"Dapat ba talagang kasama ako?"
Pansampung tanong ko na yata 'yon kasi ayokong sumama sa sementeryo na pupuntahan nila. Sa Imus sila para dalawin ang mga kamag- anak ni Lolo Sev. Ang gusto ko naman, pumunta sa Manila Memorial para dalawin si Mommy.
Hindi ako pinayagan. Baka raw kasi may press.
Sabi ko nga, kung ayaw nilang dalawin ko si Mommy, maiwan na lang ako sa villa.
Hindi pa rin ako pinayagan.
Alas-nuwebe ng umaga, pumunta kami sa Imus. Ang init. Ang dami naming kasama. Si Lolo Sev, si Daddy, mga kapatid niya sa ina tapos mga anak sa labas ni Lolo Sev. Mga sipsip sa lolo ko. Mga bodyguard. Si Eloisa. Ilang kabit din ng mga tito ko kasi out of the country ang mga legal na asawa. Mga yaya at mga assistant. Pare-pareho kaming nakasuot ng white na top.
Ang dami naming pupunta sa mosoleo ng mga Heyrosa.
Pinapayungan kami ng mga bodyguard.
Inaantok ako habang naglalakad.
Ang daming tao sa sementeryo pero binubugaw nila ang daan para lang makadaan kami.
Ayoko talagang sumama sa kanila.
Nagdala ng mga offering sina Daddy. Isa-isa silang pumasok sa malawak na mosoleo. Nandoon ang mga kapatid ni Lolo Sev saka ilang kamag-anak namin. Nandoon din ang ilang anak ni Lolo na nauna pa sa kanyang kunin ni Satanas.
Solemn pa rin naman sa sementeryo. Nakatayo kami sa labas. Isa-isang pumapasok ang mga tito at tita ko para magdasal sa loob.
Nakakaantok. Ka-chat ko kanina si Rion pero nagsabi siyang mag-aayos daw muna sila ng mga order na bulaklak. Mag-aayos means flower arrangement kaya hindi ko muna inabala. May photo pa siya ng bouquet na siya mismo ang nag- arrange.
Gusto niya rin daw akong bigyan ng gano'n kaso hindi pa ako patay.
Kapag ganito ang boyfriend mo, nakakapandilim na lang talaga ng paningin.
Ang tahimik. Nasa gitna kami ng pagdadasal nang biglang may pumutok.
"Aaahh!" sigaw sa kung saan.
Naalerto kaming lahat. Paglingon ko, nagulat ako nang may tumalsik sa mukha ko.
Paghawak ko sa pisngi ko . . . dugo. "Tulooong!"
Para akong natuod sa kinatatayuan nang bumagsak ang isang bodyguard sa likuran ko.
"Bané!" malakas na sigaw ni Eloisa at hindi na ako nakapag-react nang hatakin niya ang damit ko mula sa likod.
Bang! Bang! Bang! Sunod-sunod!
Hindi ko maibaba ang kamay kong may dugo habang nagsisigawan sa paligid namin.
Pagbagsak ko sa madamong lupa, saka ko lang naintindihan ang nangyayari.
Ina-ambush kami!
Nagsisigawan ang mga tao sa sementeryo. Napandilatan ko si Eloisa na nagpapalit ng magasin sa hawak niyang baril. Kahit ang puting damit niya, puro na rin ng talsik ng dugo.
Sunod-sunod na putok ang narinig naming lahat.
Napatakip ako ng magkabilang tainga.
"Allen! Itakas mo si Bané!" malakas na utos ni Eloisa at kinuha niya ang baril mula sa belt ng bodyguard na dahilan kaya may dugo ako sa mukha.
"Angel!" sigaw ni Daddy, pinipilit akong patayuin. Kinakaladkad na niya ako habang nananatili ang tingin ko kay Eloisa na nakikipagpalitan ng bala sa kung sino mang bumabaril sa amin.
BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...