Ang lakas ng aura ni Rion na uma-alta sosyedad, tapos ang ugali, parang low-key sukdulan ang pagiging salat sa pangangailangan sa buhay.
Bumili kami ng mga dim sum sa iba't ibang bilihan. Kung hindi niya ipinababalot, ipinalalagay niya sa Tupperware tapos magho-hoard ng toothpick saka toyomansi! Tapos inalok ko ng Evian. Sabi niya, okay na raw yung tig-20 na tubig tapos 'yon ang ililipat niya sa flask niya. Hindi naman daw siya sensitive, ang mahalaga rehydrated.
Saka ang hilig niyang manghingi ng free taste!
Kung ako man ang tinderang hihintuan niya, hahampasin ko talaga siya ng pambugaw ng langaw.
May mga oras na magkahiwalay kami ng pinupuntahan. Pagdating sa Binondo Church, ang utak ko, nire-ready nang doon siya magpapapansin.
Ang daming eme ng chat niya, e. May pa-emoji pa ang trip.
Pero nang makarating kami roon, saka siya nagbigay ng instruction habang naglalakad kami sa gilid pa lang ng simbahan sa may Ongpin Street.
"Mag-take ka ng shot sa loob, I'll take the shot outside the church," utos niya saka siya tumanaw sa kalsada. "The road's busy. Sundan na lang kita sa loob."
Pagdating namin sa harapan ng simbahan, saka niya ako iniwan para tumawid sa kabilang kalsada.
Sinusundan ko siya ng tingin habang tumatawid siya. Sa sobrang tangkad niya, kahit ang daming tao, kitang-kita siya ng mga mata ko. Saka lang ako pumasok nang huminto siya sa malayong tawid ng kalsada at doon nag-angat ng camera.
Nauna na akong pumasok sa loob. Malawak ang simbahan. Hindi pa ako nakakapagsimba rito kasi madalas ang dinadayo ni Lola Marya ay sa Quiapo Church noon. Natigil lang noong inaatake na siya ng arthritis kapag lumalayo ang biyahe.
Ang entrance ng simbahan ay parang double door na literal na dalawang pintuan din. Naka-design sa bandang itaas ang PORTA SANCTA na nasa gold material at nakapatong sa brown na kahoy yata.
Sinalubong ako ng estatwa ng anghel bilang stoup pagpasok ko. Nagsawsaw ako ng kamay at nag-sign of the cross kahit pa walang tubig 'yon. Bungad na bungad agad sa unahan ng simbahan ang malaking area na pakahon ang shape kung saan puwedeng magtirik ng mga kandila.
Naalala ko tuloy ang nasa itinerary ni Rion. Hindi ko naman itatanggi na nasa imagination kona pipilitin niya akong bumili ng kandila at magtirik dito habang magkatabi kaming nagwi-wish—kung ano man ang wish niya.
Pero ayun nga, nasa labas siya at dito ako sa loob nagte-take ng video.
Nagpaalam ako sa nagtitinda ng mga kandila at rosaryo sa entrance kung puwedeng kumuha ng video sa loob. Binigyan naman ako ng permiso, hindi ng tindera kundi ng nagbabantay talaga roon dahil nga project naman. May dala akong school ID at digital copy ng letter ng prof para sa permission sa mga pupuntahan namin.
Linggo at naghahanda pa lang ng panghapong misa. Ang daming kandilang nakatirik kaya halos magpatong na lang ng kandila ang iba sa buhay pang kandila roon para lang makapaglagay sila.
Kumuha ako ng video sa loob ng simbahan. Hindi rin ako nagtagal kasi may naririnig na 'kong kung ano sa labas.
Pagsilip ko . . . umuulan habang may araw!
Gaya ng panahon noong umuwi kami galing Tarlac, ang kaliwang side ko, madilim. Ang kanan, maliwanag.
Nasa harapan ako ng simbahan at natatanaw ko mula sa puwesto ko si Rion. Ikinaway ko ang kanang kamay ko para kunin ang atensiyon niya.
Ilang segundo pa ang inabot bago ko naisipang tawagan na lang siya sa Messenger.
"Okay na 'ko," sabi ko sa kanya. "Umuulan, may dala kang payong."

BINABASA MO ANG
Not All Thorns
Teen FictionNever iko-consider ni Evangelle Heyrosa na isa siyang mayaman dahil sa pamilya niyang ginagawang negosyo ang politika. Pero masasabing isa na sa mga privilege niya bilang Heyrosa ang makapasok sa Notre Dame University. Bilang pamangkin ng university...