Chapter 14: Report

116 11 0
                                    


 Wala kaming ibang damit ni Rion kundi towel lang talaga. Ako kahit paano, may tuyong T-shirt ako sa bag. Isinuot ko 'yon bago ako nagpasuyo sa hotel crew na magpa-laundry. Wala silang laundry service pero natandaan ako ng receptionist kaya nagmagandang-loob na lang din silang tulungan kami.

Nasa laundry ang mga damit namin ni Rion. Kung hindi pa niya isinuko ang ibang damit niya, hindi ko pa malalaman na inilagay niya sa isang travel bag ang boxer shorts niya at ang white T-shirt niya kanina.

Doon ko rin nakita ang laki ng tastas sa tela ng damit niya. Mula kaliwang tagiliran, wakwak ang tela hanggang laylayan. Hugis C ang tastas, hindi ko alam kung sumabit ba 'yon sa motor kanina o ano. Pero ang laki talaga ng punit.

Sabi ko, doon kami sa kama. 'Yon lang, ayaw niya. Hindi kami makahigang dalawa kasi wala kaming ibang suot kundi towel lang. Haaay, buhay.

Kahit naka-T-shirt ako, wala ako ni panty man lang. Pero may towel naman.

Siya, ayaw niya talaga.

So nasa sofa kaming dalawa, ang pina-room service kong dinner, hindi pa rin nagagalaw hanggang ngayon kasi gusto raw niyang matulog.

Ayoko siyang patulugin. Naaalala ko ang panakot ni Lola Marya sa akin dati tuwing nauuntog ako na huwag akong matutulog matapos kong mabukulan.

Mukha tuloy siyang matangkad na lumpia sa sofa habang nakasampay ang mga binti niya sa armrest. Balot na balot siya ng kumot. Nilalamig din ako, pero hindi naman masyado. Saka ang init din kasi ng katawan niya. Walang lagnat pero mainit.

Ako na ang nagsabing mahiga siya sa kandungan ko. Bigay ko na 'to sa kanya.

Akala ko nga, aatikihin na naman ng kapansanan niya, pero hindi nga talaga siya okay.

Paghiga niya sa kandungan ko, tulog agad siya.

Ayoko lang ipahalata pero napapraning ako na nakatulog siya. Kaya nga maya't maya kung hawakan ko ang dibdib niya o kaya itapat ang daliri ko sa ilong niya.

Malay ko, baka biglang maging mategi 'to, ayaw magpadala sa ospital, e.

Marahan kong sinusuklay ang buhok niyang sobrang lambot. Kada hawi ko, kusang bumabagsak sa dating ayos, parang sa soft bristle brush.

Ingat na ingat akong hinawakan ang malaking sugat niya sa sentido. Hindi naman malalim, pero siguradong ilang araw ang aabutin bago gumaling.

Nakapatong ang palad ko sa dibdib niya. Humihinga pa naman siya.

Ang sarap pitikin ng ilong ni Rion. Ang haba at ang taas ng linya. Ang pilikmata niya, manipis nga lang. Nasanay ako sa lashes ni Shantey, on fleek at natural ang kapal. Ngayon ko lang din napansin na dark brown ang kilay niya. Kitang-kita sa white light ng ceiling lamp sa sala ng suite. Akala ko, kinulayan lang talaga niya ang buhok niya ng dark brown. Mukhang natural color ng buhok niya 'yon. Manipis lang din ang mga labi niya at halatang rehydrated. Kahit hindi basa, mukhang healthy at pinkish pa rin, hindi gaya sa mga nguso ng mga kaklase kong lalaki na kung hindi nangingitim gawa ng sigarilyo, nagbabakbak naman.

Kinuha ko agad ang phone ko para kunan siya ng picture. Ipe-flex ko lang kay Shantey para may ayuda ako sa crush niya.

Kung malalaman lang ni Shantey na topless kanina si Rion, baka until now, tumitili pa rin siya.

Nag-take ako ng mga picture pero hindi ko agad ma-send. Puro "This message can't be send. Tap to resend," ang lumalabas. Akala ko, issue ng Messenger o kaya virus lang talaga ang mukha ni Rion. OA ng virus. Kung hindi pa ako magtse-check ng load, hindi ko pa malalaman na 0.15 gb na lang ang natitira sa data ko.

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon