Chapter 29: Wedding Plan

264 18 1
                                    



Christmas vacation. Ngaragan sa research. December 23, babad ako sa laptop kakahanap ng RRL. Sabay kami ni Rose na reklamo nang reklamo at hiling na sana nagpabayad na lang kami sa mga gumagawa ng academic papers.

Pero hindi. Ilalaban talaga namin 'to.

December 20 pa lang, naka-Christmas break na sa NDU. Same day rin na bakasyon sa China ang mga Scott.

Sana all nakakapag-China nang hindi ngarag sa research.

Pero supportive naman si Rion. Kahit kasi nasa galaan siya, kinakausap ko pa rin siya sa video call.

Ano'ng topic namin? Lahat na yata ng reklamo ko sa sansinukob, nira-rant ko sa kanya minu- minuto.

Kapag 'to nakipag-break dahil nato-toxic-an sa bunganga ko, hindi na ako magtataka.

Nasa sala ako.

Nasa sala rin sina Daddy at Eloisa.

Pinaghahatian namin ni Eloisa ang center table sa sala kasi gumagawa rin siya ng trabaho raw niya sa Afitek. Sinilip ko, puro spreadsheet ampota.

Sana all marunong mag-Excel sheet. Ang bobo ko pa naman diyan.

Pero maliban doon, ang sakit talaga nilang dalawa sa mata. Hindi ako makatambay sa dining kasi ang bagal ng internet doon. Nagla-lag ang usapan namin ni Rion.

Kaya nga tiis-tiis muna akong makita ang daddy kong nakalingkis kay Eloisa mula sa likod at tanong nang tanong kung para saan ang mga lumalabas sa screen ng laptop ng "girlfriend" nga raw niya.

'Sarap ingudngod sa screen. Di na lang manahimik. Parang walang anak na nag-aaral nang mabuti sa harapan niya.

Walang work si Daddy, hindi dahil tamad na naman. Hindi pa muna siya allowed mag-apply sa trabaho habang ongoing pa ang investigation sa pagpatay sa mga kamag-anak namin. Hindi siya suspect pero papupuntahin pa rin daw siya sa hearing kaya stay put muna siya.

Itong bahay niya sa Carmona, hindi ko alam na may ganito pala siyang property. Inamin lang niya na kanya 'to kasi ang perang ipinambili rito pati sa Navarra sa parking, puro galing sa mga hinuhuthot nila ni Eloisa sa kunwaring school project ko nga raw. Hindi ito naka-hold kasi nakapangalan 'to sa pangalan niyang Alfredo Villahermosa. Middle name ni Daddy ang Villahermosa kaya ligtas na ligtas sa imbestigasyon.

Si Daddy, ewan ko kung kailan gumagamit ng utak at kung kailan hindi.

Sa ngayon, wala siyang trabaho at wala rin akong trabaho. Plot twist of the decade: pareho kaming binubuhay ngayon ni Eloisa kasi siya ang may regular na trabaho sa 'ming tatlo. At hindi lang basta trabaho. Trabahong kaya kaming pakainin limang beses sa isang araw, may meryenda pa.

Kaya nga dapat galing-galingan na ni Daddy sa panlalandi kay Eloisa kung ayaw niyang mawalan kami ng makakain sa araw-araw.


• • •


"How's your paper?" tanong ni Rion.

Gusto ko nang i-off ang video call kasi inggit na inggit talaga ako na nakahiga siya sa kama pero heto ako't iniiyakan na ang pagbabasa sa articles.

"Antok na 'ko, Rion," reklamo ko for the nth time. "'Tang ina kasing research 'yan, nauso pa."

"Give me the details na nga kasi para ma-help kita."

"'Wag na. May research din kayo, di ba?"

"I'm done na with my part. Kaya nga let me help you na lang din."

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon