CHAPTER 28: Be Wulan, or Be an actress?

69 4 0
                                    


KINABUKASAN

Dianne's Point of View

Himala at nakatulog ako ng maayos kagabi. Maaga palang umalis si Blaze ngayon kasi may kailangan siyang gawin sa kompanya niya, habang ako nandito pa rin sa bahay.

"Anak!" sigaw ni Dad na nasa kabilang bahay at kinawayan ako.

Nginitian ko siya at agad ko siyang nilapitan habang nakangiti.

"Po?" tanong ko.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Nakakapanibago na may nagtanong sa akin ng ganito—tapos tatay ko pa. Wala na akong pakialam kung hindi niya ako totoong anak, dahil sa ginagawa niya, parang totoo ko na rin siyang tatay.

"Okay lang naman ako. Ikaw po ba? Tsaka ano pala ang nangyari sa inyo? Bakit hindi kayo makalakad nang maayos?" tanong ko na kasi matagal ko na itong napapansin.

Dati kasi nakawheelchair siya, tapos ngayon nakatungkod pa rin siya na parang hindi siya makalakad nang maayos.

"Matanda na ako, may sakit-sakit na rin. Na-heart attack ako habang bumababa sa hagdan. Dahil doon, nahulog ako at ito ang naging sanhi," paliwanag niya.

Tumango-tango naman ako.

"May maintenance ka po ba?" tanong ko.

"Yes, I have. Don't worry about me. Also, I'm happy that you're here at nakakampante ako na ibigay sa 'yo yung business," nakangiti pang saad ni Dad.

Nagulat ako. Syempre, hindi naman ako magaling mag-manage ng business.

"Ehh bakit po sa akin? Bakit hindi po kay Tristan?" tanong ko.

"You're the oldest at nakaplano na ito simula pa noong nasa sinapupunan ka ni Janice," nakangiti pa rin niyang sagot.

Napahinga na lang ako nang malalim. Hindi naman kasi ito ang gusto kong gawin. Tsaka iniisip ko rin si Director ShaSha kagabi.

Napatingin naman ako sa ibang direksyon nang makarinig ako ng yapak papalapit sa amin.

It was Tristan.

"Good morning, Dad," bati ni Tristan sa ama niya.

"Saan ka galing kagabi?" ang tanging bungad ni Dad sa kanya.

Huminga nang malalim si Tristan.

"May ginawa lang ako. Tsaka, Ate, papunta ka na sa company, di ba? Tara, ihatid na kita," pag-iiba niya ng usapan kaya tumango na lang ako.

Nagpaalam na ako kay Dad at naglakad na kami papasok sa kotse niya.

"Ano ang nangyari kagabi!? Bakit niyo kausap yung dalawang miyembro ng Dark Veil!?" pasigaw niyang tanong nang makapasok kami.

Galit na galit siya.

Wait!

Sinusundan niya kami kagabi? Kaya natagalan siya sa pag-uwi!?

"Nandoon ka?" tanong ko at mabilis ko siyang tinignan.

"Oo, nandoon ako. Nakita ko rin noong isang gabi kung paano nila dinakip ang lalaki. Alam ko rin ang nangyari sa lumang bodega. At alam ko rin na magkakaibigan sila! Sana pala hindi na kita hinayaang makasal sa putanginang Blaze na 'yun!" sigaw niya sabay hampas sa manibela niya.

"Ano!?" gulat kong tanong.

"Bakit? Ipagtatanggol mo 'yun!? SILA MISMO ANG KUMIDNAP SA ATE KO!" sigaw niya at mabilis na pinaandar ang kotse para siguro hindi marinig ni Dad ang sigaw niya.

"Ate mo? Ibig sabihin, hindi ako anak ng pamilya mo? I mean, hindi ako yung nakidnap? I mean, totoo yung iniisip ko!?" sigaw ko rin pabalik.

"OO! HINDI IKAW ANG KINIDNAP DAHIL PATAY NA SIYA! MATAGAL NA SIYANG PATAY AT WALA NA SA MUNDO!" sigaw niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now