CHAPTER 1: The wedding day

1.1K 19 27
                                    

"Ano na pa hinihintay niyo? Ah... Ayaw niyo? Malaki lang naman ang magbabago sa mga buhay ninyong dalawa kapag umayaw kayo," panimula ni Tristan, may bahid ng panunuya sa boses niya habang nakapamulsa at nakangisi sa amin.

"Una, mawawalan ng condo si Ate, at ikaw naman, Blaze, mawawalan ng trabaho dahil malalaos ang business mo. Pangalawa, mawawalan kayo ng bahay at lahat ng ari-arian ninyong dalawa. Pangatlo, maghihirap kayo hanggang sa dulo—at mamamatay kayo sa gutom. You should be thankful pa nga at tinulungan ko kayo, eh." Mas lalong lumalim ang ngisi niya habang iniisa-isa niya ang bawat banta.

"Ano bang gusto mo!?" sigaw ni Blaze, halatang nagpipigil ng galit. Nakakuyom ang kamao niya, nanginginig ang panga, at mukhang anumang oras ay susugod na ulit siya para suntukin si Tristan.

"I just want my dad to be happy. Gusto kong ibigay sa kaniya ang lahat ng gusto niya para at the end of the day, ibibigay rin niya ang lahat sa akin," sagot ni Tristan na may kasamang mapanuksong ngiti, para bang sinasadya niyang lalo kaming asarin.

Para bang sinasabi niyang malapit nang mamatay ang dad niya—o dapat ko bang sabihing dad namin?

Napatingin na lang ako kay Blaze. Alam kong pareho kaming walang magagawa. Anong laban namin?

Bumalik na sa simbahan ang babae na sinasabi nilang nanay ko. Sinundan ko lang siya ng tingin, sinusuri ang bawat detalye ng mukha niya. Magkamukha nga kami... Pero iyong tinatawag nilang "dad" ko? Ang hirap paniwalaan. Wala kaming kahit anong pagkakahawig. Kahit kunting-kunti.

Anastasia point of view.

Nang makaalis na sila Dianne sa church ay nilapitan ko agad yung lola ni Dianne.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko kay lola.

"Ginawa ko yun, para sa kinabukasan niya."

Flashback

[Yung gabi na nakita ni Dianne si Tristan sa labas.]

Pumasok ito sa kwarto ni Dianne dahil siya naman ang nagmamay-ari nito at nakita niya ang lola ni Dianne.

"Bakit ka nandito?" tanong ng lola ni Dianne.

"Nandito po ako para sabihin na I owned this condo at may plano po akong kukunin ito from Dianne."

"Ano?" tanong niya.

"Pero may choice naman siya, it's either gagawin niya ang gusto ko o hindi at kapag hindi niya ginawa. I will take this condo again away from her."

"Ano? Apo, huwag naman sana ganito."

"Huwag niyo po akong tawaging apo, I don't have a grandma like you. Tsaka isa pa, wala rin akong nanay na ginahasa."

*PAK*

Sinampal nung lola si Tristan.

"Ang bastos ng bunganga mo!" lola

"Bakit? Totoo naman ah! Nagpagahasa siya habang mag-asawa na sila ni Dad! Hindi nga ako sure kung galing ba talaga sa rape si Dianne o nagloko talaga ang apo niyo sa dad ko!"

"Ginahasa siya! Hindi siya nagpagahasa. Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganiyan, nanay mo pa rin siya!"

"I don't care, hindi naman siya mabuting ina."

"Ano bang gusto mo ha!?"

Ngumisi lang si Tristan.

"Gusto ko magpanggap ka na kinidnap mo si Dianne, gusto ko sabihin kay Dad na kapatid ko si Dianne at siya yung kapatid kong kinidnap. Alam ko matagal ng patay ang anak niya, pero gusto niya pa rin itong makita kaya magpanggap ka."

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}Where stories live. Discover now