakita. Sinamahan ako ni Rion pabalik sa Carmona kung saan may bahay si Daddy—na hindi ko alam na may bahay pala siya roon.

Kitang-kita ko na pumayat siya. Nawala na ang beer belly niya. Mas malalaki na rin ang eyebags niya at mas maluwag na ngayon sa kanya ang mga namumutok dating polo shirt sa kanya.

Nakaupo kaming dalawa sa dining chair na pang-apatan lang. Halatang ayaw magpaupo ng ibang bisita sa kusina.

Tahimik lang si Daddy na nagkakape at nagbabasa ng morning newspaper. Ang mata ko, sinusundan si Eloisa na tinatapos ang pag-iinit niya ng tinapay sa toaster.

Nagtanong kanina si Daddy kung kumusta ako. Sabi ko, "Okay lang." Tapos wala na. Tahimik na naman.

"Pumunta ka agad dito, hindi ka man lang kumain muna bago umalis," sermon ni Eloisa nang lapagan niya 'ko ng almusal ko.

"Sisihin mo si Rion," mataray ding sagot ko. "Alas-singko pa lang, nasa biyahe na kami."

"Mabuti na lang mabait 'yang boyfriend mo. Pasensiyoso," sabi ni Daddy at humigop sa kape niya.

"Malamang mabait."

Paglapag niya ng tasa, nagdugtong pa ng kagaguhan. "Kung ako 'yan, itinapon na lang kita sa Manila Bay. 'Tigas pa naman ng ulo mo."

"Si Daddy, parang tanga! Ikaw nga nag-iwan sa 'kin diyan kay Rion! Ay, naku! Tantanan mo 'ko, please lang."

Bumungisngis si Daddy para pagtawanan ako.

"Kaya ka nakukulong, e!" sumbat ko. "Kung ako ang DOJ, di talaga kita palalayain! Kulong ka talaga habambuhay!"

'Kayamot talaga 'to si Daddy.

"Papakasalan ka na raw niyan," pagbabago ni Daddy sa topic. "Sabihin mo, pakidalian at nang hindi na tayo mamroblema sa pera."

"Ang kapal mo talaga, Daddy. Wala ka na talagang sinasanto."

"Hiningi na nga kamay mo sa 'kin," sabi pa niya at ipinagpilitan talaga sa 'kin.

"Ba't sa 'yo ba kamay ko? Bakit sa 'yo hihingin?" "Daddy mo 'ko."

"Ay, hindi na. Tinatakwil na kita. Saka magmamadre ako. Magpa-file na 'ko ng vocation sa Ina ng Laging Saklolo."

Nag-angat ng kamay si Daddy para hampasin ako kaya napailag ako sa mesa. "Napaka-choosy mong bata ka. Hampasin kaya kita ng alpombra diyan!"

"Dinadamay mo pa si Rion, nananahimik yung tao."

"Gusto ka na ngang pakasalan! Sino ba naman ako para tumanggi?"

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon