Dianne Point of viewIto nandito kaming tatlo sa sala ulit para manood ng movie.
Saktong-sakto naman na may alak sa ref hindi ko alam pero mahilig kasi si Blaze dun kaya may laman yung ref namin na alak.
Marami rin kaming snacks at naghahanap na nga ako ng magandang panonoorin.
Umupo ako sa tabi ni Dark pero bigla nalang na hinila ni Blaze si Dark at siya yung pumagitna sa amin.
Nang makakita na ako ng magandang panoorin ay pinindot ko na iyon at ito na nags-start na.
"Napanood ko na 'yan, si Davon killer diyan."
Napatingin naman ako ng masama kay Blaze, eh hindi pa nga nags-start yung movie inispoil niya!!
"BLAZE!" sabay na sigaw namin ni Dark kaya napa WHAT look pa si Blaze sa aming dalawa.
"Wala na, excited pa naman sana ako pero tangina mo bro inispoil mo."
"Wow minumura mo ako?" seryosong tanong ni Blaze kaya natakot naman si Dark at lumayo sa kaniya.
"Pero bakit mo rin kasi inispoil? bobo ka ba!?" sigaw ko.
"Wow dalawa na kayo ngayon?" pilosopo niyang turan.
Natawa nalang ako. Hindi ko alam pero magkapareho talaga kami ni Dark ng personality akala ko nung una seryoso type siya.
"Eh bobo mo kasi eh!" reklamo ko.
"Dati pa 'yang bobo 'yang bestfriend ko na 'yan kung hindi dahil sa akin, hindi makakagraduate 'yan."
"Aray!" sigaw ni Dark kasabay ng pagkamot sa batok niya dahil binatukan siya ni Blaze.
"Hanap nalang ako ng iba, kapag may nagspoil na naman itatapon ko talaga!" sigaw ko.
Naghanap ako ng iba at ayun nagstart ito ulit. Wala na rin masyadong nagsasalita sa amin dahil sobrang seryoso na ang panonood namin sa horror movie.
Sobrang intense nito at nakafull volume pa yung sounds niya kaya rinig na rinig namin.
Sobrang nakakatakot yung movie. Tsaka hindi ko rin kayang manood ng horror kapag nakapatay yung ilaw kaya nanatiling naka-on yung lights.
Hanggang sa biglang napatay yung ilaw sa kusina kasabay ng pagsigaw nung babaeng bida sa movie.
"AGHHHHH!!!" sigaw nung dalawa at ako naman ay kinapa-kapa ko yung cellphone ko sa bulsa.
Nang makapa ko ito ay binuksan ko agad ang lights ko at...
"AAAHH!" sigaw ko nang makita ang mukha nilang dalawa na may lights gagi para kasing multo.
Pinuntahan ko naman yung kusina para i-on yung lights at nang mabuksan ko iyon ay nakita ko lang si Dark at Blaze habang magkayakap.
Natawa nalang ako sa dalawa.
Mabilis naman silang bumitaw sa pagkakayakapan. Sus, ayaw pa umamin love na love nilang yung isa't-isa.
Kaya ko pinapunta si Dark dito hindi para paselosin si Blaze. Kundi para pasayahin si Dark.
Hindi ko alam pero nararamdaman ko hindi siya naging masaya sa buhay niya.
Nakikita ko kay Dark yung sarili ko.
Bumalik na ako at nang matapos na namin yung movie ay napagisipan naming maglaro.
"Fast talk with boy Dark tayo." Dark.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Anong Fast talk with boy Dark!?" natatawa ko pang saad.
"Huwag ka ngang KJ! Sige na, kayong dalawa bale yung iinterview ko." Dark
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...