CHAPTER 13: Dark

268 13 3
                                    

Dianne Point of view.

Napangiti ako ng malaki, kitang-kita ko kung paano niya tignan si Dark. Grabe magselos!

Diba kanina sabi niya tanong ko kay Dark oh ito na si Dark kasama ko na.

Sabi pa niya ibibigay niya raw ako kay Dark, oh sige basta walang magagalit ha! I mean sino ba sa atin ang maguusok yung ilong sa galit.

"Uuwi ka na?" tanong ko kay Dark at tumango lang siya.

Wala na ata siyang lakas na loob na magsalita pa, kanina pa titig na titig si Blaze sa kaniya eh.

"Ihahatid ka na namin."

"WHAT!?" sigaw na niya naman.

Gusto kong tumawa pero dapat hindi ko gagawin yun para gumana ang pagpapaselos ko.

"Bakit? Diba may kotse ka naman? Tsaka Dark, may susundo ba sa'yo o may motor ka ba or what?" tanong ko.

Umiling lang si Dark.

"Oh see, wala siyang masasakyan! Tsaka kaibigan mo naman siya diba? Ihatid mo na." nakangiti kong sabi after that ay napakagat sa ibabang labi dahil pinipigilan ko yung sarili kong matawa.

"And, Fuck! you can walk!?" galit na galit siya.

"Ah hahaha ito? Okay na ako. Oo okay na ako." pagsisinungaling ko.

"Tsk, pag sa akin, hindi ka makakatayo, tapos nang makita mo si Dark, agad-agad okay na?" bulong niya na narinig ko.

Ewan ko ba pero tuwang-tuwa ako kapag inaasar ko siya na ganito. Kuhang-kuha ko inis niya.

Hindi na siya nakaayaw pa at nandito na kaming dalawa sa likod ni Dark habang siya nasa driver seat at nagdadrive.

Yung mata niya mas tumatalim na nakatingin sa front mirror ng kotse at para ba kaming binabantayan dalawa.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Dark.

Nakatingin lang din siya sa may front mirror na parang takot na takot. Ewan ko ba sa dalawang 'to para silang nagsasalita gamit yung mga mata nila.

"Maaga pa naman, so hindi pa." sagot niya at umusog para lumayo sa akin ng kunti.

Ano bang nalaman ni Blaze at parang selos na selos siya kay Dark?

Tumigil na yung sasakyan para kay Dark. Nang makita ko kung saan siya nagsstay ay parang naawa ako agad.

Ewan ko pero gawa lang ito sa plywood at parang ang hirap sigurong makatulog dito.

"Dito ka natutulog!?" tanong ko while pointing sa bahay niya.

Grabe, mas malala pa 'to bahay namin sa probinsya eh.

"Oo, bakit?" tanong niya.

"Nakakatulog ka diyan? Hindi ba tumutulo sa bubong kapag umuulan?"

Natawa lang si Dark.

"Syempre tumutulo pero hindi naman palagi umuulan kaya saks lang. Sige aalis na ako."

"Wait!" sigaw ko at lumabas din para makita ng kabuuan yung bahay.

"Dianne, let's go!" sigaw na ni Blaze.

"What if, sa bahay ka nalang muna namin tumira?"

Nakita ko naman na nagsilakihan ang mga mata ni Dark, gulat na gulat.

"WHAT!?" sigaw na naman nung dragon.

Hindi ko lang siya pinansin.

"Matulog ka kahit isang gabi sa bahay namin, bestfriend ka naman ni Blaze diba?" tanong ko.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now