READ THE BOOK 1 FIRST BEFORE READING THIS!
**A/N:** This is a sequel to "I Forced Him to Marry Me." If you want to know more and read about their first meeting, you should read Book 1 first.
Dianne Point of view
3 Weeks later.
Ang daming nagbago sa buhay ng bestfriend ko habang yung akin, ganun pa rin. Ikakasal na rin ngayon si Blaze, habang ako nandito pa rin at nag-iisa, funny diba?
Silang dalawa may kaniyang-kaniya ng buhay habang ako ganun pa rin.
Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Awang-awa ako sa sarili ko.
Pinunasan ko nalang yung luha ko kasi I have no rights to cry at magdrama. Ako rin naman ang dahilan kung bakit hindi napigilan yung kasal ni Blaze eh.
Tsaka I hate him, I really do!
Maraming dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sa kaniya. Yes, nahulog ako sa kaniya in the past kasi ang bait niya sa akin.
Pero nagbago siya, malaki ang nagbago sa kaniya na para bang hindi na siya ang batang Blaze na kilala ko.
Hindi ko rin matiis ang ugali niya, we're totally opposite. Kung siguro nameet ko siya nung mga highschool days namin may magbabago kaya sa present?
Umiling-iling nalang ako, maybe it's time to say goodbye to the past Dianne.
Tsaka wala kaming pinagsamahan, para lang dun sa binigay niyang pagkain nung bata kayo magugustuhan mo na siya? Tsk tsk, ang cheap mo naman!
Lumabas na ako ng condo at nilock ang pinto nang biglang may mga nakasuit ang biglang nagtaklob ng bibig ko ng isang panyo at masangsang ang amoy nito hanggang sa nakatulog ako.
____
Nang magising ako ay laking gulat ko sa nakikita ko. Nasa loob ako ng kotse at nang makita ko ang mirror ay mas lalo akong nagulat. Shit naka wedding dress na ako!?
Nanaginip ba ako!?
Napasampal nalang ako sa sarili ko at nagbabakasakaling hindi ito totoo at panaginip lamang ito pero hindi.
Totoo nga talaga yung nakikita ko.
"Ate, maglakad ka na." saad nung isang lalaki na hindi ko kilala.
Ate!? SINONG ATE ANG TINATAWAG NIYA EH WALA NAMAN AKONG PAMILYA!?
Wait familiar siya! Siya yung lalaking nasa condo ko nung isang gabi.
"ATE!?" gulat na sigaw ko at pinilit na nga ako nung mga lalaki na lumabas ng kotse at pinatayo nila ako sa aisle.
GOSH!!! IKAKASAL AKO!? KANINO!?
Tsaka isa pa, bakit ang gara nung venue? Tsaka sino yung lalaki ang tumawag sa akin ng ate?
Naguguluhan man ay naglakad nalang ako para makita yung groom ko at nang makalapit na ako, nagsilakihan nalang ang mga mata ko nang makita ko si Blaze.
Gaya ng reaksyon ko ganun din ang reaksyon niya. Wait, bakit nandito ako!? BAKIT NANDITO AKO SA KASAL NG LALAKING KINAMUMUHIAN KO!?
"IKAW!?" sabay naming sigaw habang nakaturo pa kami sa isa't-isa.
Nang nilingon ko yung mga tao sa loob ng church laking gulat ko nang makita sila Anastasia at Trevior at gaya ko ay gulat rin sila.
Nakuha naman ng atensyon ko ang isang magandang babae na parang edad niya ay 30 plus na nakatingin sa akin na sobrang gulat na gulat.
Nang marealize ko ang nangyayari ay mabilis akong sumigaw.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
Roman d'amourDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...