Chapter 19: Dorm

264 13 1
                                    


 Ni sa hinagap, hindi ko makitang papayag ako sa kahit na anong plano ni Rion. Pero seryoso siya. Sa loob-loob ko, kinukuha ko na lang talaga ang tsansang makaalis kina Daddy, kahit pa ibig sabihin n'on ay patulan ko ang trip ni Rion.

Alas-diyes ng gabi, bumibiyahe kami paluwas mula Tagaytay. Pareho lang kaming nakasuot ng T-shirt at shorts tapos basa pa ang mga buhok na may towel na nakasampay sa balikat.

"Maybe I'll inform na lang your dad na we're official na. Pero sa fam lang, ha? Just to prevent them from doing any shit related to you."

"So, tayo na?" deretsong tanong ko. Sa utak ko nga, nai-imagine ko na siyang nangingisay sa kilig, pero ang laidback lang niya sa topic habang nagmamaneho.

"Sa fam natin muna. That's the crucial part of the setup."

"Sa pamilya muna. So, sa public, single tayo," nagdududa nang tanong ko.

"You can take it as that."

Parang kaduda-duda ang trip nito ni Rion, a?

Nang hindi ako sumagot, saka niya ako sinulyapan. "What do you think?"

"So, kina Daddy, boyfriend kita . . ."

"Yes."

"Kunwari, tanungin ka ni Shantey kung single ka o hindi, ano isasagot mo?"

"Taken ako."

"Ah, so sasabihin mong ako girlfriend mo?"

"I'll tell them, secret muna kung sino GF ko."

"Ah, so itatago mo 'ko."

"No, of course not!" tanggi agad niya.

"O, bakit mo 'ko isi-secret?"

"Baka kasi hindi ka maging comfortable. After all, hindi naman public ang hihingan natin ng approval kundi parents and guardians mo, right?"

"Pa'no kung gusto ko, nakalagay sa status mo sa social media?"

"Then I'll post it. If may approval mo, I'll tag you rin para mutual."

Pinagtitripan ko na lang si Rion kung hanggang saan siya makakapagpigil ng kilig, pero so far, seryoso talaga siya. Natatawa na nga lang ako nang patago kasi hindi man lang nakukulitan sa 'kin.

"Pa'no kung gusto kong i-My Day mo 'ko? Ima-My Day mo 'ko?"

"Sure! Do you want me to post a lot of your photos? I can do that. I can make cute reels for you if you like."

"Taray, naka-reels," pang-asar ko. "Pa'no kung gusto kong halikan mo 'ko sa campus? Hahalikan mo 'ko?"

"I can't do that. I can hug you naman or hold your hands, but kiss is a no-no."

"Bakit? Nahihiya ka sa 'kin?" natatawang tanong ko. "Kinakahiya mo na 'ko?"

"No naman! It's not like that!" depensa agad niya. "Ayoko lang na mapapagalitan ka because of me."

"Si Shantey, hinahalikan nga 'ko sa pisngi, e. Bakit ikaw, hindi mo kaya?"

Bigla siyang natahimik at napanguso. Mukhang napaisip sa sinabi ko.

"Maybe sa cheeks will do. But not too much PDA kasi papagalitan tayo ng mga custodian."

"Ang dami kayang naglalaplapan sa campus."

Napangiwi siya at saglit akong nilingon. "What's that?"

"Pfft—hahaha!" Napalakas ang tawa ko. Nakalimutan kong hindi pala 'to masyadong pamilyar sa mga sinasabi ko. "Huwag mo nang alamin."

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon